Chapter 6

17 8 0
                                    

Liya's POV


Nakanguso ako habang naglalakad. Sobrang naiinis ako kay Emman, napaka epal talaga. Hindi ko na muna kinausap si Eleanor, mukhang si Emman ang kaylangan kong kausapin.


"Bat ka ba kasi ganun makipag-usap? Ngayon mo lang naman nakita yung taong yun tapos ganyan ka na umasta?" Iritable kong sabi. Tiningnan lang ako nito, ibinaba ang stand ng bike. Nasa harap na pala kami ng bahay namin.


"Pake mo?" Pangbabara na naman nito. Inis ko sya'ng sinipa sa binti nya saka padabog na pumasok sa loob ng bahay at ini-lock ito. Nakakainis naman kasi eh! Mukhang ako na lang ang babalik para makumbinsi si Eleanor na pumasok.



Miguel's POV


Kasalukuyang nagdidiscuss ang oral com teacher namin nang pumasok si Vice mayor. Late na naman sya, dinig na dinig tuloy ang malakas na buntong-hininga ng tao sa likuran ko; si Daivik.


"Pasensya na po-"


"I told you already, ayoko ng late sa klase!" Inis na sabi ng teacher. Hindi namin inaasahan iyon, unang araw pa lang nya samin ngayon dahil last week, si Sir Justin ang bumungad samin.


"What's my rule again kapag late?" tanong na naman ni Ma'am, nakayuko lang si Liya at walang masabi.


"Ma'am, I'm sorry-"


"It's your first day in our class Ma'am, wala ka pa pong binabanggit na rules and regulations" pagsingit ni Daivik. Nagkatinginan naman yung dalawang kambal sa harapan ko at saka ngumiti.


"Oo nga Ma'am, wala ka pang sinasabing kahit ano" pagdagdag ni Andrei, isa sa kambal.


"Bigla ka na lang pong pumasok at nagdiscuss, di rin po namin alam name nyo" natatawa pang dagdag ni Andrean, ang kakambal ni Andrei.


Medyo napahiya naman si Ma'am, tiningnan nito si Vice at sinenyasan na maupo na sa kung saan man ito nakapwesto.



Liya's POV


Habang nagrerecess, hindi mawala sa isip ko si Eleanor. Hmp. Kaylangan ko sya'ng puntahan mamaya nang hindi nalalaman ni Emman.


"Andrei! Andrean!" Tawag ko sa kambal. Ngumiti naman ito sa akin at saka nagtatakbo papalapit sakin.


"Bakit boss master?" Sabay nilang tanong sakin.


"Samahan nyo ko mamaya, okay?" Nginitian ko sila at saka sabay na namang nag-agree.


Isa sila sa nakasundo ko after ng four days na pasok last week. Apat na araw lang kasi ang klase namin, yun yung nasa schedule. Pero ang schedule naman, iba-iba rin ang oras. Tulad bukas, dapat ay alas-dyis ang klase pero papasok kami ng 7:00 am para sa orientation. At dahil dyan, kaylangan ko talagang mapapasok si Eleanor.

A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now