Nakasuot siya ng kulay asul na long sleeves habang naka-tuck in ito sa itim niyang faded pants. Ang mga manggas ng damit ay nakatupi hanggang sa kaniyang siko. 'Di ko maipagkakaila ang dating niya. Masyadong gwapo para hindi purihin ng aking mga mata. 'Di ko tuloy maiwasang hindi maging conscious lalo na't simpleng pambahay lang ang suot ko. Mabuti nga't nakaligo na ako, eh.
Ngunit 'di ko siya magawang titigan nang mataman. Sa twing iiwas naman ako'y halatang hahabulin niya ang aking tingin. Nakakataranta. Ano ba kasing ginagawa niyan dito? Mas lalo lang niyang pinapahirapan ang sitwasyon naming dalawa. Akala ko ba kakalimutan niya na ang lahat? Nakakainis.
Naputol ang pag-iisip ko nang iabot niya sa 'kin ang palumpon ng mga rosas na pulahin. Maging ang kahon ng sa tingin ko'y mamahaling tsokalate'y iniabot niya. Habang nanatili naman siyang nakahawak sa stuffed toy, marahil ay inaasahang mahihirapan ako sa pagbitbit niyon.
Wala sa sariling itinuro ko ang sarili. "P-Para sa 'kin?"
Heck. Ba't parang tunog nahihiya 'yon? Pero nakakahiya namang talaga! Kahit papaano'y umaaasa akong hindi 'yon sa 'kin kundi para kay mommy!
"Of course," tugon niya. "Hindi ko ito gagawin kahit kanino bukod sa 'yo."
Narinig ko ang impit na pagtili ni Mommy sa gilid ko. Kinurot niya ako sa tagiliran, "huwag ka ngang maarte, tanggapin mo na."
Kung wala lang dito si Dweiwali'y baka napagalitan ko na si mommy. Mas lalo niya lang pinapalala ang tensyon!
Napanguso ako bago kinuha ang pumpon ng mga bulaklak at ang tsokolate sa nakalahad niyang kamay. Nakaramdam pa ako ng 'di inaaasahang pangunguryente nang bahagyang nagkalapat ang mga balat namin.
Nahihiya man ay tinanggap ko nga ang mga iyon. Pinigilan ko ang sarili nang kamuntikan kong itungo ang sarili't amuyin ang bulaklak! Ba't ba kasi niya ako binigyan ng mga 'to? Wala akong makitang sasapat na rason para gawin niya ang mga 'to, para bang-
"Sabi niya sa 'min ng daddy mo, liligawan ka raw niya anak," sambit ni mommy na dinugtongan pa ng mahinang hagikgik.
Nalaglag ang panga ko sa narinig. "H-Huh?" Naging aligaga tuloy ako. Muntik pang mahulog ang kahon ng tsokolate, mabuti't maagap ko itong nasalo. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa katangahan.
'Di ko alam ang sasabihin. Gusto kong magmura, mga limampu.
Tinignan kong muli si Dweiwali, iniiwasan niya ang tingin ko. Pansin ko rin ang bahagyang pamumula ng pisngi niya't lalo na ang kaniyang mga tainga. Maya't maya rin ang naging paglunok niya.
Muling nagiba ang tahimik na kapaligiran dahil sa pagbungisngis ni mommy. Pero mas gugustuhin ko na iyon kaysa sa mailang. 'Di ko nga kasi alam ang gagawin ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari't mas lalong hindi ko inaasahan ang mga ito. Parang kanina lang no'ng nagdrama kami do'n sa parking lot ah?
"Hali na kayo, Ali, 'nak, nagluto na ako ng breakfast. Kanina pa naghihintay do'n ang daddy mo," ngumisi sa 'kin si mommy ng makahulugan.
Ngayon ko lang din napagtanto ang bagay na iyon. Ano na lang ang iisipin ng mga magulang ko nito?
Tahip ko ang sarili habang naglalakad tungo sa hapag kung saan kami kakain. Nakita ko rin si Daddy sa kaniyang silya na prenteng nakaupo habang nagbabasa sa diyaryo.
Kinakabahan ako, legit.
Mas matindi pa sa kabang idinudulot ng kaisipang nakabuntot sa 'kin si Dweiwali. Umangat ang tingin sa 'min ni daddy. Seryoso siyang nakatingin sa 'min.
Saktong umupo ako nang dumapo ang tingin niya sa hawak kong palumpon ng mga rosas. Nag-init tuloy ang mukha ko't wala sa sariling ibinaba ito sa katabing upuan. Ngunit gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makitang kinuha ito ni Dweiwali't inilagay sa kabilang upuan, at siya ang naupo sa pwestong katabi ko.
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...