Althea's POV
Kasalukuyan ako'ng nakayukyok sa lamesa, antok na antok ako at timing naman na wala ang teacher namin.
*BLAG*
Agad ako'ng bumangon at saka tumingin sa likuran ko kung saan nanggaling ang galabog. Nawala ang antok ko nang makita si Liya na nakaupo sa sahig.
"Huy anyare?" Lalapitan ko na sana sya pero sakto namang dumating si Emman galing sa labas at nagmamadali itong lumapit kay Liya.
"Ano'ng nangyari?" tanong nito kay Liya na nakangiti pa.
"Wala, inaantok kasi ako tapos nahulog ako sa upuan ko" tumayo si Emman sa harap nya. Di nya ba sya tutulungan?
"Bobo mo talaga" bulong pa nya saka inilahad ang kamay. Hindi naman tinanggap ni Liya ang alok ni Emman at tumayo sa sarili nya.
Umupo na si Liya sa pwesto nya, nakita ko namang nginisian ni Eleanor si Emman na nakalahad pa rin ang kamay kahit na wala na si Liya sa harapan nya.
"Okay ka lang Liya?" tanong ni Eleanor saka naupo sa pwesto ni Emman.
"Oo nawala tuloy antok ko"
Naglakad si Emman papunta sa upuan nya at saka tinaasan ng kilay si Eleanor na walang pakiealam sa kanya.
"Upuan ko 'yan" ngumisi pa si Eleanor bago tumayo at bumalik sa sariling upuan.
Emman's POVMataas ang sikat ng araw sa labas, tamang-tama sa tahimik na classroom namin ngayon. Wala na ang mga kaklase ko dahil nagsiuwi na sila, ako na lang ang naiwan at si Liya na natutulog sa desk nya.
Bakit ba kasi sya nagpupuyat? Malapit na ang acquaintance pero nagiipon pa rin sya ng eyebags.
Nakatagilid ang mukha nito at saktong nakaharap sa bintana. Direktang tumatama sa mukha nya ang sikat ng araw na ilang oras na lang ay malapit nang lumubog. Hindi ba sya naiinitan?
Ara's POVNaglalakad ako sa corridor nang mapansing wala na ang section 4 sa classroom nila pero nakabukas ang pintuan. Kinuhanan ko iyon ng litrato para isumbong sa principal. Akmang isasarado ko na ang pinto nang makitang may dalawang tao pa pala sa loob.
Si Daivik... At ang vice mayor nila.
Nakayuko si Liya at nakaharap sa bintana habang si Daivik ay naka-tayo sa harapan nya, nakatalikod sya sa'kin ngayon kaya hindi nya alam na nandito ako. Itinaas nya ang kamay nya para harangan ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ni Liya. Pero ilang sandali lang ay umupo sya sa sahig at tinapatan ang mukha ni Liya.
Talaga bang gusto nya sya?
Emman's POVPinagmamasdan ko ang mukha ni Liya nang magsalita ito, "Emman wag mo ko'ng titigan" nakapikit pa rin ito kaya hindi ko alam kung nananaginip ba sya o gising na.
"Tsk ang pangit mo Liya" natatawa ko pang bulong.
Napangiti ako ng wala sa oras nang takpan nya ng mainit na palad nya ang mukha ko. Inalis ko naman ang kamay nya pero nanatili itong hawak ko.
"Natutulog ako wag kang magulo" kinukuha nyang pilit ang kamay nya pero hindi ko binitiwan. Ang lambot ng palad nya, halatang tamad at walang ginagawa sa bahay.
"Uwian na, uwi na tayo" mahinahon ang boses ko, ayokong sirain ang moment na kaming dalawa lang ngayon. Isa pa, hindi rin naman magegets ni Liya 'to kaya mabuti na 'yon.
"Inaantok pa ko" nakapikit pa rin ito pero medyo naaalimpungatan na sya. Hindi nya na rin hinihila ang kamay nya at isinuko na sa'kin.
"Sa bahay ka na matulog" mabuti na lang at nakapikit sya, hindi nya alam na nakangiti ako sa harapan nya.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...