/39/

4.4K 155 14
                                    

Happy reading! Thank you for making it until here. Saranghe <3.

-

Umuwi ako galing Amerika dahil dito ko gusto kong ipagpatuloy ang pagiging engineer. Wala namang naging pagtutol ang mga magulang ko, suportado nila lahat ng gusto ko.

Susurpresahin ko sana ang kababata ko, si Drop. Kakatwang nagdala pa talaga ako ng bola ng basketball para ayain siyang maglaro. Sana lang ay hindi 'yon busy. Lalo na ngayong graduating na siya sa Senior High School.

Nakangiti kong tinahak ang daan papunta sa kanila. I even hum an upbeat song.

Pipindutin ko na sana ang doorbell nila nang masulyapan ko ang isang bulto ng matikas na lalaki sa may hardin. Binundol ng kaba ang dibdib ko. At 'di ko nagugustohan ang maaring rason nito.

Nang tuluyan siyang lumingon sa gawi ko'y tila huminto ang lahat ng paggalaw sa paligid ko. He looks manlier now. Kahit pa masasabi kong maganda na ang katawan ko dahil sa paggy-gym, 'di ko mapigiling purihin ang kaniya. His physical attributes coincide with his bearing. Literal na nakakalaglag panga ang kaniyang itsura. This is Drop now, I'm sure. Pero ba't gano'n? 'Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.

Napalunok ako. Nalintikan na.

No'ng araw na 'yon ay hindi ako nagpakita sa kaniya. Wala na rin akong balak ipaalam sa kaniya ang pagdating ko. Sa takot na baka kung anong mangyari kapag nakaharap ko siya.

At ayokong kumpirmahin 'yon sa sarili ko.

Nandoon din ako ng graduation niya. He graduated with high honors. Wala noon ang parents niya. Kaya siguro mahahalataan ng pagkalungkot ang itsura niya. Tanging si Manang lang ang kasama niya. Nagpasya akong lumapit ngunit nang akmang maglalakad na sana ako'y siya namang paglapit ng isang taong 'di ko kilala. Nagkasulubong ang mga kilay ko nang makita ang pag-angkla ng babae sa braso niya. Ngiting-ngiti ito sa kaniya, sinusuklian niya rin ito ng tipid na ngiti.

Parang kanina lang malungkot ka ah? Tch. Napailing-iling ako't naglakad palayo, umiinit ang ulo ko.

Inalam ko kung anong kurso ang kukunin niya. Sayang lang ay arkitektura ang kaniya. Pero ayos lang naman. Medyo magkaugnay rin naman ang mga kurso namin.

Maging kung saan siya mag-aaral ay inalam ko. Para akong baliw na stalker kakasunod sa kaniya. Hindi niya rin naman kasi namamalayang may nagmamasid sa kaniya, eh. At 'di ko rin alam kung bakit ko ginagawa 'to.

Sikat pala siyang manlalaro ng basketball? Ayos 'yan! Magaling naman kasi talaga siyang maglaro. 'Di ako kailanman nanalo sa kaniya.

Madaming humahanga sa kaniya. Mapa-babae man o lalaki. Ilag siya sa mga tagahanga. Marahil ay dahil sa nobya niya. 'Di ko alam kung bakit may pait akong nararamdaman nang maisip 'yon.

"Congrats!" Ani ko matapos siyang dumaan sa harap ko. Katatapos lang ng laro nila. Ang galing nga niya eh, halos siya lang ang nag-iskor para sa kanila.

Tinignan niya ako't tipid na ngumiti, "salamat". Saka umalis palayo.

Halos nanlumo ako sa narinig mula sa kaniya. Ni hindi man lang nanatili ang tingin niya sa 'kin ng limang segundo! Hindi niya ba ako nakikilala? Ampotek, ang daya!

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon