Akihiro De GuzmanNaalimpungatan ako nang makaamoy ako ng kakaiba mula sa malambot na bagay kung saan nakasubsob ang mukha ko. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.
Teka ano ba 'to?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakasubsob ang mukha ko sa pwet ni Charlie.
Napabangon ako bigla.
"Daef?!" Taena!
Nagising din si Charlie nang marinig ang boses ko.
"Oh? Ba't ba ang ingay mo?" Naiiritang tanong ni Charlie habang nagkukusot ng mata.
Bumangon na siya sa kutson na nakalatag dito sa sala. Napatingin ako sa area nila Jade at Candy.
Wala silang dalawa.
Bigla akong nakaamoy na mabango mula sa kusina. Napatingin kami ni Charlie doon at nakita namin si Jade na naglalakad papunta dito.
"Morning guys, nagluluto si Candy, 'yon nalang daw ambag niya," bungad niya.
Siya nga pala ang unang nakatulog kagabi.
"Yung thesis pala natin?" tanong ko sa kanya.
Ngumuso siya sa may couch kaya tumingin din kami at nakita namin sila Naoki at Aira na magkasandal habang mahimbing na natutulog. Napangiti naman ako sa nakita. Ang cute nilang tingnan.
Ikaw talaga Naoki.
"Chineck ko na, natapos na nilang dalawa,"
"Yown! Tapos na'rin!" saad ni Charlie.
"Guys luto na!" Sigaw ni Candy mula sa kusina.
"Gigisingin pa ba natin sila?" tanong ni Jade sa'min.
Umiling ako sa kanya.
"Sure akong puyat na puyat sila, magtira nalang tayo para sa kanila,"
Aira SebastianDahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nakikita ko ang laptop sa harap ko pati ang mga balat ng kinain namin kagabi ni Naoki habang gumagawa ng thesis. Nakatulog pala ako habang nakaupo kami dito.
Teka? Nasaan si Naoki?
At kaninong balikat ang sinasandalan ko?
Napalingon ako dito. Nanlaki ang mga mata ko nang muntik ko siyang mahalikan sa pisngi."Hala!" Nagising siya nang magsalita ako. Hindi maidilat na mata siyang lumingon sa akin.
"Idiot." Inaantok na tawag niya at kinusot ang mata niya. Napalayo ako ng konti sa kanya. Ang awkward ng nangyari.
Lumingon ako sa mga kagrupo ko. Wala sila dito sa sala.
"Nasaan sila?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa hinigaan nila.
"Baka kumakain na." Tumayo si Naoki at nag unat ng mga braso.
"Tara." Pag aaya niya sa akin at naglakad siya papunta sa kusina.
Sumunod naman ako sa kanya.
"Good morning!" Masiglang pambungad ni Hiro saamin nang makarating kami dito.
Kumakain na sila sa table.
"Kain na, si Candy nagluto," wika ni Charlie habang kumakain.
"Hehe, nakatulog kasi ako agad kagabi kaya ito nalang ambag ko." Nahihiyang wika ni Candy.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ayos lang ang mahalaga tapos na."
"Kumain na kayo Aira bago pa maubos ni Hiro lahat," sabi Jade habang nakatingin kay Hiro na mabilis na kumakain.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...