Eleanor's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw, malapit na naman ang finals. Simula nung araw na nag-ghost hunting kami, hindi na kami gaano'ng nag-uusap ni Liya. Hindi nya ako iniiwasan dahil paniguradong hindi nya naman nagets kung ano ba yung gusto kong gawin, sadyang umiiwas lang ako dahil nahihiya ako sa kanya.
"Hays finals na sa monday. Wala naman ako'ng naintindihan sa pre calculus" niyukyok ni Althea ang ulo sa lamesa.
Nasa canteen kami ngayon para sana mag-lunch pero wala ng pagkain sa canteen kaya nakatunganga na lang kami ngayon.
"Paturo ka kay Canon, problema ba yun?" Suggest pa ni Grasya. Ngumiti naman kaagad si Althea saka nagpacute kay Canon tsk.
"Sana all may magtututor" pang-aasar ni Andrean.
"Oo nga. Si Althea may Canon, si Liya naman may Emman" ngumuso pa si Grasya saka yumukyok din sa mesa.
"Andyan naman si Nayah ah" itinuro ko si Nayah na kasalukuyang nagbabasa ng libro. Bookworm ampotek.
"Tsk sana all ka dyan, pag naman tinuturuan kita, di ka nakikinig eh" isinarado ni Nayah ang libro saka nakapangalumbabang tumitig sa kawalan.
"Group study na lang kaya tayo ulit? Yung pre-finals ko tumaas dahil tinuruan ako ni Emman. Feel ko naman kaya ko na sa finals, ipapahiram ko naman si Emman sa inyo" ngumiti si Liya na para bang isang bagay lang si Emman na pinapamigay nya.
"Ayoko, nakakatakot si Emman eh" nakangusong sagot ni Andrei.
"Meron pa naman tayo'ng Miguel ah, andyan din si Winter. Oo nga, pwede ka magpaturo kay Winter ah" wika pa ni Andrean kay Grasya.
"Okay lang sayo Winter?" Sinilip ni Grasya ang mukha ni Winter na nakatingin lang sa labas.
"Hmm" tugon nito na hindi man lang tumitingin.
Sinilip ko ang mukha ni Nayah, medyo nakabusangot ito. Si Althea man ay nakatingin din kay Nayah.
Canon's POVNagsimula ang exam week namin. Sa sumatotal, nagkanya-kanya rin kami ng review dahil hindi kami magkasundo-sundo sa schedule ng bawat isa.
Sobrang bilis na ng mga sumunod na araw. After nito, enrollment na naman para sa second sem tapos ay sem break. Ilang linggo rin naming hindi makikita ang isa't isa.
"Ang hirap ng exam sa filipino kanina" reklamo ni Andrean habang naglalakad kami palabas ng school."Tsk yun na nga pinaka basic nahirapan ka pa" binatukan ni Andrean si Andrei dahilan para mag-away na naman ang kambal.
"Nga pala, kelan kayo mageenroll?" singit ni Liya sa gitna ng pag-aaway ng kambal.
"Next week na agad, para pagkatapos no'n, bakasyon na. Saan pala kayo magbabakasyon?"
Nag-isip naman sila sa itinanong ko. Usually kasi kami, umuuwi ng probinsya tuwing sem break.
"Sa bahay lang naman ako palagi eh, ikaw rin Emman diba?" Tiningala ni Liya si Emman na ngayon ay tahimik.
"Hmm.. hindi ko sigurado. P-pinapauwi ako nila Papa sa m-manila" kunot-noo kong pinagmasdan si Emman.
Bakit ka natetense?
"Ganun ba? Bakit ngayon ko lang yata yun nalaman. Ikumusta mo na lang ako kila tito. Teka wait--" huminto si Liya, pinapanuod lang naman namin sila mag-usap kahit na wala kaming naiintindihan sa kanila.
"I-ibig sabihin ba... Kila kuya Kendrick ka tutuloy?" Hindi umimik si Emman bagkus ay pinitik nito ang noo ni Liya saka nilagpasan.
"Selos" bulong ni Althea sa tenga ko saka nag-umpisa na ring maglakad. Sumunod lang naman ako sa kanila.
Liya's POV
"Isang delight nga po ate" inabutan ako ng tindera ng isang piraso ng paborito kong inumin. "I mean, isang balot po" nginiwian ako nito bago pa kumuha ng isang balot at ibigay ito sa'kin.
"Sungit-sungit, magbabayad naman ako" bulong ko pa bago tuluyang makalayo.
Umupo ako sa upuan saka tumanaw sa gate ng school. Nasa canteen ako ng ICA dahil mas malamig dito, isa pa dito ko na lang rin hihintayin ang mga kaibigan ko. Wala pa kasi sila at mukhang ako ang pinakaunang dumating.
"Hays bakit ba kasi wala si Emman nung umalis ako eh"
Itinusok ko ang straw sa isang delight saka ito sinipsip. Kinuha ko ang cellphone at dinial ang number ni Emman. Agad rin naman itong sumagot.
"Hmm?" Napanguso ako sa klase ng tugon nito. Hmm? Ano namang mapapala ko sa hmm na yun potek
"Hmm mo mukha mo, asan ka ba? Enrollment na ngayon ah"
Hindi ko masyadong maintindihan ang kabilang linya dahil may naririnig ako'ng babaeng nagsasalita.
"Wala ako sa bahay ngayon, kakaluwas ko lang. Sa pasukan na ko mageenroll. Pasabi na lang rin sa iba"
Ibaba ko na ang linya nang mauna syang magbaba. Aba! Malakas na loob ng taong to babaan ako ngayon ha? Tsk mukhang nagmamadali pa, ano kayang meron?
"Akala ko ba nililigawan nya ko? Pero mas lumala pa yung ugali nya, psh. Ang bobo mo talaga Emman" muli kong tinusok ang straw sa isa pang delight hanggang sa maka-tatlo ako.
Tsk kaylangan ko tong tipirin dahil matagal pa dadating yung mga abnormal na yun. Sabi alas onse daw pero 11:30, wala pa rin.
Lahat sila, otw na ang sabi sa gc. Otw ampotek, on the water.
"Asan si Emman?" Bungad ni Nayah sa'kin pagkadating nya."Nasa maynila na sya, sa pasukan na daw sya mismo mageenroll. Tsk ako lang tuloy mag-isa sa bahay"
Bumuntong-hininga ako. Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang iba pa. Sabay-sabay kaming pumunta sa registrar para mag-enroll na.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomansaCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...