I took a shower while humming There's Nothing Holding Me Back by Shawn Mendes. Nagawa ko pang mag-Medley, napalitan ang hinuhuni ko ng Memories na kaniya rin.
Nasisiraan na ata ako ng bait.
I wore a gray turtleneck and paired it with a trench coat. Smiling, I inspected my entirety in the mirror. Bahagya kong ginulo ang buhok ko't tinipon sa gilid ang tumatabing sa mukha. Para kunwari, messy. Gano'n na gano'n kasi sa mga nobelang nababasa ko, hehe.
Bumaba na ako't kinain ang inihanda ni Manang. She bid me goodbye and wished me luck for my first day as a supervisor. Nginitian ko na lang siya. Hindi na ako nakapagpaalam pa kina Mommy dahil paniguradong tulog pa ang mga 'yon.
Humidity's as thick as my clothes. I can tell.
Inimaneho ko ang BMW papunta sa firm na nakalagak sa Pampanga. Medyo matatagalan ang byahe. Pero kaya nga ako madaling araw pa aalis, eh. Tch.
It took me about an hour before I arrived at my destination. Nang makarating, 'di ko mapigilan ang pananabik na pinupuno ang sistema ko. I threw a look at the infrastructure's façade. Nakatatak sa gawing sentro nito ang pagkakakilanlan. Wizengamot. Bumuntong-hininga ako bago tuluyang pumasok.
'Di ko akalaing ako na ang mamahala nito ngayon din. I doubt my capability to handle such company. Kaya 'di ko maiwasang kabahan ng husto, ayokong pumalpak.
I started as an employee, a normal one. Napabilang ako sa team ni Red. Later on, they've acknowledged my skills. Naging associate niya ako. My performance piqued the interest of our boss. He then gave me my own team.
Parang kailan lang nang isang grupo lang ang tintututokan ko. I do sketch but I always gather ideas from my colleagues. 'Di ko na halos mabilang kung ilang designs na ang nagawa ko mismo. Hindi sa pagmamayabang pero lahat yata ng mga proposals ko ay ikanasaya nila. Never would I be any prouder for myself.
It was just a matter of a year and months when I got promoted as the head of our department. Labis ang pagkatuwa ko noon.
And I don't know what to feel exactly at this moment, I'm reached the peak. Happy is an understatement.
Narinig ko ang impit na tili at hagikgikan ng mga babae sa reception. One was leaning on the counter. Kapwa sila nakatingin sa akin habang naglalakad. They're complimenting my looks, that's for sure. I mean, that's so not new to me.
Napailing ako sa sariling kahanginan.
"Good morning," bati ko. "I'm Architect Delgado and I'd be reporting now to office."
Napaawang silang pareho. Natawa ako nang nataranta ang babaeng nakahilig.
"I-I'm sorry, Mr. Delgado. I didn't know," napapahiya niyang sabi. Halos kaltukan niya na't pagalitan amg sarili sa harap ko. "I'm Pearfect Roman, and I'll be your secretary. You may call me Pear. Pleasure to meet you, sir."
Ngumiti lamang ako sa kaniya't hinayaan siyang pangunahan ang daan.
Nakasakay kami sa elevator nang magsalita ako. "Are there meetings and appointments for today?"
Nilingon niya ako't mabilis na kinuha ang kaniyang talaan. Napatango-tango siya bago sumagot. "Yes, may meeting po kayo tungkol sa isang project sa Laguna na hindi na natapos ni Mr. Bostel. The client needs an update, Sir. Sa tingin ko'y hindi nila pa pwedeng ipagpaliban ang proyekto, hangga't maaari'y ayaw nila ng delays. Mister Bostel already has signed the contract. Papunta na rin daw ang representative nila, which is the engineer himself."
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...