Liya's POV
Sabado ngayon at wala sana kaming pasok kaya lang ay pinatawag kami ni Sir Justin dahil may kaylangan daw syang hinging pabor sa'ming dalawa ni Emman. Kaya heto ako ngayon, kaharap na naman itong bwisit na tao'ng 'to. Kaylan kaya ako makakawala sa isang 'to?
"Hmm..." bulong ko sa sarili ko. Kasalukuyan kami'ng naglalakad at dala ang aming bike gaya ng palagi naming ginagawa noong bata pa kami.
"Ano na naman pumasok sa isip mo?" Tanong nito sa'kin. Kabisado nya na talaga ako, kapag kasi bumubulong ako or bumubuntong hininga, ibig sabihin no'n ay nag-iisip ako.
"Emman, kapag nagka-boyfriend ba 'ko, lalayuan mo na 'ko?" napatigil sya sa paglalakad at nilingon ako. Nakangisi na ito at naniningkit ang singkit nang mga mata.
"Sa tingin mo ba may magkakagusto sa'yo?" sinipa ko sya dahil sa sinabi nya. Napakawalang galang talaga.
"Tss.. maghahanap na ako ng boyfriend para di mo na ako sinusundan"
"Sino bang nagsabi sa'yong sinusundan kita?" pambabara nya na naman. Inis ako'ng sumakay sa bike at saka nanguna sa pagpasok.
Pagdating sa eskwelahan, habang iginagarahe namin ang bike namin, halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa'kin. Hays ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?
"Tingnan mo sila, Emman gandang-ganda sakin" proud na wika ko pa. Ngumisi na naman ang baklang kasama ko saka naningkit ang mga mata. Natural na yata talaga sa kanya ang manliit ang mata, kahit na anong kilos ang gawin nya sa mukha nya, sumisikit talaga.
"Syempre titingnan ka nila..." Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa, "...mag-uniform ka ba naman during wash day eh" dagdag nya pa.
Napatingin din ako sa suot nya at sa mga taong nakapaligid samin. Tsk! Bat ngayon ko lang napansin na lahat sila ay hindi nakauniform?
"Hala"
"Tara sa cr" aya nya saka hinawakan ang strap ng bag ko.
"Oh my gosh, Emman No!" Napayakap ako sa sariling katawan at saka pilit na inilayo ang sarili kay Emman.
"Gaga" inis nyang sabi, "may baon akong t-shirt, palitan mo yang uniform mo mukha kang tanga" prangkang sabi nya dahilan para ibaba ko ang mga kamay ko at nakangusong sumunod sa kanya. Gaga daw. Tanga daw. Hmp
Emman's POV
"Good morning Sir" bati namin ni Liya kay Sir Justin nang makarating kami sa office nito. Medyo nagtaka pa si Sir dahil sa suot ni liya na t-shirt habang naka-palda na uniform.
"Upo kayo" utos nya samin at dahil iisa lang ang upuan, nagmamadaling naupo si Liya. Dumila pa ito para asarin ako dahil nauna sya sakin umupo. Isip-bata
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...