Gusto kong manakit ngayon eh, ba't ba? HAHA.
Enjoy! ಠ‿↼Dedicated to arthitkongpope | Thanks <3
-
Bumalik kami sa bahay nila Quinn. Nangingiti akong umibis sa van at nag-doorbell.
Lumabas ang isa sa mga kasambahay nila. Pinapasok ako nito. Kilala na nila ako. Kung may oras ako'y pumupunta ako rito. Lalo na kapag may okasyon ang pamilya nila't 'di kaya ay inimbitahan ako ng mommy niya para sa isang simpleng dinner.
Tinanong ko kay ate kung nasaan si Quinn. Ang sabi niya'y kausap daw nito ang mga magulang sa likod-bahay. Sabi niya'y dumiretso na lang ako roon. Hindi niya na raw ako maihahatid dahil may gagawin pa siya. Ayos lang naman sa 'kin tutal ay alam ko na halos ang pasikot-sikot dito sa magarbo nilang mansyon.
Masasabi kong mas malaki ang bahay nila kaysa sa 'min. Pero kung ipagkukumpara ko, bagama't malaki nga ito'y may ambiance pa rin ng comfort, hindi gaya ng sa amin. Tch. Hindi kasi gaya ng sa kanila'y wala masyadong nag-aabala na gawing ganito ang amin. Ang mommy naman ni Quinn ay laging gusto'y maayos ang lahat sa paningin niya. Para ngang kada punta ko rito'y nag-iiba ang lahat ng mga pinagpwestuhan ng mga muwebles at laging pinapalitan ang mga kurtina't tablecloths.
Dinaanan ko ang isang hallway na magdadala sa 'kin papunta sa bakuran nila. Malayo pa man ay naririnig ko na ang mga boses nila.
'Di ko naiwasang magtaka dahil sa lakas ng pagsasalita nila sa isa't isa. Nang medyo nakalapit na, unti-unting nagiging malinaw ang mga sinasabi nila sa pandinig ko.
"You dare told us that that boy almost left you there, alone and ravenously hungry? What the heck is that, Quinn?!" Malakas na singhal sa kaniya ng daddy niya.
Napatungo lamang si Quinn sa harap niya.
Was he referring to me? Of course, Drop! Ikaw lang gumawa no'n sa kaniya! Gago ka, gago.
Napahigpit ang kapit ko sa hawak-hawak na case ng kwintas. Pero bakit siya ang pinapagalitan? Ako ang may kasalanan sa nangyari.
"Sumagot ka!"
Napaangat ng tingin si Quinn. Nakita ko ang halos maiyak-iyak na niyang mukha.
Wala namang tigil sa paghagod sa likuran niya ang asawa't pinapakalma siya. "Kumalma ka, hon. Makakasama 'yan sa 'yo."
Pinagbalingan niya ang may bahay, "paano akong kakalma kung itong butihing anak natin ay hindi pa rin tapos sa pagpapakatanga," dinuro niya si Quinn. Naiyak na ng tuluyan ang huli. Pinigilan ko ang sariling lumapit. Gusto ko siyang puntahan at yakapin ng mahigpit. Gusto ko siyang patahanin at sabihing ako na ang haharap sa kanilang lahat at 'wag na siyang mag-alala pa. Gusto ko siyang itakas sa kanila't pawiin ang lahat ng dinidibdib niyang sakit dulot ng mga salita mula sa sariling ama sa pamamagitan ng halik ko.
Nahihirapan ako sa sitwasyong kinasasadlakan ko.
"D-Dad," her voice was almost broken, "hindi naman po sinasadya 'yon ni Drop, Dad. M-May i-inasikaso lang daw po siya."
"What?! 'Yon na 'yon? He didn't even explain himself to you?!"
Hindi nakasagot si Quinn. Tiyak kong halos nauubos na rin ang pasensya ng ama niya. Maging ako man ay nanginginig na rin dahil ramdam na ramdam ang galit niya. Shit, Drop, magpakalalaki ka nga.
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...