Liya's POV
"Bago ko tapusin ang klase, gusto ko lang ipaalala sa inyo na ngayong exam week dapat ay nagrereview kayo pero bakit puro pakikipagligawan ang inaatupag nyo?" Natigilan ako sa pagddrawing sa desk at napatingin kay Sir Justin.
Itinaas nya ang kamay nya na may hawak na papel na blue. Nakahinga ako nang maluwag, akala ko alam na ni Sir eh.
"Alam nyo ba kung ano tong hawak ko? Love letter! Sino naman ang magbibigay ng love letter sa panahon na'to?"
Walang umiimik samin, minsan lang manermon si Sir Justin at alam naming mainit talaga ang ulo nya.
"Nakuha ko to sa upuan ni Emman kaninang lunch. Hindi nakalagay kung kanino galing, pero yung sinasabi ko para sa inyong lahat. Guys, unahin ang exam kaysa sa ligaw ligaw na yan"
"Sir baka kay Emman yan" hirit ni Eleanor.
"Oo kay Emman nga to. Para kay Emman"
Agad ako'ng tumawa at hindi ko mapigilang magtanong.
"Kay Emman? Sino'ng magbibigay ng love letter kay Emman?"
Natigil ako sa pagtawa nang lahat sila ay nakatingin sakin, maging sina Nayah.
"Seriously Liya, di mo alam?" Tanong pa ni Althea.
Umiling ako. Ano bang hindi ko alam?
"Halos araw-araw may humaharang kay Emman para mag-abot ng love letter. O kung hindi kay Emman, samin pinapaabot" singit ni Grasya.
Literal na napanganga ako saka tiningnan si Emman. Seryoso ba?
"Nung nakaraan nga may nag-abot pa ng chocolate eh. Buti sakin inabot, tutal itatapon rin naman ni Emman, kinain ko na lang" natatawa pang kwento ni Andrean.
Mukhang ako lang ang hindi nakapansin na marami palang nagkakagusto kay Emman. Ganun ba ako kamanhid? O wala lang talaga ako'ng pakiealam?
"Alam ko yung nararamdaman mo Emman, nung high school din ako, araw-araw ako'ng nakakatanggap ng mga regalo. Pero sinasabihan ko sila na mag-aral mabuti" nginiwian lang namin si Sir dahil bumalik na naman sya sa totoong ugali nya.
"Eh Sir bakit hanggang ngayon, single kayo?" Sinamaan ng tingin ni Sir si Andrei.
"Ikaw Andrean pasmado bibig mo ah"
"Seriously Sir? Hanggang ngayon di nyo pa rin alam kung sino si Andrei at Andrean samin? Nakakatampo naman kayo" umarte pa sya na akala mo ay nasaktan talaga.
"O sige na, last day na ng midterm exam nyo bukas. May friday, saturday at sunday kayo para mag-relax. Enjoy your weekend, get lost"
Nagsigawan kaming lahat nang matapos ang klase. Last day na ng exam bukas, heaven dahil Filipino at English lang naman ang subject namin para bukas.
Andrean's POV"Guys, ano plano nyo sa weekend? Tara inom!" Binatukan ako ni Grasya, pinalo ko naman ito pero hindi sya tumigil hangga't hindi ako sumusurrender. Tsk bakit ba ko pumapatol sa babae.
"Inom ka dyan, may naisip ako" nagpaumuna maglakad si Eleanor saka naglakad patalikod habang nakaharap sa'min.
"May bahay-bakasyunan sila mama na medyo malapit lang din dito. Balita ko wala nang nakatira don, pwede tayo don"
Kaagad namang nagsi-agree ang lahat maliban kay Emman. Lahat kami ay naghihintay sa response nya.
"Ano sasama ka ba?" Tanong ni Eleanor dito.
"Sasama ka ba?" Tanong naman ni Emman kay Liya.
"Oo naman noh, wala naman ako'ng ginagawa sa bahay eh"
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...