Chapter 27

7 8 0
                                    

Liya's POV

"WAAAAH MABABALIW NA KO DITO!!" Ginulo ko ang buhok ko saka ibinuhos ang tubig na mainit sa cup noodles na binili ko.

Bukas ay November 1 na, halos lahat ng mga kaibigan ko ay nasa bakasyon at mga probinsya samantalang ako, nasa bahay walang kasama. Hindi pa marunong magluto. Dalawang linggo na puro noodles lang ang kinakain ko dahil tinatamad naman ako'ng bumili sa malayo o di kaya ay kumain sa labas.

Habang naghihintay na maluto ang noodles, kinuha ko ang soft drinks na binili ko rin.

Ni hindi man lang ako sinamahan ni Emman ngayong bakasyon. Hindi ko rin mapilit sila Althea dahil alam ko'ng nagbabakasyon sila. Hays

Habang kumakain, bigla na lamang sumakit ang puson ko. Dumiretso agad ako sa banyo para malaman kung meron na ba ako'ng dalaw pero wala naman. Pinakiramdaman ko pa ang sarili ko pero matapos ng ilang minuto, napatakbo ako muli sa cr dahil nasusuka ako.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Dapat na ba kong magpunta ng ospital? Pero paano ko magpapacheck up, hindi ako marunong. Saka hindi ko gusto ang amoy ng ospital. Aisht nakakainis

Umakyat ako sa kwarto para magbihis. Hindi ako makalakad nang maayos, halos maging number 7 na ako sa pagkabaluktot ko. Sobrang sakit talaga at hindi nawawala.

Saktong pagbaba ko ay narinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas ng bahay nila Emman.

Umuwi na kaya sya?

Bagaman masakit ang puson ko, nagmamadali ako'ng lumabas para malaman kung si Emman nga ba.

Nakatukod ako sa pader habang naglalakad dahil medyo nahihilo ako sa sobrang sakit, at parang kahit ano'ng oras ay magsusuka ako.

Sa oras na makalabas ako ng bahay, nanlabo na ang paningin ko at para nang magdidilim. Nanginginig ang tuhod ko at nanghihina dahilan para tuluyan ako'ng bumagsak sa lupa.

Nakita ko pa ang lalaki na lumapit sa'kin matapos no'n ay tuluyan nang nawala ang paningin ko.

 
 
 
 
 
Eleanor's POV

Nagmamadali ako'ng pumunta ng ospital matapos malaman na nagkasakit si Liya. Hindi ko pa alam ang buong kwento at kung ano ba ang nangyari sa kanya pero sana, ayos lang sya.

May tumawag daw kay Nayah gamit ang number ni Liya pero lalaki ang nagsalita at sinabi sa kanyang nasa ospital ito. Hindi naman mapupuntahan ni Nayah dahil sa susunod pang araw ang balik nya dito sa Bulacan.

At kahit marami ako'ng ginagawa, di ko naman pwedeng pabayaan si Liya sa ospital lalo na at hindi ko naman kilala kung sino'ng lalaki ba ang kasama nya.

 
 
Liya's POV

Nagising ako sa sakit ng puson ko. Biglang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari kanina.

Teka, asan yung lalaking nagdala sakin dito?

Inilibot ko ang paningin ko nguni't walang kahit sino ang nasa loob ng kwarto bukod sa'kin. Expected ko na rin namang nasa ospital ako dahil sa puting pader at at kurtina.

Pinilit kong tumayo para sana lumabas nguni't may boses ng lalaki ako'ng narinig. Dalawang lalaki.

Familiar...

"Oh Liya, gising ka na pala" nilingon ko si Eleanor.

Nilapitan nya ako at naupo sa tabi ko.

"Pano mo nalaman?"

Hindi sya umimik, maya-maya lang ay may lalaking lumitaw mula sa pintuan.

Matangkad, maputi, singkit, at gwapo. Hawig ni Emman.

A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now