/29/

3.4K 162 21
                                    

Nag-eempake ako nang marinig ko ang boses ni manang sa likod ko. Lumuluha siyang kinakausap ako. Napangiti naman tuloy ako't nayakap siya.

Mula pagkabata'y halos magulang na ang naging turing ko kay Manang. Wala siyang sariling pamilya kung kaya parang anak na rin ang tingin niya sa 'kin. Ramdam na ramdam ko 'yon.

Mahirap mahiwalay sa kaniya ngunit desido na ako. Nahirapan rin ako pakikipagpaalamanan sa kaniya dahil patuloy siya sa pag-iyak.

Nasabi ko na kasi sa kanilang baka doon na rin ako maghanap ng trabaho 'pag nagkataon. At 'di ko alam kung babalik pa ako o hindi.

Wala akong ideya kung tama ba ang desisyon kong ito pero wala na akong pagpipilian pa. Gusto kong takasan ang lahat. Ito lamang ang alam kong magpapadali sa proseso.

Bukod doon ay alam kong mas malaki ang opurtunidad na naghihintay sa akin sa ibang bansa. 'Yon na lamang ang iniisip ko sa tuwing kinikwestiyon ko ang sariling desisyon.

Hindi naman sila umangal sa naging pasya ko, bagama't hindi maaalis sa kanila ang pagkagulat, pagkamangha. Na para bang hindi nila inaaasahang gusto kong mamuhay taliwas sa nakagawian na, na para bang hindi nila inakalang gugustuhin kong tumayo sa sariling mga paa. Masaya sila para sa 'kin. At 'yon ang mahalaga.

Tinulungan kami ni Manang na isakay ang iilang isakay ang iilang mga bagahe. Sinabihan ko siyang kaya ko na 'yon ngunit nagmatigas siya. 'Yon na lamang daw ang magagawa niya bago ako umalis.

Nagsisimula nang tumubig muli ang mga mata niya kaya hinayaan ko na lamang siya sa ginagawa. Natawa ako ng inutusan niya akong tumigil sa isang posisyon para daw mas humaba pa ang oras.

May tatlong oras pa naman kami bago ang flight. Pero mas minabuti na naming maging maaga't baka maipit kami sa trapiko. Mahirap na.

Nag-iba ang pakiramdam ko, 'di ko maintindihan. Ramdam na ramdam ko na may nakatingin sa 'kin.

I pushed my luck, swerved my head downward before putting it on the direction towards a nearby tree.

At hindi nga ako nagkamali. May tao nga doon.

Maging siya'y nagulat ng mapatingin ako sa kaniya. Nakahilig sa katawan ng puno si Dweiwali Serrano.

Nakapamulsa siya habang direktang nakatingin sa mismong mga mata ko. Nailang ako sa pagkakataong 'yon.

Wala naman sigurong masama kung makikipagpaalaman ako sa isang kaibigan, hindi ba?

Naglakad ako papunta sa gawi niya. Napansin ko kung paanong nanigas ang katawan niya't tuwid na napatayo. Walang emosyon ang makikita sa mukha niya kundi pagkalito.

Hindi pa man ako nakakalapit doon, nagsalita na siya. "Don't."

Nagtaka man ay nagpatuloy ako sa paglapit sa kaniya. Nagtagis ang kaniyang panga at tiim-bagang na nagpakawala ng hininga.

"Don't fucking come near me," malamig niyang saad. Hudyat na nagpatigil sa akin ng ilang dipa mula sa kaniya.

Galit ang kaniyang mga mata't mariing magkalapat ang kaniyang labi.

Akma kong ihahakbang muli ang aking paa ng iduro niya ang hintuturo sa akin. "I said don't go any nearer!"

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Malakas ang naging pagsinghal niya dahilan para mapalingon ako kina Manang, Mommy at Daddy na napahinto sa ginagawa't tumingin sa gawi namin. Pero wala silang iniusal na kahit anong salita't nagkunwaring abala muli sa ginagawa.

"Ano bang problema mo?" matigas kong saad. Hindi ko maintindihan ang inaasal ng lalaking 'to at naiinis ako!

Sarkastiko siyang ngumisi. Bagay na bihira kong makita sa kaniya. "Problema, ako, may problema? Nakakatawa," peke siyang natawa.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon