/25/

3.6K 169 24
                                    

Nagloko Watty ko kanina. Niwala niya 'tong chapter na 'to. Isinulat ko tuloy ulit kaya natagalan. May parts doon sa una na 'di ko na-recall kaya medyo umikli't nabawasang talaga. Nawalan tuloy ako ng gana. Nyemas.

-

Ginugol namin ang halos kalahating oras papunta sa destinasyon. Matulin pero naging maingat pa rin ang naging pagmaneho ni Kuya Lino.

Habol ko ang sariling hininga kahit wala naman akong ginagawa. Masyadong malakas at mabilis ang pagtibok ng puso ko sa sandaling 'to. 'Di ko magawang hindi magalit sa sarili ko. Damn it.

Nakarating kami sa paroroonan, bente minutos bago mag-alas dos.

Tinawagan ko si Quinn. Tanging the number of you have dialled is not yet in service. Tahip ko ang sariling hininga at inilibot sa paligid ang paningin.

Kinakabahan ako ng matindi.

Lakad-takbo ang ginawa ko sa paghahanap sa kaniya. Natanaw ko ang isang shop 'di kalayuan ngunit hindi roon natuon ang tingin ko. Napalunok ako ng malaki nang mapagmasdan ang babaeng nakasuot ng kulay rosas na bestida habang yapos ang sarili't nakatungo sa mga binti. Hindi ko nagawang hindi maawa sa itsura niya. Kanina pa siyang naghihintay. Anim na oras. Anim. At hindi pa siya kumakain hanggang ngayon dahil nga hinihintay niya ko. At parang kahit hindi pa ako nakarating ngayon, alam kong maghihintay pa rin siya. Gusto ko nang magpasapak ng malakas, ng paulit-ulit.

Anong katangahan na naman 'to, Drop?

Maiintindihan ko kung magagalit siya sa 'kin. Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa ko, 'di ba.

Nanginginig man, hinakbang ko ang kinasasadlakan niya. Umupo ako sa harapan niya't hinawakan ang kamay niya. "H-Hey."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Takte.

Nag-angat siya ng tingin. 'Di maipagkakaila ang tuwa sa mukha niya. Pero mas lalong mapapansing talaga ang pagkabahala, pag-aalala't lungkot sa kaniya. Parang kahit anong oras ay maiiyak na siya.

"H-Happy anniversary, Love," usal niya. Natinag ako.

Walang pagdadalawang-isip na hinila ko siya palapit sa akin at niyakap. "I-I'm sorry kung pinaghintay kita. I'm really really really sorry," hinapit ko pa siyang lalo sa 'kin, hinaplos ko ang likod niya.

Hindi ko alam ang gagawin nang maramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya ng taas-baba, dinig na dinig ko ang mahinang paghikbi niya habang yakap ko siya. Umiiyak siya.

Oo, at dahil 'yon sa 'yo, Drop. 'Wag kang magtaka, gago ka!

My subconscious been that earlier. May kaakibat naman 'yong katotohanan kaya dapat lang na ang sarili kong mismo ang sisihin ko sa mga nangyari.

Tumagal kami sa ganoong posisyon bago tuluyang tumahan si Quinn at kusang umalis sa pagkakayakap sa 'kin.

Nanibago ako sa ekspresyon na pinapakita niya. Matamlay ang kaniyang mga mata pero walang bakas ng emosyon ang mukha niya.

Damn you, Drop.

"Umuwi na tayo," mahina niyang anas na siyang nagpagitla sa 'kin.

"H-Hindi ka muna ba kakain?"

Pinagbalingan niya ako ng tingin. Napakurap siya ng mga tatlong beses bago tumayo. Pinagpag niya ang nagusot niyang damit.

Napaawang ang labi ko nang bigla siyang naglakad palayo. Maging ang paglakad niya'y malamya't halatang walang kabuhay-buhay. Hindi ko gusto ang nakikita ko. Naninibago ako sa kaniya't ako ang dahilan noon.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon