Emman's POV
"Emman, ito bilhin mo" iniabot sa'kin ni Andrean ang coat na kulay grey at may peach na neck tie.
"Bat ito?" tanong ko sa kanya saka ito kinuha. Sya rin ang nag-suggest kina Canon, Eleanor at Winter ng susuotin.
"Basta makinig ka sa'kin, maganda yan" plano ko sana'ng magsuot lang ng white polo pero nang makita ko yung mga pinipili nila, nakakahiya naman maging plain.
Hawak ko ang sinuggest ni Andrean saka itinapat sa sarili ko. Mukhang ayos naman sa akin, hindi ko na susukatin.
Andrean's POV
Inabot ko kay Canon ang kulay pulang suit habang kay Winter ay black at kay Eleanor ay Navy blue. Kanina ko pa katext si Grasya at sinabi nya sa'kin kung ano'ng kulay ang susuotin nila at kaylangan daw ay kakulay ng kanila ang mga partner nila. Hindi ko alam kung alam ng mga lalaking kasama ko na partner nila yung girls namin. Pano naman kami?
"Bal, ito maganda oh" pinili namin ni Andrei ang black coat at may dark green na neck tie, as usual, kami na naman ang mag partner hehe.
Lumabas mula sa fitting room si Canon suot ang kulay pulang suit.
Maraming tao dito sa boutique ang nakatingin sa kanya, maging ang mga babae sa labas ay napapatingin na sa'min. Maya-maya pa'y lumabas na rin si Eleanor suot ang navy blue na suit na ka-terno ng kay Grasya.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...