Pasensya sa tambak na technicalities, ah? 'Di na nga kasi ako nagpo-proofread, hehe. Aayusin ko naman 'to pagkatapos.
I want to be the writer who has stories which are worth to read. Quality kumbaga. Kaya salamat po sa mga nagvo-vote at comment pati na silent reading. You don't know how much that means to me, char haha. Oo na, dami kong arte. Scroll na mga bch hihi.
Dedicated to RuchilleFateCaballa | Thank you!
-
Nang lumabas ako sa CR ay nadatnan kong nakahiga na siyang muli sa kama't tulog.
Naabutan ko si Ate Elba na palabas na ng kuwarto. Ang sabi niya'y kumuha na lang ako ng damit sa cabinet ni Dweiwali't may gagawin pa raw siya.
Wala sa sariling naglakad ako papunta sa gawi niya. Napagmasdan ko pa ang isang mangkok ng sopas roon sa mesa na parang hindi man lang nagalaw.
Napansin kong mabibigat ang naging paghinga niya. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay na para bang may kaaway pa ata habang natutulog. Bahagya na ring nababawasan ang pamumula ng mukha niya.
He sure is cute. Hindi ko napigalan ang sariling mangiti.
Nanatili lamang ang tingin ko sa kaniya habang nakaupo sa isang silya't nakahilig sa kama. Nakapatong ang baba ko sa pinagsalikop na mga kamay.
Gano'n lamang ang posisyon ko at 'di namalayang nakatulogan iyon.
-
Nagising ako dahil sa mahinang paghaplos sa buhok ko.
Marahan kong inimulat ang mga mata. Nagtama ang paningin namin ni Dweiwali. Seryoso lang ang mukha niya.
Inayos ko ang pagkakaupo.
"Ba't ka nakahubad?" tanong niya't bakas sa boses niya ang bahagyang pagkapaos.
"Sinukahan mo ko," nakangusong sagot ko. Napangiwi naman siya nang marinig ang sinabi ko.
"S-Sorry. Pero bakit nga wala kang suot na damit? Baka ikaw naman ang magkasakit niyan, Drop," mahina ngunit naiinis niyang ani. Mas humaba ang pagkakanguso ko. "Bakit hindi ka kumuha ng damit do'n sa closet ko?"
"Sabi nga ni Ate Elba," pilit na ngiting wika ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "At 'di ka sumunod? Tch." Ako naman ang napangiwi sa kaniya. "Baka ako pa ang sisihin ni Manang Paulita kapag nagkasakit ka," talagang nalulungkot na sabi niya. 'Yon lang naman pala ang rason niya, eh. Payn. "At isa pa, 'di kita kayang alagaan kung mangyari man." Natigilan ako sa sinabi niya. Binalingan niya ako ng tingin. "Kaya makinig ka muna ah? 'Di ko kayang makita kang nahihirapan ng dahil lang sa napabayaan kita. Nakakabawas 'yon sa pride ko't kagwapohan ko," biro niya pa. 'Di ko alam kung papaano't ano ang isasagot sa kaniya. Lagi na lang siyang nagbibitaw mg mga salitang 'di nakakayanan ng sistema ko. Heck.
"Y-Yeah, ba't ba hindi ko naisip 'yon?" tanong ko sa sarili.
"Saka, 'wag mong basta-bastang ibalandra ang katawan mo na 'yan kapag kasama mo 'ko. Baka may magawa ako sa 'yo," napalunok ako dahil doon. "Walang makakapigil sa 'kin kahit pa may sakit ako."
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...