Aira SebastianHindi namin namamalayan ang oras at malapit nang matapos ang first semester. Exam namin ang pasahan ng research kaya nagagahol na kami sa oras. Noong may mga oras pa kasi kami, wala kaming ginawa kundi 'sabihin bukas nalang', 'mamayang gabi send mo sa'kin', 'matagal pa naman ang pasahan'. Kaya ito kami ngayon, hirap na hirap. Next week ang exam namin kaya sobrang hassle. Minsan nalang kami mag usap usap ng mga kaklase ko dahil lahat kami busy sa kanya kanyang grupo.
"Musta guys?" bati sa'min ni Maya.
"Kain na niyo."
"Oy! Kain na niyo." Pag aaya sa'min na kumain ng mga kaklase ko.
"Kain na niyo rin," sagot namin sa kanila.
Lunch time na. Kumakain sila ng tanghalian habang kami naman ng mga kagrupo ko, inaasikaso ang papers namin.
"Buhay pa naman kami Maya, lumalaban pa." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Nasaan na ba si Hiro? Anong balak niya sa'tin?" Naiinis na wika ni Jade habang na inapaikot sa kamay niya ang ballpen na kanyang hawak.
"Oo nga, nagpapakahirap tayo dito samantalang siya na leader wala," pagrereklamo ni Candy na naiinis na rin.
"Kung inaayos na natin 'to hindi puro nalang kayo reklamo at satsat." Naiiritang sita ni Charlie sa kanila.
"Ow.. sige doon muna ako, kaya niyo 'yan guys Gambatte!" Pagchecheer up sa'min ni Maya at lumayo na dahil sa narinig mula sa mga kagrupo ko.
Mukhang nagkakainitan na kasi dito sa grupo namin. Siguro dahil hindi pa kami kumakain kaya umiinit ang ulo nila. Nakakainit talaga ng ulo kapag gutom.
Napansin kong palapit si Luna sa direksyon namin.
"Hello Aira, kumusta thesis niyo?"
Napabuntong hininga nalang ako.
"Kakayanin pa." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Baka mali pa ang gawin mo sa thesis namin, hindi namin kailangan ng tulong ng plastic." Naiiritang saad ni Jade sa kanya.
Napansin kong ang higpit ng pagsara ng kamao ni Luna nang marinig niya ang sinabi ni Jade..
"Ano bang problema mo sa'kin Jade? Wala naman akong ginagawa sa'yo," sita niya.
Tumayo si Jade at lumapit sa kanya pero gumitna agad ako sa kanilang dalawa.
"So kailangan ko pang hintayin na may gawin ka sa 'kin? Come on Luna alam kong nagpapanggap ka lang sa mga ginagawa mo."
"Guys tama na!" Pagpigil sa kanila ni Maya.
"Ikaw Jade sumosobra ka na, hindi na maganda ang ginagawa mo kay Luna," ani Maya sa kanya. Lumapit din ang iba naming kaklase.
"Oo nga Jade, hindi porket hindi ka pinapatulan ni Luna gaganyanin mo na siya palagi." Pagsang ayon ng mga kaklase ko.
"Jade kumalma ka," sabi ko kay Jade.
"So ako pa ang masama? What the? Ibang klase kayo." Hindi makapaniwalang sabi ni Jade at naglakad palabas ng room.
Napabuntong hininga nalang ako sa nangyayari.
Napatingin ulit kami sa may pinto nang may pumasok.
Si Hiro.
At may dala siyang Jollibee meals."Sorry guys natagalan ang haba kasi ng pila, teka? May nangyari ba?" Si Hiro at tumingin tingin sa'min.
"Wala." Pabalang na sagot ng mga kaklase ko.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...