Dedicated to darkhero05 | Salamat! <3
-
Sa byahe ay nakatabingi lang ang ulo niya't nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung natutulog nga ba siyang talaga o nagkukunwari lang.
I was tempted to make her lean on me para hindi siya mahirapan. Bahagyang umaalog kasi ang buong sasakyan kaya nag-aalala akong baka masaktan niya ang ulo niya.
Ngunit 'di ko nagawa.
Hanggang ngayon ay 'di ko makapa ang sarili ko. Natatakot ako sa maaaring sabihin niya.
Nakarating kami sa bahay nila ng matiwasay. Nang makitang hindi niya naramdaman ang paghinto ng sasakyan, nagpasya akong lumapit at tapikin ang pisngi niya ng mahina. She grunted but soon did open her eyes.
Ang ganda ng mga mata niya. Her eyelashes complement those dark and captivating orbs. Ngayon ko lang napagbuting masulyapan ang mukha niya ng ganito kalapit. Ang ganda niya.
My eyes wandered on her face. Her nose stood proudly and its peak was somewhat made by the best and veteran sculptor.
Bumaba ang tingin ko sa labi niya. It was shaped like an upsidedown hat. Its color plays in the shades of pink and red, and might have been shimmered by artificial gloss. It's inviting, I daresay.
Maybe out of impulse, 'di ko namalayan ang sariling nagpadausdos sa mukha niyang agad natigilan nang palapit ako. Pinaglapat ko ang aming mga labi bago pa siya akmang magsalita.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
Nakadikit ang mga 'yon ng ilang segundo, walang paggalaw, bago ko hinayaan ang sariling paghiwalayin ang mga labi. Nakaawang pa rin ang kaniya dahil sa pagkabigla. Malamang, dahil bihira akong nagkusang humalik sa kaniya, mabibilang ko 'yon sa isang kamay ko lang.
Napansin ko ang bahagyang pamumula ng mukha niya't pag-iwas ng tingin.
"I'm really sorry, okay? Hindi ko na hahayaang maulit pa 'yon," masuyo kong saad. Hindi ko rin kung bakit ako nagkakaganito. Hinaplos ko ang mga pisngi niya gamit ang magkabilaang hinlalaki. Kinabig ko siya palapit sa 'kin at niyakap. Hinalikan ko ang bumbunan niya at hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha niya.
Sinubukan kong ngumiti sa kaniya na siyang nagawa ko naman. "Happy anniversary."
Tipid siyang ngumiti. "H-Happy anniversary rin," malungkot pa rin ang mga mata niya pero batid kong kahit papaano'y nabawasan ko ang bigat ng damdamin niya. 'Di ko naman siya masisi kung gano'n nga ang nararamdaman niya dahil una sa lahat ay ako ang siyang dahil no'n. Wala akong karapatang humingi sa kaniyang bumalik siya sa ayos. Hindi 'yon tama. Ang tangi kong magagawa ngayon ay pasayahin siya't gawin ang lahat para hindi na muling maulit ang nangyari.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to. Kung tutuusin, isa 'to sa mga ginusto ko noon. Sapat na dahilan para maghiwalay kami. Pero nang nandito na ako sa sitwasyong 'to, 'di ko alam kung bakit ako nababahala, kung bakit ayaw kong bigyan siya ng sama ng loob.
Kung may rason man ang mga pakiramdam kong ito, isa lang ang maaring bagay na 'yon.
I've fallen her truly.
Maaaring matagal ko ng alam 'yon pero hindi ko nagawang bigyan ng kilanlan dahil ang isipan ko'y nakasentro sa ibang bagay. Masyado kong naipokus ang sariling pananaw do'n sa akala ko. Eventually placing blurry figures on my countenance. At nakakadismayang ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng 'to.
I've been in denial to her back then. And even more to myself. Masyado akong nagpakulong sa mga maling akala. I haven't recognised her presence although she was in here all this time. I was busied thinking I'm confused when in fact, that's no possible reason.
Kaya siguro ganoon na lang ang naramdaman ko nang may mangyari sa pagitan namin ni Dweiwali. Napalunok ako. Maybe he was here not to be my other mate. That's just so wrong. And I feel so dumb I've thought of that. He's here not to be the other, but to make me realise some things.
Sana'y gano'n na nga lang. Would I be so bad if I'd wronged him? Pwede naman 'yon, 'di ba? I must be so ill-minded if I'd pray that he doesn't actually love me. Na sana'y nakikipaglaro lang siya't pinaiiral ang pagiging pilyo niya. And that, he's just trying me. No actual emotions involved.
Ang sakit sa ulo.
Nakipagpaalamanan ako kay Quinn bago kami umalis. Inaya pa niya ako papasok sa kanila ngunit tumanggi ako. 'Di ko maipagkakailang nalungkot siya kaya nilapitan ko siya't niyapos muli ng napakahigpit, matagal. Natapos lamang iyon nang magreklamo siyang hindi na siya makahinga ng maayos. Sabay kaming natawa.
Nagalak ako nang makita ang ngiti niya. Tila nagliliwanag siya sa mga mata ko. Nagniningning ang mata niya. Ang sarap sa pakiramdam na nasilayan kong muli iyon. Those made me hesitate to get myself home. But I stopped myself. Kailangan ko siyang bigyan ng oras lalo na't hindi biro ang ginawa ko.
Ang sabi ko pa sa kaniya'y babawi ako sa kaniya sa darating na mga araw.
"Talaga lang ah?" tila 'di pa naniniwalang tanong niya. "Baka paghintayin mo na naman ako niyan," biro niya pero alam kong may bahid iyon ng katotohanan.
Kaya hindi ko napigilan ang mapanguso.
Natawa siya sa itsura ko. "Biro lang," natatawa pa ring saad niya. "Oh, sabi mo aalis ka na ah. Nagtagal ka pa, kanina pa naghihintay 'yang si Kuya Lino sa 'yo oh."
"Magpapaliwanag ako sa 'yo, Quinn, hindi muna ngayon."
Natigilan siya. Tipid siyang ngumiti't tumango. "Siguraduhin mo lang."
Ako naman ang napatango sa kaniya.
Pinapasok ko muna siya kanila bago ako tuluyang lumulan sa van.
Kahit papaano'y nakaramdam ako ng kaginhawaan. Nabawasan ang mga alalahanin ko't ganoon na rin ang suliranin ko sa pagkatao ko. 'Di ko naiwasang mapangiti.
Bumalik sa alaala ko ang mga sandali namin ni Quinn. Bakit ba kasi ngayon ko lang naunawaan ang lahat kung kailan ganitong tumagal na kami ng ilang taon? Tch.
Pero kahit na, siguro naman ay mas hahaba pa ang panahon namin sa isa't isa at tiyak kong may marami pa akong pagkakataon para ipakita't iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko.
Napangiwi ako sa naiisip. 'Di ko aakalaing aabot ako sa puntong 'to. Na sigurado ako sa nararamdaman ko't aminado ako sarili ko sa damdaming iyon.
Bahala na, masarap sa pakiramdam. Mas lalong lumaki ang ngiti ko habang naglalakbay kami pauwi.
Naisipan kong i-text siya. 'Di ko gawain ito sa totoo lang. But I feel like doing so. Lalo na ngayon.
Kinapa ko ang dalawang bulsa ng sabay. 'Di ko kasi alam kung saan ko iyon nailagay.
Agad kong naramdaman ang matigas nitong balangkas sa kanang bulsa ko. Pero nanlaki ang mga mata ko nang may mahipong parisukat na bagay sa kabila.
Ang regalo ko!
Malakas kong kinabog ang dingding ng sasakyan. 'Di naman magkanda-ugaga si Kuya Lino sa pagtatanong sa 'kin kung anong nangyari.
Natawa ako sa pag-aalala niya. Natural, baka kung may anong nangyari sa akin ay siya pa ang masisi.
Sinbihan ko siyang bumalik muli kina Quinn at may nakalimutan lamang akong ibigay. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa. Napailing-iling pa siya, "akala ko'y kung ano na."
Tinawanan ko lamang siya. Nagbalik siya sa pagmaneho't nag-U-turn.
Hindi pa namin kami masyadong nakakalayo eh kaya ayos lang. Bukod do'n, gusto ko rin naman siyang makita ulit eh.
Para akong kinilig sa naiisip ko. Napamura na lang ako sarili.
Hahaha pero kinikilig talaga ako eh.
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...