/37/

4K 186 19
                                    

Because everyone deserves the ending they wanted.

Wala akong inatupag maghapon kundi asikasuhin ang ilan pang nakabinbing proyekto. Minor issues lang naman.

'Di ko nga namalayang nakatulog na pala ako sa desk ko. Ngunit nagising din nang niyuyugyog ako ni Mommy.

Napaungol ako, "Mommy, let me sleep."

"Gumising ka na nga, tumayo ka na diyan."

I grunted, "ayoko nga."

"Nasa baba si Ali."

Automatiko akong napatayo nang marinig iyon. Para bang nagising ang diwa ko dahil doon. Natatawa namang akong pinagmasdan ni mommy.

"How do I look, mommy?"

Pumunta pa ako sa CR para lang tignan ang sarili sa salamin. I also inspected myself baka kasi may laway pa sa mukha ko, nakakahiya.

Sumunod din sa 'kin si mommy. "Since when have you been this concerned of how you look? The last time I check lagi mong sinasabi na kahit bagong gising ka o kaya pawisan ay effortless ang kagwapohan mo."

Napangiwi ako sa narinig sa kaniya. Kahit kailan talaga.

"Wala ka pala, eh. Si Engineer Serrano lang pala katapat mo."

"Stop it, Mom." Inis kong hinablot ang toothbrush matapos maghilamos. Habang nagsesepilyo'y patuloy siya sa pagkuda.

I wiped my face with a clean cloth after brushing my teeth. "Huwag mo ngang lagyan ng malisya 'to Mom. Natural lang 'to dahil may bisita sa baba sabi mo."

Natawa siya sa sinabi ko, "if I know-"

Natutop niya ang sarili't kunwari'y ni-zipper ang labi dahil sinamaan ko siya ng tingin.

Pinauna ko na siya sa baba dahil magbibihis pa 'ko. Pabiro lang siyang umirap pero sumunod naman.

Matapos kong magpalit ng damit ay bumaba na ako.

Sa tuktok pa lang ng hagdan ay nakita ko na silang tatlo, kasama ni Manang na nakaupo sa may living room.

"Oh, masyado ka naman yatang nagmamadali," pang-aasar na naman ni Mommy at tinapunan ako ng nanunuksong tingin. Tinaliman ko ang titig sa kaniya pero natawa na naman siya.

"Hijo," ani Manang. "Hindi ka man lang nagkwento sa 'king may manliligaw ka na pala," dagdag niya't pinagdiinan ang salitang manliligaw. "Nahuhuli ako sa balita!"

Wala kasi si Manang nang nakaraang linggo. Bumisita siya sa probinsya nila't 'di ko alam na ngayon ding araw na ito ang uwi niya.

Natatawa namang nag-ilingan ang mga butihin kong mga magulang. Habang ako'y nakanguso lang, 'di makapa kung anong dapat sabihin.

"Hmm," kunwari'y sumisinghot pa sa hangin si Daddy, muntanga. "Ba't parang ipinanligo mo yata ang pabango mo? 'Wag ganiyan anak, napaghahalataan ka."

He Loves HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon