Epilogue

5.2K 189 27
                                    

Nag-aya si Dweiwali na makipaglaro ng basketball kay Drop. Ganoon na lamang ang galak ng huli nang marinig iyon. Siyempre, may pananabik ding namayani sa kaniya lalo na't ilang taon na rin siyang hindi nakahawak ng bola.

Nilakad nilang dalawa ang daan papunta sa court ng compound habang magkasalikop ang mga kamay. Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin makapaniwala si Drop na pagmamay-ari nilang dalawa ang isa't isa. Wala na siya halos mahiling pa.

"Let's make a bet?" Tanong ng nobyo sa kaniya habang nakangiti. Ayon na naman ang mapagmayabang nitong tinig. Gusto niya tuloy ipaalala ritong ilang beses niya itong natalo noon.

Ngumisi siya, "sige ba oh eh 'di paghandaan mo na lang ang magiging premyo ko kung ganoon."

"I love you," anito habang seryosong nakatingin sa kaniya. Nag-init tuloy ang kaniyang mga pisngi. Pinuna niya ang pagiging pabigla-bigla nito.

Sinikap niyang mairap. Natawa naman ang isa. Lumapit siya rito't mapang-asar na ngumisi. "I love you more."

Napanguso ito, hindi nagustuhan ang narinig. Kesyo dapat ay mas lamang ang pagmamahal niya kaysa rito. "No, I love you more," he closed their distance and kissed his lips fully. He chuckled when he saw the man trying to get more of him. "Silly, we came here to play a game. Ikalma mo sarili mo."

Mahina siya nitong sinuntok sa braso kung kaya'y natawa siya.

"Kapag ako ang nanalo, papakasalan mo 'ko," aniya, seryosong nakatingin sa kaniya.

Nabigla si Drop sa narinig mula sa lalaki. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Higit pa sa saya iyon kaya hindi niya mabigyang ngalan. Nagsimulang magtubig ang kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahan ang anyaya ng lalaki kung anyaya man ito. Dahil nga idinaan pa nito sa laro ang kagustuhan.

Tuluyang naglandas ang luha sa mukha niya tuloy ay nataranta ang nobyo't dali-dali siyang dinaluhan.

"Hey," ani nito't pinunasan ang luha niya. "Please don't cry, nariyan mga parents natin baka kung anong isipin nila."

Inilibot niya sa paligid ang paningin niya kahit pa medyo nanlalabo na nga ang kaniyang paningin dahil sa mga luhang patuloy na nagsisilabasan.

Pa'no ba naman kasi? Pakakasalan daw siya nito. Sino namang hindi matutuwa, hindi ba? Hindi niya ito kailanman inasahan. 'Di niya kailanman naisip na may pagpaplanong ganito ang nobyo niya.

Naroon nga ang lahat. Nakangiti pareho ang mga magulang niya sa kaniya. Maging ang mga magulang ng kasintahan ay naroon din. Kompleto ang lahat. Mas lalo siyang naiyak.

"Kapag ako nanalo," garalgal niyang sambit, biglaan namang bumalatay sa mukha ng lalaki ang pag-aalala. Tila ba noon lang din niya naisip na malaki ang posibilidad na matalo siya. "Kapag ako nanalo, saka mo lang malalaman ang kondisyon ko."

Napaawang ang labi niya sa narinig. Tuloy ay hindi niya maiwasang kabahan.

Wala siyang sinayang na oras. Kinuha niya ang bola't itinira.

Ito naman ngayon ang may hawak ng bola. Pinigilan niya ang sariling matawa dahil wala sa konsentrasyon ang lalaki. Patuloy ito sa pag-iyak bagama't nagtatakbo. Sigurado siyang hindi ito mananalo dahil sa kalagayan nito. Ngunit napamaang na lang siya nang makitang pumasok sa ring ang bola.

Kahit pala wala sa kondisyon ang isang 'to ay walang pwedeng kumwestyon sa kakayahan nito.

Humarap ito sa kaniya. Para itong baliw na tumatawa habang umiiyak. Napanguso siya't inagaw ang bola mula rito. Sineryoso niya ang laro. Ngunit gano'n na lang ang pagkanerbyos niya nang magseryoso rin ito.

Ang iskor nila ay nasa 14 at 13, siya ang nangunguna. Kahit pa siya ang nakakalamang ay hindi malabong maungusan siya nito kaya ginawa niya ang lahat para makaiskor.

Labing-siyam na ang nakukuha niyang puntos ang isa nama'y hindi niya man lang pina-shoot kahit na isa. Isa na lang at mananalo na siya. Pinanliitan siya ng mata ng kalaro. Natawa siya nang magsimula na naman itong magluluha. Siya man ay tinatablan na rin at gusto nang maiyak.

Hawak niya ang bola ngayon. Isang puntos na lang.

"Naalala mo 'yong sabi ko sa 'yo no'ng mga bata pa tayo?"

Nagtaka naman ang isa't halata ritong pilit may inaalala. Napangiti siya. Ipinuwesto niya ang kaniyang sarili't pumosisyon para sa pagtira.

"Sabi ko no'n, balang araw ay ako ang mananalo sa 'tin at sa araw ring iyon ay iiyak ka."

Nakagat nito ang pang-ibabang labi't bahagyang napangiti. Muling tumulo ang mga luha niyang naantala lang dahil sa laro. Sumisinghot na rin ito.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Dweiwali bago tuluyang tumalon at inihagis ang bola.

Pasok.

Nakangiti siyang pinagmasdan ang pagtatalbog nito sa sahig. Lilingon na sana siya kay Drop nang biglaan siya nitong salubungin ng yakap.

"I love you," aniya rito't mas hinigpitan ang pagkakayakap.

Tumindi naman ang pagkakahagulgol ng isa. "I love you," hirap nitong sambit sa pagitan ng pagtangis.

"Pa'no ba 'yan? Ako nang nanalo ngayon?"

"Nakakainis nga, eh."

Hindi siya makapaniwalang umalis sa pagkakayakap nito. "What?" Nakita niya kung papaano itong sinamaan siya ng tingin. Kung bakit, maaring dahil sa natalo siya, naapakan ang pride o 'di kaya'y ayaw nito sa kondisyon niya.

Masakit sa kaniya kung malalaman nitong aangal ito sa gusto niya. Matagal na niya kasi ito gustong ayain magpakasal. Kahit pa kailangan pa nilang dumayo sa States kung mangyari man.

"Hindi kasi masusunod ang kondisyon ko, eh kaya nakakainis."

"A-Ano ba kasi dapat ang kondisyon na 'yon ha?" Kinakabahan niyang untag, hinahanda ang sarili kung mangyari mang hindi niya magugustohan ang sasabihin nito.

"Na kapag ako ang mananalo'y papakasalan mo 'ko."

Napamaang siyang muli. Habang ito nama'y nakangisi lang sa kaniyang sa kabila ng lumuluha nitong mukha.

"Bwesit ka," sambit niya. Hinigit niya ito palapit sa kaniya.

He wanted so bad to wipe off that smirk on his face so he kissed him.

Walang salita ang aangkop sa nararamdaman ng bawat isa. The feeling's just ineffable and poorly describable. But they're contented.

Because as long as he loves him, and vice versa, there's nothing to ponder about but as to how would they manage happiness.

The End.

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon