He's staring at me blankly and I can't help myself but look at him back.
Nakatuon lang sa 'kin ang buong atensyon niya. Mayamaya pa'y madiing nagsalubong ang mga kilay niya't nagtagis pa ang panga.
Galit siya, ramdam na ramdam ko.
"Anong ginagawa mo rito?!" singhal niya pa. Napalunok naman ako dahil doon.
Hindi ko napaghandaan ang bagay na 'to. Wala akong ideyang siya si Ali. He told me his name but he didn't make a budge about his real identity. Ni hindi man lang siya nagpakilala dahil inaaamin komg 'di ko siya agad makikilala dahil ibang-iba na itsura niya ngayon.
Inis niyang tinabig ang nakasalansang comforter sa katawan niya. Halos mapapikit pa ako nang makitang nakahubad siya at tanging boxers lang ang suot. Damn, ano ba 'tong napasok ko?
Hindi ko namalayan ang mabilis niyang pagkilos at agarang pagpunta sa harapan ko. I could feel how my body tensed up. 'Di ko rin magawang maibuka ang bibig upang makapagsalita. Ano namang sasabihin ko kung ganoon?
Matatalim ang tingin na binigay niya sa 'kin. Pinagpapawisan na rin ako sa mga oras na 'yon. Wala akong maisip na pwedeng gawin upang hindi mangyaring mapagbuntunan niya ako ng galit niya. Lalo pa't sariwa pa rin sa 'min ang mga pangyayari kanina.
"Naaalala mo pa ba 'yong kondisyon ko, Drop?" tanong niya't dahan-dahang lumapit.
Anong kondisyon ang tinutukoy niya?
Napako lamang ako sa posisyon. 'Di ko inaasahan ang mabilis niyang pagkabig sa mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Marahas niya akong hinila't inilapit sa kaniya.
Nag-init ang buong mukha ko nang maramdaman ang halos pagdidikit ng mga tungki ng ilong namin. Napapalunok ako maya't maya. Isang maling kilos ko'y may magagawa siya sa aking tiyak na 'di ko magugustuhan. And here I am, again, in the situation wherein I feel so helpless. Hanggang kailan niya ipaparamdam sa 'kin 'to? Nakakatawa masyado ang kinahihinatnan ko ngayon.
Nagmatigas ako at pinilit kumawala sa kaniya. Ngunit 'di ko inaasahan ang lalo niyang pagdidiin sa paghawak sa baba ko. Shit.
Masakit ang naging paghawak niya sa 'kin ngunit walang nagbago sa ekspresyon niya. 'Yon ay pinaghalong galit at paghahamon.
"Gusto mo bang ipaalala ko pa sa 'yo ang kaisa-isang kondisyon ko?"
Ano ba kasi ang bagay na 'yon, tanginang 'yan! At bakit ba siya nagagalit sa 'kin ng ganito?!
Ngunit wala talaga akong maalalang gano'n! O baka naman ay nakalimutan ko lang?!
The next thing he's done was no longer visible with my eyes. Masyadong naging mabilis ang kaniyang pagkilos na halos mangapa ako ng maaaring sagot sa kung papaano niya ako nagawang mailatag sa kama niya. Kahit pa masasabing malakas ang naging pagbagsak ko doon, 'di ako nasaktan dahil bukod sa malambot ang mattress nito, nagawa niyang ikulong ako sa mga braso niya bago ako tuluyang nahiga.
'Di ko naiwasang mailang dahil sa posisyon namin. Nakahiga ako habang ang dalawa kong paa'y nakabuka habang siya naman ay nakapatong sa ibabaw ko! 'Di ko makita ang mukha niya dahil nakalagay 'to sa balikat ko. Ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang mabilis niyang paghinga. I can also feel his breathing against my shoulder.
Nang sinubukan kong kumawala ulit sa kaniya, mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. I even tried pushing him but his hands took mine off his physique. Heck.
"Don't try, it's no use. Hindi mo 'ko kaya," mahinang aniya na sapat lang para marinig ko.
Mabigat na pagbuntong-hininga ang ginawa ko. Maging 'yon ay nahihirapan pa akong gawin dahil sa pagkakadagan niya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
He Loves Him
RomanceDrop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfriend. That's quite ironic, isn't it? Dweiwali Serrano, a young bachelor who loves playing Soccer, how...