Meal
Ayokong magsalita, sa palagay ko pa nga'y kahit anong segundo ay mapapaiyak ako 'pag sinubukan ko.
I was disappointed. Akala ko'y ako na ang magiging kauna-unahang tao na makakakita ng totoong bampira. Pero hindi, all he was was a freaking dog! A bulldog to be exact. Masasaktan pa ata ang bulldog na maikumpara sa kaniya. Wala siyang modo, manyakis.
Nakatagilid ang buong katawan ko. Wala akong pakialam kung ano man ang ginagawa niya sa likod. Ang gago niya!
Feeling ko tuloy ang baho ko na! Kahit oo, technically, hindi naman ako nangangamoy pero kasi, kinagat-kagat niya nang walang humpay ang leeg ko kanina. Tiyak na marami ng bite marks na lumitaw sa leeg ko. Anak ng teteng.
"Pakakawalan muna kita."
Nagpantig ang tainga ko sa narinig at agad na napalingon sa kaniya. Tila nabuhayan ako't nagkaroon ng pag-asa. Napangiti ako, makakalaya na ako!
"Pero sa isang kondisyon," saad niya. Unti-unting nabura ang ngiti sa mukha ko. "Hindi ka lalabas sa condo."
Oh, condo unit pala 'to. Ba't wala man lang nakarinig ng pagsisigaw ko kanina? Pero teka, teka, tatanggalin niya ang pagkakagapos sa akin pero nakakulong pa rin naman ako sa kuwarto? Tangina naman.
A thought came pass through me. Sabagay, kung malaya akong makakagalaw sa loob, I can devise a plan in order to escape! Ayoko rin namang manlaban kasi first of all, ang laki ng katawan ni Ali, 'di ko kakayanin. Second, I just can't escape without considering some points, gaya ng nasaan eksakto akong lugar maging kung papaano ako tuluyang makakalayo rito.
Tumango ako sa kaniya kahit labag sa kalooban ko.
Ngayon ko lang napagtanto na medyo may kalakihan nga ang condo unit na ito. Kompleto ito sa lahat. Maging kusina nito'y tanaw kong maganda ang pagkakagawa. May living room din at isang tila walk in closet.
Kumusta na kaya sa bahay? Nag-aalala na yata si Manang Paulita doon, ang mayordoma ng mansyon na itinuring ko na ring pangalawang ina. Ako lamang ang nag-iisang anak ng mag-asawang Delgado. Si Daddy ay isang kilalang abogado. Nagtayo siya ng isang law firm na siya rin mismo ang namamahala. Ang firm na iyon ay isa mga pinakatanyag na firm sa buong bansa. Habang si Mommy ko naman ay isang Neurologist at masasabi kong tanyag rin siya sa larangang kinabibilangan.
Kaya ganoon na lamang ang pressure na nakalapat sa aking mga balikat though they don't actually pose any sort of pressure unto me. Ang tanging concern ko ay ang mga magiging tingin sa akin ng mga tao. Ayokong maging talunan sa mga mata ng iba. Kaya kailangan kong maging matagumpay sa landas na tatahikin. I must strive to.
Sinimulan niyang tanggalin ang pagkakabuhol ng lubid na nakatali sa palapulsuhan ko, napansin kong iilang pagkakabuhol din ang ginawa niya. Halatang ayaw niya talaga akong makawala. Hanep! I hissed in my mind. Fuck this guy.
Nang tuluyan na niyang natanggal ang pagkakabuhol, agad akong umupo't minasahe ang dumadaing na palapulsuhan. Hinihilot-hilot ko ito habang pansin ko namang nakatuon lang sa akin ang paningin ng gago.
"Maliligo lang ako sandali," sambit niya kung kaya'y napansin ko ang nakasabit na tuwalya sa kaniyang balikat. "Pumunta ka na lang muna sa kusina. Find anything there. Cook for me."
Bumagsak ang baba ko dahil doon. "Ano?!"
Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay at tumungo na sa banyo. "Ayusin mo," paalala nito bago tuluyang pumasok.
Tangina talaga.
I inspected the room. Wala akong nahanap na maaring takasan bukod sa nag-iisang pinto na tiyak kong daan palabas. Sinubukan ko itong pihitin kanina ngunit laking dismaya ko nang mapagtantong nakalock ito. Nanigurado talaga ang hayop na 'yon.
Now, all I can do now is follow his orders. I gave up.
Nakaharap na ako sa utensils na gagamitin sa pagluluto. I must say na hindi talaga ako eksperto sa ganitong bagay ngunit may natutunan din naman akong iilang bagay mula kay Manang Paulita.
Kinuha ko sa ref ang mga sangkap na kakailanganin. To my surprise, kompleto naman siya sa lahat. 'Di halata sa kaniyang marunong siyang mag-grocery. Kinuha ko ang pork na nakasilid sa isang pakete.
Hiniwa ko ang lahat ng rekados. I heated the pan and right after sautéed the garlic, ginger and the onion. The aroma of it made my stomach growl. I carefully placed the pork and stirred.
I added a cup of water then the oyster sauce. I sprinkled a bit of salt and added a little vinegar. Natigilan ako ng nahawakan ang Ajinomoto vetsin na seasoning.
I shook the thought away. The least I wanted now is to be charged of criminal damage because of poisoning.
Nang tiyak kong tender na ang pork, I placed in a clean plate and even added some garnish.
Umupo na lang ako sa table at hinintay matapos ang mokong. I heard a click, kaya napadpad ang tingin ko sa dako ng bathroom. And hell, he had the guts to blander his seemingly sculpted abdominal muscles. And it's not that big deal sa akin 'yon. Ako man ay may maipagmamalaki rin. It's just that, he's too carefree as for a kidnapper.
Tila narinig ko pa ang ginawa nitong pagsinghot sa hangin. "Wow, I thought wala kang kaalam-alam sa gawaing bahay."
I rolled my eyes at him. "I'm not that good, I just learned how."
He, again, shown me that pestering grin. Lumapit siya sa gawi ko without even thinking na magbihis na muna. Sabagay, nakakagutom nga naman ang amoy ng pagkaing niluto ko. Ako pa, kasing sarap ko 'to.
Umupo siya sa aking harap at kumuha ng plato. Nagulat ako nang ilagay niya ito sa harap ko. Kumuha rin siya ng isa para sa kaniya. Nagsalin siya ng kanin sa plato niya't ganoon rin sa akin. He gave me the serving spoon. "Ikaw unang kumuha tutal naman ikaw ang nagluto."
I was partly offended. "Ano bang tingin mo sa 'kin? Papatay gamit ang Ajinomoto!?"
Kumunot ang kaniyang noo dahil sa aking winari. "What?"
Did I overreacted? Inagaw ko sa kaniya ang serving spoon at kumuha ng isang piraso.
Nilagyan niya rin ang kaniya't kinuha ang kutsara't tinidor. Isusubo na sana niya ito ngunit natigilan nang magawi ang kaniyang tingin sa mukha kong tiyak kong inis na inis.
"Bakit?" inosente niyang tanong.
By the distance, I got a clear view of the dripping water from his hair, making a path down to his cheekbones eventually going through his neck. His pinkish nipples are also brandished against my eyes and they're cute!
"Hindi ka man lang nagdasal," wari ko.
Tila bumagsak ang kaniyang panga dahil sa sinabi ko. Ibinagsak niya ang kutsara at pinangunahan pa ang pagdarasal.
'Di ko alam kung sincere ba iyong dasal niya pero sige na nga.
Natapos siyang kumain nang simot ang ikatlong hain ng kanin habang ako nama'y busog na busog sa walang kapaguran niyang papuri.
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...