/30/

3.6K 162 4
                                    

A FEW YEARS LATER

Nakapalumbaba lamang ako sa table ko't namumungay ang nga matang nakatutok sa screen ng PC. Nire-review ko ang ilan sa mga detalye sa project na hinahawakan ko.

Tinatamad ako. Pero kailangan ko 'tong tapusin.

Tumagal ako ng ilang oras sa pag-uusisa. Malaki-laki ang proyektong iyon kaya iniwasan kong magpapetiks-petiks at nagseryoso.

"Architect," ani isang boses sa likuran ko. 'Di ko siya namataan kung kaya ganoon na lang ako nang magulat at napaharap sa kaniya.

"S-Sir?"

Kaharap ko ngayon ang COO ng kompanyang pinapasukan ko. Isa itong korporasyon na binubuo ng iilang mga Pilipino't maging mga foreign firms.

"Come to my office," iyon lang at dirediretso siyang pumasok sa kaniyang opisina.

'Di ko maiwasang magtaka. Siya kasi mismo ang pumarito't nagsabi sa 'kin. Bihira lamang iyon.

Mabilisan kong inayos ang mga gamit at dinala ang mga dokumento't iba pang ni-review na items upang ipasa sa kaniya.

Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng sagot.

"Come in."

Pumasok ako sa loob at nadatnan ko siyang magkahawak ang dalawang kamay na nakatukod sa mesa. Iminuwestra niya ang upuan na nasa kaniyang harapan.

Iniabot ko sa kaniya ang mga tinrabaho ko. Nagliwanag naman ang kaniyang mukha nang makita ang polder na kaninang umaga niya lang pinagawa sa 'kin.

Hangga't maaari kasi'y tinatapos ko nang madalian ngunit maingat pa rin ang pinapatrabaho sa 'kin. Ipinupokus ko ang sarili sa pananaw na mas mapapadali ang pag-uwi ko't 'di na ito poproblemahin pa sa katagalan. If possible, I always find and make time for myself.

Inisa-isa niyang tiningnan ang mga dokumentong iyon at wala sa sariling napapatango.

"You really are good," ani nito, may banyagang tuldik.

I smiled at him. Ilang beses ko na bang narinig 'yan? "Thank you, Sir."

Itiniklop niya ang mga folder at muling humarap sa 'kin.

"But that's not what I've called you for," nakangiti siya habang nagsasalita.

Nakakunot-noo ko naman siyang tinignan.

"You've worked for the company with undeniable excellence. You're very competent, young man."

That, I'm well aware of. That makes me so proud. But hearing this from other people's way inequable. Masarap sa pakiramdam.

"So, I'm sending you back to the Philippines."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. What?!

"S-Sir, what does that m-mean? Which of those have I done unwell?" Parang tanga kong usisa't itinuro ang nga dokumentong ibinigay ko sa kaniya kani-kanina lang. "I'll d-do it again, S-Sir."

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon