/28/

3.6K 179 26
                                    

Did anyone miss me? HAHA. Sorry naman at tinamad ngang talaga ako. Bumabawi naman ang kakyutan ko, eh. 🤧


-

Life is too short to spend it through piques and pains. At all times, we must opt for what's best, for the sake of ourselves, for the betterment of everyone.

Sadly, such principle does not apply to everybody. I can say that for I'm one of them.

I never knew na aabot ako sa puntong masasaktan ako ng ganito. Akala ko kasi sa mga palabas lang nangyayari ang mga 'to. I must be so dumb and naïve not to realise it beforehand, na tao lang rin ako, malaki ang posibilidad na masaktan, nang walang tiyak na oras at pagkakataon, sa anong paraan at kung gaano katindi. Kaya hindi ko kailanman inasahan ang mga 'to. Mabigat sa damdamin, nakakaloko.

Would I be that weak if I resort to stay by myself and just cry it out-hoping that that would end such pain?

Alam kong walang mabuting idudulot 'yon sa sarili ko, maging sa mga taong nag-aalala sa 'kin. I know it's not right. This feeling shouldn't be be deemed imperative. But, too, it's inevitable.

Hindi ko na alam kung tama pa ba itong mga ikinilos ko. But I've done and still doing it anyway, what's the use?

Magtatatlong araw na simula nang mangyari iyon. Ganoon na rin katagal akong nagmukmok sa kuwarto.

Hindi alam ni Manang kung papaanong ako aasikasuhin. Wala siyang alam sa pangyayari bagama't ganoon siya kakuryoso't mayamaya kung magtanong. 'Di ko siya sinasagot.

Nang maggabi nang araw na 'yon ay pumarito si Quinn. Hanggang sa kuwarto ko'y maririnig ko ang malakas niyang paghagulgol. Dinig na dinig ko. Hindi ko mapilit ang sariling hindi makaramdam ng awa. Mas nadaragdagan iyon habang patuloy siyang umiiyak sa baba. Ngunit mas matimbang pa rin ang galit at dismaya sa akin.

Nauna ko nang sinabihan si Manang na 'wag magpapasok ng kahit na sino. Nagtaka siya, kinuwestiyon ako at hiningan ng sapat na dahilan. Ngunit kahit pa hindi ko ginusto, ipinairal ko ang pagiging amo ko. Siyempre'y sa huli ay wala siyang nagawa dahil alam niya sa sarili niyang nagsisilbi lang rin siya para sa akin, sa amin.

Nang gabi ring iyon ay 'di na nangulit pang muli si Manang. Alam kong iniintindi lang din niya ang sitwasyon. Alam ko ring kahit papaano'y may ideya na siya sa nangyayari pero mas pinili niya nang hindi na mag-usisia pa.

Nanatili lamang ako sa kuwarto sa mga araw na 'yon. Wala akong ginawa kundi ang mag-isip at maiiyak na namang muli. Hindi ko kasi talaga inaaasahan ang mga pangyayari. Masyadong magulo. Kahit anong pag-intindi ko'y hindi ko maunawaan ng husto ang mga ito. Nakakabaliw.

Maya't maya ang pagkumusta sa akin ni Manang at dinadalhan ng makakain. Alam kong nag-aalala lang rin siya sa lagay ko.

Kaya nanlulumo sa mga iniasta ko sa kaniya. Gusto kong humingi sa kaniya ng paumanhin. Gusto ko siyang yakapin at umiyak sa kaniya ng umiyak. Gusto kong magsumbong.

Pero nanatili sa isipan kong sarilinin na lang at 'wag nang mandamay pa ng iba.

Mariin kong naihilamos sa mukha ang nga palad nang magsimula na namang magpanumbalik sa gunita ko ang eksenang nadatnan ko sa bahay nila.

'Di ko lubos mapaniwalaan ang lahat ng 'yon. Wala akong makapang sapat na dahilan. They'd tolerated their daughter, so much that they haven't seen this coming, that they can actually hurt someone even if they didn't intend to. Pero kasi, hinayaan nila. Ginusto rin nila. Absurd, it took 'em years before they've seen the unforeseen outcome.

Para nilang pinaglaruan ang buong buhay ko. Nagagalit ako sa kanila.

Inis kong itinapon ang unan sa kabilang parte ng kuwarto. Gumawa iyon ng 'di kalakasang ingay.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon