/11/

5K 228 4
                                    

A one on one challenge.

Napakunot naman ang noo ko no'n. Muntik pa akong natawa sa kaniya dahil sa sinabi niyang 'yon.

Hindi naman kasi sa pagmamayabang, natutunan ko rin kalaunan ang iilang estilo sa pagbabasketball. Karamihan sa mga 'yon ay ako mismo ang nakatuklas at alam kong ako lang ang nakaisip. Ganyan ako kabilib sa sarili ko. Napangisi ako dahil sa naisip.

I told myself that I wouldn't engage myself in this sport yet. Nawalan ako ng gana simula nang tanggalin sa trabaho si Kuya Raul. Para naman kahit papaano'y maramdaman ng mga magulang kong hindi ako naging sang-ayon sa pagsibak nila kay Kuya. Napapangiwi ako sa tuwing naiisip kong para na rin akong nagrerebelde sa kanila. Sa kabila kasi ng pagiging subsob nila sa trabaho, wala silang ginawa kundi ang iparamdam sa aking mahal nila ako. Napabuntong-hininga ako ng naintindihan ko na ng mabuti ang ginawa nila. We're a family of successful people. At least, silang lahat maliban muna sa 'kin dahil wala pa akong napapatunayan.

Dahil sa mga reyalisasyon, na-guilty tuloy ako.

"Hoy," someone nudged at me. Inis ko naman siyang nilingon. Kanina pa siya, eh! Sa ayaw ko ngang makipaglaro. Nakaka-badtrip na siya ah!

"Ano ba!?" nagulantang naman siya sa kadahilanang di niya inaasahan ang pagsigaw ko. "I don't want to play anymore. I'm not in the mood, okay!? Lumayo ka nga sa 'kin!"

Now he's gauking at me! Mas lalo tuloy akong nainis. Seconds had passed and his curious face turned into a grin. At unti-unting natawa.

"HAHAHAHAHAHA."

Namilog naman ang mata ko dahil doon kaya't pinandilatan ko siya. Nang mapagtatanto niyang wala nga ako sa mood noong araw na 'yon, tumigil na siya sa pagtawa. Pero mayroon pa ring bakas ng tuwa sa mukha niya.

Nang tignan ko siya ng matalim, napanguso siya. Napairap na lamang ako't napasinghal, "tch."

"Ba't ba kasi ayaw mong makipaglaro?" tanong niya pa.

"Ayoko ngang maglaro, okay? Manahimik ka diyan at alisin mo ang pagmumukha mo rito."

He chuckled. Pinagmasdan ko siya, hindi siya gano'n kaputi't masyadong pilyo siya kung titignan, tipong magpapasakit ng ulo mo. Parang anak mayaman din. Sabagay, lahat ata ng namumuhay sa subdivision na 'to ay may kaya. He's taller than me, too. Mas matanda ata 'to sa 'kin, eh.

Ni-dribble niya sa harap ko ang dala-dala niyang bola ng basketball. Tuloy, para namang naging interesado akong biglang maglaro. Matagal-tagal na rin simula no'ng makapaglaro ako. Badtrip.

Ibinaling ko sa iba ang atensyon ko. Mahirap na't baka bumigay ako't makipaglaro sa kaniya.

Naramdaman ko ang pagtigil ng talbog ng bola. Padabog siyang tumabi sa akin sa bench na kinauupuan ko.

"Ba't ba kasi ayaw mong makipaglaro ha? Bakla ka ba?!"

Galit ko siyang tiningnan. Parang nagpuntahan lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa ulo ko ng marinig 'yon.

"Game on."

Napangisi naman siya dahil doon. Lakas niyang mang-inis. Eh, sa pikon ako!

Namalayan ko na lang ang sarili kong lakad-takbo ang ginawa sa court. Kaming dalawa lang ang tao rito dahil maaga pa naman. Mga hapon kasi nagdadagsaan ang mga naglalaro rito. Kung minsan ay wala dahil nga sa busy sa lahat ay may inaasikaso. Pumupunta lang talaga ako rito para tumambay. Tutal naman ay tinatapos ko agad ang mga homeworks ko't wala akong pwedeng gawin sa bahay. Alam na rin naman ni Manang Paulita kung saan ako pumupunta kung kaya'y walang kaso 'yon.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon