Maaga akong nagising kinabukasan. Matapos mag-almusal ay dumiretso na agad ako sa uni. Nag-text si Quinn sa akin kagabi na makikipagkita raw siya sa 'kin ngayon. 'Di niya naman ako nasagot nang tanungin ko siya kung bakit.
Nang makarating ng tuluyan ay agad akong umibis sa sasakyan at tumngo sa sinabing lugar ni Quinn. Sa tapat ng block nila.
Nabagalan ako ng kaonti ng hinarang ako ng iilang tourism students para magpa-picture. Ayaw ko rin namang maging rude sa kanila kung kaya'y wala akong nagawa't pumayag na lang.
Unti-unti'y nainis ako ng tila ba walang-katapusan ang pagdating ng iba pa. Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ang iilan pang pasugod na.
Dali-dali akong nag-isip ng pwedeng dahilan para makatakas. Napasinghal na lang ako sa isip. Ba't ba kasi gan'to 'tong mga 'to?
"A-Ah, sorry po," magalang kong ani lalo na't karamihan sa kanila ay seniors ko, "may usapan kasi kami ngayon ng girlfriend ko't baka magalit sa 'kin kung magtatagal pa 'ko rito."
Nanghinayang naman ang ilan sa kanila't ang iba'y tila nagmamakaawa pa. Napangiwi naman ako dahil doon.
Nadala naman ako ng pagdadrama nila kaya bumigay ako.
Halos kalahating oras ang ginugol ko roon. Matapos nilang magawang makakuha ng litrato kasama ako, nagpasalamat sila't umalis na rin. Sa wakas. Kesyo daw ay minsanan lamang kung pumunta ako roon. Kahit pa sabihin na nating doon din mismo ang room ni Quinn. Hindi rin ako nagkukusa't pumupunta lamang kapag sinabi niya. Kapag uwian naman ay dumidiretso na siya sa parking lot at kung mangyaring walang susundo sa kaniya, ako ang naghahatid sa kaniya na kadalasang nangyayari.
'Di ko alam kung bakit pero 'di ko talaga kayang gampanan ang pagiging nobyo ko sa kaniya. Siya lang 'tong talagang ma-effort pagdating sa relasyon namin.
Eh, hindi rin naman issue 'yon sa kaniya. I made it clear it to her before that I'm not really interested in having a relationship with her. And she'd told me she understands. Naalala ko pang sabi ko'y malaya siyang gawin ang kung anong gusto niya't 'di ko siya pipigilan.
Nakakasakal na masyado ang sitwasyon ko. Gayunpaman, 'di ko magawang mag-drama't magmukmok dahil lagi kong itinatatak sa isipan kong napakasimple ng problema ko't alam ko ang solusyon sa bagay na ito. Ang iba nga'y halos 'di na makayanan ang mga pasanin nila sa buhay kaya ang yabang ko naman siguro kong ako pa ang mananatili sa sulok at magpapakain sa lungkot na tila ba tinalikuran na akong tuloyan ng mundo? Ang iba nga'y halos mabali na ang buto sa kakatrabaho para may pangtustos sa pang-araw-araw. May ibang tinamaan ng sakit pero pinipilit pa ring lumaban at 'di nawawalan ng pag-asa. Unfair ang mundo sa lahat ng tao, swerte na nga lang ako't ito pa lang ang ginawad nito.
Kaya hindi ko magawang mainis sa lahat ng 'to. Alam kong matatapos ito't mabibigyang linaw na ang lahat.
Nakarating ako sa pinag-usapan naming lugar. Nakita ko siyang nakadekwatrong pambabae at tuwid na tuwid kong umupo. Napailing na lamang ako. Kahit kailan talaga'y pinanatili niya ang maayos na postura.
Nasulyapan ko sa paligid ang iilang mga lalaking palihim na tumtingin sa kaniya. Alam kong ilan sa mga 'yon ay naghahanap lang ng tamang tiyempo para makalapit sa kaniya. Pero alam ko ring 'di nila basta-basta magagawa iyon. Bukod sa alam ng halos lahat na ako ang boyfriend niya, anak siya ng isang tanyag na pamilya dito. Their family's business is amazingly excellent. They have chains of malls in the city and even in other parts of the country. Ang alam ko nga'y may balak na naman silang magtayo pa ng isa.
Ang pamilya nila't pamilya ko'y magkakakilala. Ang mga magulang ko'y mga kaibigan ng kaniya simula pa no'ng high school ang mga ito. Pero hindi ko maintindihan kong papaanong gano'n lang ang batayan nila para ipagkasundo kami.
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...