/12/

5K 194 8
                                    

Sa mga 'di pa nakanood/nakapagbasa ng Harry Potter series, baka ma-spoil kayo sa part na 'to haha. Sorry akin.







Someone once told me, happiness could be found even in the darkest of times if one only remembers to turn on the light.

It was from Headmaster Albus Percival Wulfric Brian Dumbledore of the Harry Potter series. It wasn't directly told to me, of course. Lagi ko 'yong naririnig, maging sa audiobook man o 'di kaya'y sa mismong movie. Lagi ko kasing inuulit-ulit panoorin ang buong series. Mayroon din akong collection ng mga physical books nito. Isa lamang ang masasabi ko: nakakamangha.

Na totoo naman, kasi talaga namang nakakadala ang buong istorya. Kaya siguro'y ganoon na lamang kung isapuso ko ang litanyang binitawan niya.

Nakakalungkot lang na namatay siya sa kuwento nang akala'y si Snape ang pumatay sa kaniya. Which is totoo rin naman.

Natawa naman ako sa naiisip ko. Sa kuwento naman kasi, ginawang talagang kasuklam-suklam ang character ni Severus Snape. At isa ako do'n sa mga talagang nainis sa kaniya lalo na no'ng dumating sa point na bumalik na sa wizarding world si Voldemort o si Tom Riddle at naghasik na naman ng kasamaan, at isa siya sa mga naging alalay nito: he killed Dumbledore. I've almost ripped the page from the book.

But, just like every other villain, si Snape ay may natatagong rason para do'n sa mga nagawa niya. At masasabi kong mabigat nga ito't resonable naman. It was always about his love for Lily Evans.

'Di ko maiwasang mapangiti nang maalala ang bagay na 'yon. Umiiral na naman ang pagiging potterhead ko, haha.

Napabuntong-hininga ako, gaya nga ng sinabi ni Dumbledore, may mga sitwasyon sa buhay natin kung saan palagay natin wala ng pag-asa pa't mananatili na lang tayong ganoon. Pero hindi kasi ibig sabihin na ... kung tinalikuran ka na ng mundo, tatalikuran mo na rin 'to.

'Yong logic kasi is, hindi porque ayaw na sa 'yo ng lahat, sawa na't nasaktan ka na, tatalikod ka na rin. Dahil alam nating iikot at iikot ulit ito, haharap at haharap ulit sa 'yo. Maybe, by that time, everything were set better. Tipong 'di mo na kailangang maghintay na naman sa pag-ikot nito dahil sasabay ka na sa kaniya. And you both would not hesitate to continue kasi alam ninyong magliliwanag rin 'di kalaunan.

You'd enjoy the process.

Napailing-iling ako dahil sa kadramahan na naman. Ang OA ko na ulit!

Napatingin ako sa relo ko. Ilang minuto na lang bago mag-alas diyes. 'Di ako gutom pero parang gusto kong kumain.

Napabuntong-hininga ako't napagdesisyonang pumanhik sa kusina kumuha ng makakain.

Tinignan ko ang lamang ng ref. Masyadong mabigat sa sikmura ang mga 'yon. Mahihirapan akong matulog mamaya kung 'yon ang kakainin ko. Kaya pumunta ako sa counter at kumuha ng ilang snacks.

Dumungaw ako sa labas ng bintana ng kusina. Malamig ang hangin, presko kaya nakaka-relax.

Napangiti ako ng maka-isip ng ideya.

Pinagpagan ko ang bleacher at naupo. Maliwanag naman sa court kahit walang ilaw. Nasisinagan kasi ng mga nagliliwanagang mga ilaw ng nga kalapit na bahay.

Nagsuot ako ng hoodie dahil alam kong medyo malamig sa labas. At para cool, haha. Ganito kasi magpasikat ang ilan sa school eh, nakikiuso lang.

Nagdala rin ako ng iilang pakete ng chichirya't Gatorade. Pinagmasdan ko ang buong court. Madalang na lang ako makapunta rito't makapaglaro. 'Di ko alam, simula no'ng naging high school na ako'y 'di na ako nahilig pumunta rito. At saka, isa pa'y wala na rin naman si Ali.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon