Special Chapter:
She Comes BackDrop
I carefully placed everything on the table, from the mats, plates and utensils. Inilabas ko na rin ang mga tupperware na pinaglagyan ko ng mga pagkain. Nang buksan ko iyon ay agad umalingasaw sa hangin ang amoy ng iba't ibang French cuisine.
Napangiti ako nang pagmasdan ang mga nakalatag na pagkain. I've been learning to cook different meals since I became a married man. Lalo na't masyadong palakain iyong napangasawa ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang magsimulang mag-init ang mga pisngi ko. Hindi pa rin ako sanay na tawaging asawa si Ali. I mean, kamuntikan na nga akong sumuko sa pag-ibig noon, eh. Especially because of that thing between me and Quinn.
I still feel bitter about that, of course, but unlike before, I could take it already the way it must be seen: past. And what can we do but accept what happened and just move on?
I smiled.
Dumako ang tingin ko sa relong pambisig. Saktong alas dose na.
I immediately checked my phone. Kanina ko pa nai-text iyong si Dweiwali, ah, ba't wala pa 'yon dito? Nangunot ang noo ko nang makitang wala pa rin siyang reply.
Dumilim ang paningin ko sa oras nang mabilis itong naging 12:10.
"Nasa'n na ba 'yon," pasiring kung sabi't malakas ang pagpipindot sa pag-dial ng telepono.
Nag-e-echo sa buong opisina ang pag-ring ng hawak kong telepono. Humahalo na rin dito ang malakas kong pagbubuntong-hininga sa kadahilanang nagpipigil akong magsisigaw.
"Subukan mong 'wag sagutin 'to at malilintikan ka sa'kin, makikita mo."
Lumipas ang ilang segundo't patuloy lang nagri-ring ang telepono. Napabuga ako nang malalim na hininga bago ito marahas na dinampot. Nang maisipan kong i-end na sana ang pagda-dial ay saka naman nasagot ang tawag.
"Hello babe."
Umarko ang kilay ko sa narinig. "Oh?"
Narinig ko ang pagtawa sa kabilang linya. "Aish, ano ba 'yan. Ang suplada ng misis ko."
My eyes rolled in an instant. I just hissed under my breath. "Sa'n ka na bang tukmol ka?"
"Ouch, tukmol na endearment mo sa'kin, babe? Apakasakit naman no'n!"
"Umayos kang listi ka," may pagbabanta sa tonong sabi ko. "Sa'n ka na nga kasi?"
"Resto."
"What?" Nahulog ang isang plastic na vase dahil sa mabilis kong pagkilos pero wala akong pakialam.
"Bakit?" Halata ang pag-aalinlangan sa boses niya.
I immediately snapped after knowing he's forgotten. "I thought we're going to have lunch together! Ang dami kong niluto!"
"Oh," he muttered. Then there followed a deafening silence. "Ah, babe?"
Hindi ako sumagot. Naiinis ako na para bang gusto kong mangsunog ng mga briefs. Gigil at walang habas kong sinira ang plastic na pinagsidlan ko ng mga kubyertos. Gustong-gusto kong magmura nang magmura!
"Babe?"
Napapikit ako, iwas na iwas na magsisigaw sa kaniya sa telepono.
"Babe, are you still there? Ah, babe, hindi yata ako makakapunta," mahinang aniya. Kinagat ko nang mariin ang labi. "Ah, babe, I'm just thinking... Why not, I mean, why not share those na lang sa workers diyan? For sure, matutuwa pa 'yong mga 'yon dahil ipinagluto sila kunwari ng boss nila. Oh 'di ba, ang cute kaya no'n, hehe."
BINABASA MO ANG
He Loves Him
Storie d'amoreDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...