Commotion
Naubos ang buong araw ko sa pagtapos sa report na ginagawa.
I'm taking Architecture. Taliwas sa mga kurso ng aking mga magulang. And I guess, they're fine with it. They never pressured me on something I don't want to. Tanging ako lamang ang tila naglalagay nito sa sarili ko.
Tanging pagtipa lamang sa keys ng laptop ang maririnig sa apat na sulok ng aking kuwarto. Alas diyes na nga gabi, medyo inaantok na rin ako. Pero kailangan ko rin itong matapos ngayon din. Para bukas ay makapaghanda na ako kung papaano ko ito ipre-present sa klase.
I then slept that night.
Two days passed like a blur. Mas nadagdagan ang mga requirements namin this term. Weirdly, I seem to like it. Never would I be tired on things I love doing.
Kasalukuyang gumagawa ako ng isang output na kailangang magpresenta ng bird's eye view ng isang building. 'Di sa pagmamayabang ngunit tila napakadali lamang sa akin nito. Tila bihasang-bihisa ang aking kamay't mga daliri. Ang mga linya'y pantay na pantay kahit pa'y 'di man lang ako gumamit ng rulers. Ginagamit ko na lamang ang mga iyon kapag mas mahahabang linya na ang gagawin. I added occlusions at ilang highlights and then I'm done.
Napangiti na lamang ako nang pagmasdan ang gawa.
I loved drawing ever since. I also did develop some skills in painting. I also do portraits ngunit mas maalam ako sa paggawa ng mga sceneries. Other than that, I'm also inclined to sports. I love playing basketball. Kung kaya'y gano'n na lamang ang naging pagsisikap kong maging captain ng team kahit pa'y freshman pa ako. I don't know if it's plain luck or I just did catch our coach's attention. Ginawa niya akong captain. My seniors, however, are fine with it. They often commend my skills in playing and even my capacity to lead them.
Todo practice na rin kami ngayon dahil sa papalapit na sports' fest. Ang school ang magiging host ng event. So it's just right that we aim for the best. And to find ourselves in that spot, we have to do more and try harder.
Pumasok ako ng school kinabukasan. Napapitlag ako ng may biglaang lumingkis sa kanang braso ko. It was Quinn.
Her eyes are on mine. "Good morning, Drop," sabi niya't tumingkayad upang lapatan ng halik ang aking labi. Nang gawin niya 'yon, 'di ko alam ngunit naninibago ako. Flashes of his warm and harsh kisses flooded me. Iniiling ko ang sarili. I and Quinn never did that. She's my first in everything. But we never kissed that way. Ako ang umaayaw.
Quinn is utterly hot. Her curves were in the right places. Her heart-shaped face is way too taintless. Her long eyelashes gives emphasis on her caramel-colored orbs. Notable is her nose which was placed in between her eyes and thin, rose-colored lips. She's almost close to perfection.
But I don't love her.
Don't get me wrong. I didn't want to be involved in this relationship. This affinity is propounded by her parents. Which was then conceded by my parents.
Ayaw nilang pangunahan ako sa nga desisyon ko ngunit nang kanilang malaman na wala akong ginugustong kahit sino, they helped pushing the idea. And now, I'm stuck. Akala ko'y makikipaghiwalay rin sa akin 'di katagalan si Quinn ngunit umabot ang dalawang taon nang wala man lang nangyari. I still haven't found the guts to initiate or suggest detachment. Whenever I try to, she'd always consider it a joke at mabilis na babaguhin ang usapan. 'Di ko alam kung tunay na bang gusto niya ako. She'd always said she loves me but never did I tell her that I love her, too. It just doesn't feel right.
We're walking along the wide open field. She's talking about how she missed me and that she can't call nor message because she has been so busy doing errands for their company. May ginagawa raw siyang isang presentation para sa kanilang board. Sinasanay na siya ng kaniyang ama na siyang chairman. She's taking Business Ad. She'll be taking over it soon. I'll be so proud of her when that day comes.
We were engrossed in our own world but a turmoil caught our attention. May komosyong nangyayari doon sa soccer field. May ilang estudyante rin ang naroon. Curiosity engulfed me whole so I did go there. Tinawag ako ni Quinn at sinabing i-report na lang namin iyon sa faculty ngunit hindi ako nagpatinag. Sa huli'y humabol na lamang siya sa akin at inis na pinapagalitan ako.
We mixed ourselves in the crowd. May dalawang tao akong nakikita sa gitna ng mga 'to. Two well-built men were wrestling themselves. Nakasuot sila ng itim na uniform na tiyak kong para sa mga players ng soccer.
I can't see their face clearly. Kaya mahirap malaman kung sino-sino sila. Narinig ko sa mga taong nakapalibot na awatin na daw ang dalawa bago pa sila magtamo ng mas malaking pinsala.
"Oh my gosh, Captain Dwei is still so hot and gorgeous kahit pa madami siyang sugat," I heard a Senior woman.
Nagreklamo naman ang kaniyang katabi't pinagsabihan siyang hindi iyon ang panahon upang maglandi.
Ibinalik ko ang atensyon sa dalawa. Ang kanilang mga ka-team mates ay sinusubukan silang awatin. I recognised the other. Siya 'yong goalkeeper ng team while hindi ko pa rin makilala ang isa dahil nakatalikod ito sa akin.
In an instant, sinugod ni Grue, ang goalkeeper, ang isa pa. 'Di naman ito nakapaghanda't tuluyang napabagsak sa lupa. Napasinghap ang ilan sa mga nanonood.
Sumisigaw ang isang staff na sa tingin ko'y ang coach rin nila na paparating. Galit na galit ito.
"Stop that. Stop it, Grue! Dwei!"
Hindi nagpapigil ang dalawa. Kung ano ang rason sa likod nito'y wala akong ideya.
"Stop it you both or you'll be unallowed to play in the coming sports fest!"
Natigilan sila sa narinig. Umalis sa pagkakadagan sa kaniya si Grue, mapapansin rin ang galit na aura nito.
Rinig na rinig ko ang ilang pagbuntong-hininga dahil sa ginhawa.
I heard some whispers again. "Dweiwali Serrano is still so hot!"
Napakunot ang noo ko dahil doon. So this guy's Ali? And they are calling him Dwei. Ba't naman Ali ang sinabi niya sa aking itawag ko sa kaniya? At ano namang pinasok niyang gulo?
Now that I knew it's him, tinignan ko ulit siya't sinubukang ikumpirma kung siya nga ba iyon.
And yes. It was him.
He's looking back at me, rather dreadfully. Bumaba ang titig niyang 'yon sa kamay ni Quinn na nakasukbit pa rin sa bisig ko. Lalong nagdilim ang kaniyang expression. Even by far, I saw how his jaw clenched.
Napalunok naman ako dahil doon. But I know I shouldn't. Of course. That look shouldn't affect me at all. It's not that it can!
At isa pa, girlfriend ko si Quinn at alam kong alam ng buong campus 'yon.
Umalingawngaw ang sigaw ng kanilang coach, nakatingin sa aming mga nanonood. "Ano pang ginagawa niyo rito? Alis!"
Nagkukumahog na umalis ang mga estudyanteng nagkukumpulan liban na lang sa mga players ng soccer. Hinila na rin ako ni Quinn paalis doon.
"At kayong dalawa, at my office. Now."
Sinubukan kong ibalik ang tingin ko roon. I was stunned when I saw him throwing me deadly glares. Nakatayo na siya roon. He said something without voicing it out.
If I'm right with reading what his lip says, it would be: "You're dead."
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...