/14/

4.3K 183 2
                                    

Inis kong tinignan si Dweiwali. Namumuro na siya, ah! Sa tingin niya ata'y nakalimutan ko na ang sangkaterbang atraso niya sa 'kin. Ang swerte na nga lang niya dahil ako pa ang mismong umiiwas at hindi na pinalaki pa lalo ang isyu.

"Siraulo ka ba, ha?" singhal ko sa kaniya't dinuro pa siya. "Ano bang problema mo? Mahirap bang intindihing ayaw kong lumalapit ka sa 'kin at mas lalong ayaw kong makita 'yang pagmumukha mo!"

Halata sa kaniyang 'di niya nagustohan ang mga sinabi ko. Nagtagis din maging ang bagang niya.

Aba't siya pa talaga ang may ganang magalit? Ang kapal niya naman.

"Ba't ba hindi mo na lang kasi iwanan ang babaeng 'yon?!" malakas na singhal niya sa mismong mukha ko. I tried not to look intimidated.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Nandito na naman kami sa usaping 'to, eh. Napakamanghimasok niya sa buhay ng iba. "Eh, ano namang pakialam mo? Labas ka sa lahat ng gawain ko. Hindi mo 'ko kilala at mas lalong hindi kita kilala!"

"Hindi mo siya gusto, 'di ba?"

Nabuhay ang galit sa dibdib ko. Masyado siyang nakikialam. Ang dating pa no'ng tanong niya ay nakikipagrelasyon lang ako kay Quinn ng walang sapat na dahilan. Which is totoo naman pero hindi ko lang talaga magawang tignan 'yon sa ganoong anggulo. Ang kung ano mang mayroon sa aming dalawa ay kami lang ang nakakaalam at parehas naming ginusto. It's not that I'm using Quinn for my favor. Scratch that, we both are using each other for cover up. In my perspective, at least.

Ngayon ko lang rin napag-isip kung ganoon din ba ang kay Quinn. Sa pagkakaalam ko lang ay talagang may gusto siya sa 'kin pero alam niya sa sarili niya—higit pa kanino—na hindi ganoon ang pakiramdam ko para sa kaniya.

At isa pa, ano namang alam nitong mokong na 'to? Hindi kaya'y may gusto siya kay Quinn? Kaya ganoon na lang ang kagustohan niyang maghiwalay kami. Dahil balak niyang sulutin ito. At ako ang ginagamit niya para gawin ang gusto.

Then, after all, he's not interested in me, eh? He doesn't really have feelings towards me. And it's not that I'm convinced enough, though.

Kung ganoon nga'y hindi ko gusto ang mga hakbang niya. Napakarumi niyang maglaro.

Tinulak ko siya ng malakas, sapat para malayo siya sa akin ng ilang dipa. "Ano namang alam mo sa nararamdaman ko? 'Wag mong inuusisa 'yon dahil wala kang alam!" Ipinakita ko sa kaniyang galit ako. Nakatitig lang siya sa akin habang blanko naman ang mukha niya. Wala akong maaninag na emosyon mula roon. "Kaya pwede ba, itigil mo na 'tong kahibangan na 'to?"

"Kung gusto mo talaga si Quinn, sa kaniya mo idiretso. 'Wag sa 'kin, dahil lintek na 'yan, wala akong pakialam sa 'yo!" Napansin ko ang pagkabigla niya dahil sa sinabi ko. Maging ako man ay hindi ko mawari kung ako pa ba 'tong nagsasalita. Pero dapat niyang marinig ang mga 'to. "Huwag ka na ulit lumapit sa 'kin, naiintindihan mo?!"

Aalis na sana ako sa kuwarto na 'yon dahil bukod sa late nang talaga ako, kung magtatagal pa 'ko roon ay baka masaktan ko na siya't ipamukha sa kaniyang 'di ako takot sa kaniya. Hindi porque't ilang beses niya ng naipamalas ang pagiging malakas at basag-ulo niya'y papayag na akong basta-basta na lang siyang manghablot at mag-demand ng iilang bagay.

Ilang hakbang na lang ang layo ko roon sa pintuan pero narinig ko pa ang pagsasalita niya.

"Sige, kung 'yon nga ang gusto mo'y 'di ko na ipipilit pa sa 'yo ang nararamdaman ko, Drop."

Napapapikit ako sa inis. Hindi pa rin ba siya tapos sa pagpapanggap niya? Masyado na niyang nilubos ang pagganap.

"Pero isang beses ko lang sasabihin 'to sa 'yo," dinig kong sabi niya habang dinig na dinig sa buong kuwarto ang paglalakad niya. Tila ba dinadarag niya pa ang sapatos habang naglalakad. Natigil naman ako sa ambang paglabas. Napalunok ako nang maramdamang nasa likuran ko na siya.

Mas lalo akong kinabahan ng biglang dumungaw ang mukha niya sa gilid ko. Isang maling galaw ko'y baka may mangyaring 'di ko inaasahan. Halos nawalan ako ng hininga ng inilapit niya ng husto ang mukha niya. Hindi ko siya magawang lingunin. At mas lalong hindi ko magawang humakbang palayo sa kaniya.

Damn.

Naramdaman ko pa ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko nang inilapit niya ang bibig sa aking tainga. "Don't ever go near me, too. Never come close to me. Do your best not to look at my eyes directly or even dare to touch a part of my body. Because by that time, Drop, I can't promise you I won't do a thing to you. I can't also tell if I'd even have the guts to let you off my grasp."

Kumuyom ang dalawa kong kamay nang malubay niyang kinagat ang aking tainga. Napamura ako sa isip ko dahil doon. Naramdaman ko rin ang pamumuo ng pawis sa leeg ko.

"Goodbye for now, Drop. Don't ever forget what I said."

Lumakad na siya paalis sa kuwarto. Nanatili ako roon habang pinoproseso ang mga pangyayari.

Halos tinakbo ko ang room ko nang napagtantong kanina pa nagsimula ang klase. Late na ako ng higit sampung minuto. Umabot ako sa room ng humihingal. Dismayado't napapailing ang proctor ko dahil sa pagdating ko.

Nakatingin ang halos lahat sa 'kin at nagtataka pa ang ilan sa mga 'yon. Alam ko ang iniisip nila. Ngayon lang nagyari 'to. Kailanman ay hindi ako na-late sa subjects ko at kung maaari'y ako ang isa sa mga maaagang dumating. Ang iba naman sa kanila'y nakatingin sa akin na tila ba pinupuri pa rin ang itsura ko sa kabila ng nakakahabag na entrada ko. Napayuko ako sa pwesto't nagdahilan na sumama ang pakiramdam ko kanina at humingi lang ng gamot sa clinic.

Napapatango naman si Miss sa naging dahil ko. Isa siya sa mga terror na teacher dito lalo na't Trigo pa ang subject niya.

Umupo ako sa pwesto ko't sinubukang makinig sa diskusyon pero ang utak ko ay nanatili sa mga nangyari kanina sa pagitan namin ni Dweiwali. I'm in wonder how he's completely turned the table. Masyado siyang mautak na kahit pa ako ang galit, siya pa ang nagkaroon ng tiyansang maglapat ng mga pahuling salita.

What the heck is wrong with that guy?

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon