Nakangiting umibis ako sa sasakyan. Bumaba rin siya habang nangingiti.
"Hindi ko alam na gano'n ka pala kakulit," aniya't pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. "Sige nga, sabihin mo sa 'kin sino 'yong namilit sa 'kin na makipaglaro sa kaniya kahit ilang beses na akong tumanggi?"
Napanguso siya dahil sa aking sinabi. Nakagat ko ang labi upang pigilang mangiti. He looks cute by that act.
"Noon bang umalis ako, nalungkot ka?" nakangiti pa ring tanong niya. Natigilan naman agad ako. 'Di ko inaaasahan ang mabilis niyang pagpapalit ng topic.
"H-Ha?"
"Ayan ka na naman, eh!"
Tinawanan ko lamang siya habang seryoso lamang siyang nakatingin sa 'kin, nag-aantay yata ng sagot ko. Pero ano namang sasabihin ko? Baka kung ano-ano pang isipin niya.
"Hijo, nakarating ka na pala" boses iyon ni Manang Paulita na nasa loob. Nagitla naman ako dahil sa entrada niya.
Binuksan niya ang tarangkahan ng gate at lumabas. Pinasadahan niya ng tingin si Dweiwali. "Sino naman itong kasama mo?" tanong niya sa akin at pinagbalingan ng tingin si Dweiwali, "aba'y kay gwapong binata naman nito, oo."
Napangiti naman ang mokong dahil sa sinabi ni Manang. Sino nga ba ulit iyong nagsabi sa 'kin kanina na masyadong mababaw ang katuwaan ko dahil lang sa mga papuri sa 'kin? Tch, lihim akong napangisi. Hypocrisy at its finest.
Naglahad siya ng kamay kay Manang na tinanggap naman ng huli. "Ako nga po pala si Dweiwali Serrano, iyong kababata ni Drop."
Nagliwanag ang mukha ni Manang sa narinig. "Aba'y hindi ko na man lang ikaw agad nakilala. Ang tangkad tangkad mo na, ah? Mas matangkad ka pa rin dito sa alaga ko gaya ng dati."
Natawa naman siya ng bahagya.
"Ikaw ba ang naghatid kay Drop?" Tumango naman siya bilang tugon. "Iyon naman kasing si Lino ay hindi man lang kasi muna inusisa ang sasakyan ng maayos upang naiwasan ang aberya."
Humarap siya sa akin. "Ba't hindi mo imbitihan itong kaibigan mong pumasok sa loob? Nakapaghanda na ako ng hapunan," sabi niya sa akin at muling nilingon si Dweiwali, "dito ka na lamang kumain, hijo."
"P-Po?!" anas ko, dahilan upang sabay silang lumingon.
Nagtaka naman si Manang sa naging reaksyon ko't natawa. "Huwag mo ngang pairalin 'yang ganiyang ugali mo, Drop. Hindi porque't may nakahain ng pagkain sa mesa ay sa 'yo lamang lahat ng iyon."
Napapahiyang tumingin muna ako kay Dweiwali bago siya pinasiringan ng tingin. "Manang, 'wag mo naman akong ipahiya. 'Di ako matakaw," mahina't naiinis kong sumbat.
"Sabi mo, eh," sabi niya saka siya tumawa ng malakas. "Sige na, imbitihan mo na iyang bisita mo sa loob. Mahiya ka naman sa kaniya, siya na nga itong naghatid sa iyo rito, 'di mo man lang pinakikitaan ng pagtanggap," mahabang sabi niya pa at masasabi kong kusa niya akong kinokonsensya.
Pumasok na siya sa loob at iniwang nakabukas ang gate.
Kaming dalawa na lang ulit ang nakatayo sa harapan ng bahay namin. Nakahilig siya sa kotse niya habang nakakrus pa rin ang dalawang braso niya. Mabuti't hindi siya nangangalay sa posisyon niyang iyan.
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...