/22/

3.9K 186 16
                                    

Dedicated to kaieex | Thank you for the support.

-

Malakas ang pag-ulan sa labas. 'Di makauwi sila Quinn at Dweiwali dahil doon. Sabi ni Manang ay maghintay na muna silang tumila ito.

I offered her na ipapahatid siya sa sariling driver na si Lino pero tumanggi siya. Sabi niya'y gusto pa niya akong makasama't may magsusundo naman daw sa kaniya kaya ayos lang. 'Di na ako nagpilit pa.

Kanina pang tahimik si Quinn, parang malalim ang iniisip niya. Habang si Dweiwali naman ay nakatiim bagang na nakahilig sa sofa sa harap ng couch na kinauupuan namin ni Quinn. Iniiwas ko sa kaniya ang paningin. 'Di ko alam kung papaano siya pakikitungohan.

"Ah, Drop," tawag sa akin ni Quinn.

"Ano 'yon?"

Ngumiti siya bago muling nagsalita. "Bukas ah? 'Wag mong kakalimutan."

Tumango ako sa kaniya. "Mmm."

"Sa'n punta niyo?" singit sa amin ni Dweiwali.

"Sa EK!" si Quinn ang sumagot. "Do'n namin balak i-celebrate ang third anniversary namin," she told him and then giggled.

"Gano'n ba?" sabi niya at tumingin muna sa 'kin. "Happy anniversary sa inyo," malamig niyang saad pero hindi iyon napansin ni Quinn, nakangiti pa rin siya ngayon at nagpasalamat.

Awkward silence enveloped the atmosphere. Inilapit ni Quinn ang sarili niya sa 'kin at humilig sa aking balikat. Nakahawak pa ang mga kamay niya sa braso ko. 'Di ako naging komportable sa mga tinging binigay sa akin ni Dweiwali.

Wala akong nagawa kundi ang hindi na siya pansinin pa't magkunwaring wala lamang sa akin 'yon. Pero ang totoo'y kanina pa 'ko kinakabahan at nanlalamig. 'Di ko alam kung papaanong umakto sa sitwasyong ito. Hindi ko man lang napaghandaan ang lahat ng 'to.

Ba't kasi hindi ko man lang naisip na maaaring mangyari ito?

Nababadtrip ako sa sarili ko.

Nakatungo lamang ako sa mga oras na 'yon nang lumabas si Manang at sinabing nariyan na raw ang sundo ni Quinn. Inalalayan ko siya sa paglabas. Kaharap namin ngayon ang driver niya na magsusundo sa kaniya. Hawak nito sa isang kamay ang payong.

Humarap sa akin si Quinn at kinabig niya ako papunta sa kaniya't mariing hinalikan sa labi. Kahit kailan talaga. 'Di man lang nahiya kay Manang.

May narinig akong nahulog ngunit 'di ko 'yon alintana dahil sa paghalik sa akin ni Quinn. Inalis niya ang labi niya sa 'kin at ngumiti. "Bye for now, Love. Sunduin mo 'ko bukas ah?" Tumango ako. "Sige, alis na 'ko."

Sumukob na siya sa payong at dahan-dahang naglakad dahil madulas ang inaapakan niya. Nang makaabot siya sa van nila, inisang lingon niya muna ako at kumaway bago tuluyang lumulan doon. Tinanaw ko pa ang sasakyan nila hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

"Aalis na rin po ako, Manang. Salamat po sa pagkain."

"Nako naman, hijo, wala 'yon. Kung gusto mo'y pumarito ka t'wing kakain," tumawa pa siya ng bahagya, "siya, kukunin ko na lang muna 'yong payong sa basement ah? Umupo ka muna riyan. Ipapalinis ko na lang iyang natapong flower vase mamaya sa mga katulong."

Ngayon ko lang napansin ang nasa sahig na vase. Natapon ang laman nitong buhangin. Good thing, hindi iyon nabasag lalo pa't ceramic iyon. Ano bang nangyari? 'Di ko kasi ang mga pangyayari dahil nakatuon lang ang atensyon ko kay Quinn.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon