/9/

5.1K 232 1
                                    

At the Back of the Faculty Building

Tapos na ang klase. Agad kong sinukbit ang backpack sa aking balikat nang matapos ligpitin ang aking mga kagamitan.

Good thing I brought my phone. Tumunog iyon nang makatanggap ng mensahe mula may Quinn.

Quinn:
'Wag mo na lang akong puntahan sa room ko. Nakauwi na ako, sinundo ako ni kuya.

Quinn:
May dinner sa bahay mamaya ang buong pamilya. Kakauwi lang kasi ng Daddy. I hope na makapunta ka. Please, reply.

Naglalakad ako corridor palabas habang nagtitipa ng reply para kay Quinn. Wala naman akong importanteng gagawin ngayon kaya pupunta na lang ako roon.

I was about to hit send ngunit may isang kamay na humablot nito mula sa akin. Handa na sana akong mainis at pagalitan ang kumuha ngunit natigilan nang makita kung sino ito.

It was Dweiwali. Punong-puno siya ng sugat. Ang kilay niya'y may bahid pa rin ng dugo. Putok rin ang gilid ng kaniyang labi. Bukod sa mga 'yon, wala ng iba pang makikitang malaking pinsala sa katawan niya. Mas nag-aalala pa ako doon sa kabugbugan niya. Kahit pang alam kong siya ang tila nadehado sa huli kanina, alam kong 'di biro ang mga pinakawalan niyang mga atake kanina.

I could testify how strong this guy is.

Nang makahuma, huminga ako ng malalim bago ko siya pinakausapang ibalik sa akin 'yon.

He just stared at me blankly.

"Akin na, Dwei. Nagmamadali ako."

Kukunin ko na sana sa kaniya ang cellphone ngunit nilayo niya ang kamay.

"Akin na sabi, Dwei, eh!" Di ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. If he keeps on taunting me like this, then my last resort will be getting it from him forcefully.

"Why aren't you calling me Ali now?" His voice sounded almost sulking. I discarded the idea.

"Eh, sa gano'n naman talaga ang tawag sa 'yo ng lahat, 'di ba?" I'll maintain my composure. 'Di ako dapat magpadala sa mga salita niyang gano'n.

"Those are the people who knew me by name or I'm simply acquainted with. But I allowed you to be one of those people who's dear to me, to call me through that," sabi niya, may bahid ng hinanakit at tampo.

My heart abnormally beats. Maybe it's an aftereffect of his guilt-tripping. Yes, that's it.

"Just give me my phone back."

He looked at me, expressionless. Tumalikod siya sa aki't nagsimulang maglakad. Naalerto naman ako agad dahil do'n. Mabilis siyang naglakad palayo. Malayo-layo na ang nalakad niya bago ko naisipang habulin siya. Napamura na lamang ako sa aking isipan.

"Dwei!" tawag ko sa kaniya. Napailing siya nang 'di man lang humihinto.

Nagbakasakali akong lumingon siya pag-uulit na 'to. "Ali!"

Nagtagumpay akong mapalingon siya. Nakataas ang kaniyang kilay ngunit 'di siya humihinto sa paglalakad. "Ano?!" singhal niya sa akin pabalik.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon