/35/

3.7K 186 31
                                    

"I'll get you home," aniya, galing sa restroom.

"Why, may kotse naman ako?"

Napakamot siya sa ulo. "Yeah, right." Umayos siya ng tayo. "Uuwi ka na?"

Tumango ako sa kaniya, na pinalitan niya rin ng pagtango. Matapos niyang bayaran ang pinagkainan namin ay lumabas na kami ng resto.

"Drop."

Natigilan ako sa naging pagtawag niya. He's dropping the formalities. I didn't expect that.

"What you saw earlier," aniya, sadyang pinutol ang sasabihin. "Iyong sa office."

Napamaang ako ng palihim habang patuloy sa paglalakad. Halos magkasabayan lang naman kami pero 'di ko siya magawang lingunin. Sa takot na baka mapansin niya ang walang kabuluhan kong mga reaksyon. Ako nga'y 'di ko na maintindihan ang sarili ko!

Hindi ba, dapat hindi siya ganito makitungo sa 'kin matapos ang nangyaring komprontasyon sa pagitan namin bago ako umalis tungong US? Gusto ko rin namang hindi wala siyang nararamdamang poot para sa 'kin pero mas lalo kong kinukuwestiyon ang mga kilos niya. He should be mad at me, right? Mas makatwiran pa kung gano'n. Hindi ganitong ako ang naiilang sa 'ming dalawa.

Nang nakaabot kami sa bungad na papuntang parking lot, saka siya nagpatuloy sa pagsasalita. "It's not what you think it was, Drop."

Binalingan ko siya ng tingin at pilit na ngumiti sa kaniya. "Engineer, it's okay. That's perfectly normal. You don't have to explain yourself, normal lang 'yon sa mga magkasintahan," tumawa ako. Ngunit 'di ko rin alam kung papaanong nagtunog peke iyon sa pandinig ko mismo.

"We're not in a relationship," agap niya.

My mouth formed into an 'o'. Kung hindi naman pala sila, ba't nila ginagawa ang bagay na 'yon? Halatang galing sila sa halikan sa itsura nila no'ng mga oras na 'yon. Lalo pa't nakakandong ang babae sa kaniya. Who would have thought na hindi sila, 'di ba? Ano 'yon, landian, gano'n?

"I don't get you, engineer. No one in the right mind would think na walang namamagitan sa inyo," kunot-noo kong tugon.

"Pero wala nga kasi talagang kami!"

"And I don't get your point, why am I hearing these? Hindi naman big deal 'yon sa 'kin!" I snapped, natigilan siya. Malalim akong bumuntong-hininga. "You know what? Mas mabuti pang umuwi na lang tayong pareho. Marami pa akong aasikasuhin."

Aktong aalis na sana ako nang higitin niya ako pabalik. Napamura ako sa isip, kahit kailan talaga lagi akong basta-basta na lang nahahablot!

"No," aniya.

Frustrated, I scoffed, complaining.

"Drop, you, of all people know me."

Napaikot ang mata ko sa narinig. 'Di ko alam kung anong ipinupunto niya! O kung may papatungohan nga ba 'tong pag-uusapan naming dalawa.

"And?" Nang-uuyam kong untag.

"I don't like her."

Automatikong umangat ang isang kilay ko. Am I supposed to hear this out? Gusto ko siyang singhalan at ipaalam sa kaniyang wala akong pakialam sa love life niya!

Napangisi ako, "and so what? That doesn't concern me anyhow."

"It does," seryoso niyang sambit, "because, it's still you."

I was speechless, I can hardly say I'm breathing. Ano raw?

Nakamaang akong nakatitig sa kaniya. Did he just confess? Gusto kong kaltukan ang sarili ko.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon