Liya's POV
Pasakay na ako sa bike ko nang makita ang gulong nito---flat. Halaaaa pano ko pupunta kila Eleanor?
Sakto namang lumabas si Emman sa pintuan, nakasukbit ang bag nito, plain white shirt at pants lang ang suot. Pareho pa nga kami gaya-gaya amp.
Sumakay sya sa bike nya, inilagay sa basket ang bag at akmang magpepedal na habang ako, nanunuod lang sa likuran nya. Bago pa man sya makalayo ay tumakbo ako palapit sa kanya saka sumakay at umangkas sa bike.
"Ano bang--- tsk wala ka bang bike ha?!"
"Eh flat yung gulong eh" umupo ako nang maayos at kumapit sa likuran nya.
"Flat ka na nga pati ba naman bike mo--"
"Sasakalin kita Emman"
"Subukan mo, ihuhulog kita"
Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Eleanor, tinext ko sila para malaman kung ayos na ba ang surprise namin.
<Sandali, malapit na>
Ahmp andito na nga kami sa labas eh. Akmang papasok na si Emman kaya napasigaw ako.
"EMMAN WAIT!" sinadya ko ring ilakas ng extra lakas ang boses ko para malaman nilang nasa labas na kami.
Hindi ako pinakinggan ni Emman kaya wala ako'ng ibang nagawa kundi ang hilahin sya sa braso nya.
"Ano bang problema mo?" inis nyang tanong sakin. Init naman ng ulo neto.
"Sungit mo naman, may nakita kasi akong ice cream dun. Bilhan mo ko" ilang beses pa ako'ng nagpacute pero hindi tumalab. Tinakpan nya ng kamay nya ang mukha ko, bwisit talaga eh.
"Teka wait kase!" lalapitan ko na sana sya ulit nang mapatid ako at masubsob sa likuran nya.
Napapikit ako nang naramdaman Kong bumagsak kami pero hindi ako nasaktan dahil nasa likod ako ni Emman. HALA! Baka si Emman naman---
"HAPPY BIRTHDAY, MAYOR!"
Napadilat ako, at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga kaklase ko. Agad ako'ng napatayo at don ko lang narealize na sumubsob pala ako sa likod ni Emman habang sya ay sumubsob sa sahig.
Inis ako'ng tiningnan ni Emman habang kasalukuyang inaayos ang sarili nya. May gasgas ito sa mukha dahil sa pagkabagsak nya. Malay ko bang nabuksan nya na pala yung pinto, tapos napatid pa ako kaya dumiretso ako sa likod nya at sabay kaming bumagsak. Tss
Sobrang epic ng surprise namin sa kanya. Imbis na magpasalamat si Emman ay nainis ko pa sya dahil nagkasugat ang 'gwapo' nya'ng mukha. Ew
Kinuha ko ang first aid kit na nakita ko at saka dinisinfect ang gasgas ni Emman sa mukha. Ang mga kaklase naman namin ay nagsisikain na ng binili kong pagkain para sana kay Emman.
"Bat ka bumili ng cake? May donut pa, alam mo namang hindi ako mahilig sa---" hindi nya natapos yung sasabihin nya kaya tiningnan ko sya, nakatitig lang sya sa'kin habang pinupunasan ko ng betadine ang sugat nya.
"Don't tell me naiinlove ka na sa'kin?" pinagtawanan ko sya matapos makita ang ekspresyon nya.
"Hindi mo alam na hindi ako kumakain ng sweets?" kunot-noong tanong nya sa'kin. Tsk yun pala iniisip nya kaya sya natulala.
"H-hindi eh--"
"Tss"
"Mayor, ilang taon ka na ngayon?" tanong ni Grasya na lumapit sa gawi namin. Kasama nya naman sila Althea.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...