Grasya's POV
Matapos ang recognition ay nagsilapit kami kila ate Thine. Maraming medalya ang nakasabit sa leeg nya, sa tabi naman nya ay ang Valedictorian na si Caleb.
Nakakagwapo talaga pag matalino. Add to cart ko na rin si Kuya Caleb.
"Congratulations Ate Thine! Kuya Caleb!"
Nginitian kami nito kasabay ng paglapit ng tatlo naming kaibigan. Tuwang-tuwa si Althea at kaagad na lumapit kay Canon at nagpicture sila.
Wala naman na kaagad ang mga medalya sa leeg ni Emman. Nilingon ko sya, at nakakatuwang mapanuod na ilipat nya ang lahat ng awards nya kay Liya.
"Mabigat pala sa leeg maging matalino, noh?" Biro pa ni Liya saka nakipag-tawanan.
"Congrats din Nayah" mula naman sa tabi ko ay sumingit si Winter.
"Guys, tingin kayo dito"
Tumayo si kuya Kendrick sa harapan namin at may hawak na camera. Nagsipuwesto kami sa harap ng stage habang nasa gitna naming lahat si Nayah, sa dalawang gilid nya ay sina Canon at Emman at kaming iba pa ay nakapalibot sa kanila.
Matapos kaming kuhanan ng litrato ni Kuya Kendrick, bumalik ito sa tabi ni Attorney Renzo na kasalukuyang nasa gilid lang at nakatanaw lang sa'min.
"Guys, hindi na rin ako magtatagal ha? May lakad pa kami ni Mama eh. Basta next week, wag na wag kayong mawawala ah?" Nagpaalam na si Nayah at sumama kay tita.
Nagkanya-kanya naman kami nila Althea ng selfie.
Emman's POV
"Bat ang dami mong medals, wala naman ako'ng nabalitaang ginawa mo sa school" ngumuso si Liya.
"Dahil wala ka namang pakielam sa'kin" sinamaan ko sya ng tingin, "Ni hindi ka nga nagpunta nung sumali ako sa contest"
Nanlalaki ang mga mata nya. Sabi na nga ba, wala rin sya'ng alam.
"Kelan naganap yung contest? Woah nag-number one ka ba? Nanalo ka? Ano'ng contest yun?"
Sasagutin ko na sana sya nang tawagin ako nung Mayor ng section 1. Nakalimutan ko ulit ang pangalan nya
"Emman"
"Uy, Ara! Congrats" bati sa kanya ni Liya na wagas kung makangiti.
Ara pala.
"Congrats sa'yo" iniunat ni Ara ang kamay at nakikipag-kamay sa'kin.
Tinanggap ko ito, "Congrats din" tipid kong sagot at agad na binawi ang kamay ko.
Liya's POV
Maaga ako'ng nagising dahil sa tawag ni Althea. Pinapababa nya ako dahil nasa labas sya ng bahay kasama si Grasya.
Ano namang ginagawa nila dito?
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang dalawa.
"Liya, nakabili ka na ba ng regalo kay Nayah?"
Nanlalaki ang mata ko dahil ang tagal ko nang iniisip kung ano bang ireregalo ko pero hanggang ngayon, wala pa rin ako'ng nabibili.
AT MAMAYA NA ANG DEBUT NYA!
Hindi ko na kinausap sina Grasya, nagmamadali ako'ng naligo at nagbihis.
Nasa mall kami at pare-parehong hindi makaisip ng bibilhin. Ilang oras lang ang pwede naming itagal dito dahil kaylangan pa naming maging maaga sa debut ni Nayah.
![](https://img.wattpad.com/cover/217675577-288-k246081.jpg)
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...