CHAPTER 1
Nagpatulong ako sa isang Senior kanina upang madala sa clinic ang bangkay — biro lang.
Ako na nga iyong nanuntok, ako pa ang nagdala no'n sa clinic. Great.
Tinanong ako ng nurse kanina kung ano ang nangyari. Ayaw ko rin namang maireport at magka-record kaya'y nagsinungaling ako't sinabing nadulas ang tukmol nang diretso ang mukha.
'Di ko alam kung naniwala sa alibi ko ang nurse ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lamang ito. Umalis ako sa clinic nang walang ano-ano't dumiretso sa cafeteria nang maisip na baka naroon pa sina Quinn.
Sinalubong ako ng mga kilay nitong nakataas. "Saan ka galing?"
"May inasikaso lang ako, 'di na ako nakapagpaalam," sagot ko.
Iniripan lamang ako nito't umalis. Napahawak na lamang ako sa aking tainga. Umalis na rin ako't tumungo sa susunod kong klase. Yes, kahit 'di pa ako nakakapag-lunch. Bwesit na lalaking 'yon. Yaan na nga, nakabawi naman din ako.
Pero, with all fairness, he got the features.
What the fuck, Drop? You don't give praises. Especially because it's a freaking guy! What's wrong with you?
Matapos ang klase ay nagmadali akong pumunta sa labasan. Tumawid ako sa kalsada at naghintay roon sa waiting shed. Unfortunately, hindi pa ako licensed, I'm still seventeen. Kung kaya'y hatid-sundo rin ako ni Kuya Achilles, family driver namin.
Maaga-agang natapos ang mga klase ko kanina kaya medyo may time pa ako para pumunta sa paborito kong ice cream store na medyo malapit lang din sa school.
Naglakad ako papunta roon. Madami akong kasabay sa paglalakad. And I actually am observant so I get to noticed a girl at my front, may dala-dalang mga libro. A guy, however, who seems to be so out of his self, dala na rin siguro ng headset na nasa kanyang mga tainga ay naglalakad kabaliktaran ng aming direksyon.
Kaya 'di nila naiwasang magkabanggaan. Tipikal mula sa mga telenobela, nahulog ang mga mabibigat na aklat na daladala ng babae't sabay nila itong pinagpupulot. Malalagpasan ko na sana sila ngunit nahuli ng aking paningin ang tila koneksyong namagitan sa dalawa, kapwa nagtitinginan habang magkahawak ang dalawang kamay.
Meh. What a cliché love story.
I directed my eyes towards the guys in front of me. Magkaholding-hands naman ang dalawang ito. Ang isa'y nakasuot ng unipormeng gaya ng sa akin. Marahil ay schoolmate ko ito. Likely, I don't know, I seem to be so engrossed with the people who I only know and seldomly gives a damn on those I barely knew. Habang ang isa naman ay masasabing mas matangkad at may porma ang katawan. Nakasukbit sa balikat nito ang isang kulay lila na bag na sa palagay ko'y pagmamay-ari no'ng isa.
Nevertheless, both looks so in love with each other. Na tila ba walang ibang factor na maaaring pumagitan sa pagmamahalan nila.
Meh. Oh eh 'di sana all.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinigilan na lamang ang sariling mag-deduce ng mga kasabayan sa paglalakad. Our number gradually decreased hanggang sa ako na lang ang mag-isa. Medyo malayo-layo pa naman ang ice cream hub. Sana pala'y nagdala na lang ako ng cellphone para may mapagkaabalahan. 'Di rin naman kasi allowed ang phones every class hours kasi nga distraction lang ito sa pagtuturo kung kaya'y 'di na rin ako nag-abala pang magdala nito kahit kailan. I'm also not the type na nagte-text kaya gano'n.
Through my peripheral vision, nasilayan ko ang isang kulay itim na sasakyan na tila sinasabayan rin ang paglalakad ko. 'Di ko na lamang iyon pinansin at binilisan na lamang ang paglalakad. Malay ko ba kung naubusan na pala ng gas 'yong nagmamaneho?
Nang tuluyan kong binilisan ang paglalakad, wari ko'y medyo binilisan rin ng kotse ang pagtatakbo nito. Nilingon ko na ito sa pagkakataong ito.
It's a black Mitsubishi.
Diretso akong naglakad at 'di na binigyang-pansin pa ang wirdong sasakyan.
'Di ko alam kung papaanong nangyari ngunit naramdaman ko na lamang ang mahigpit na pagkakahawak sa aking balikat ng kung sino man. At nang lilingonin ko na sana ito'y kinulong nito ang aking ulo sa kaniyang bisig. Nagpupumiglas ako, nagpumilit kumawala ngunit tila mas malakas sa akin ang taong ito. Tinakpan niya ng panyo ang aking ilong at bibig na alam kong may pampatulog na siya ring dahilan upang tuluyan akong mawalan ng malay at 'di ko na alam lahat ng sumunod na mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...