Chapter 22: The Captain

1.1K 220 53
                                        


Aira Sebastian

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng pasukan. Ayos naman kaming lahat. Magulo pa rin at maingay pero mas dumagdag ang gulo at ingay dahil sa room na katabi namin. Ang room ng section 2. Medyo naninibago kami dahil no'ng grade 11, kami lang ang magulong section. Tahimik lang kasi ang section 1.

"Hikaw mo boy." Sita ng guard sa lalaking nasa harap ko dito sa gate.

"Ano ba naman 'yan manong wala namang kinalaman ang hikaw sa pag aaral." Pag apela niya.

Pamilyar ang lalaki. Siya yung lalaking taga section 2 na nagdi-dribble ng walang bola sa harap ko, no'ng pasukan.

Humaba na ang pila dahil sa diskusyon nilang dalawa.

"Tanggalin mo nalang ang hikaw mo nakakaabala ka na sa ibang estudyante," sabi ni manong sa kanya.
Lumingon sa amin ang lalaki ng nakakunot ang noo.

"Tsk." Wala na siyang nagawa kundi sumunod kay manong na tanggalin ang kanyang hikaw. Kukumpisin sana ni manong ang hikaw niya pero nilagay niya ito agad sa kanyang bulsa.

"Akin na ang hikaw mo." Hindi niya ito pinansin at naglakad na parang walang naririnig.

"Hoy!"

"Hindi ko naman ito susuotin," sagot niya habang naglalakad palayo. Wala nang nagawa si manong guard. Kaya itinuon niya nalang ang atensyon sa pagpapapasok sa amin.

Magkasunod kami ng lalaki na naglalakad, iisang direksyon lang ang nilalakaran namin dahil magkatabing room lang ang pupuntahan. Habang naglalakad kami, napansin ko na sinuot niya ulit ang silver niyang hikaw sa kaliwang tenga.

Napailing na lang ako sa kanya. Hindi siya marunong sumunod sa rules ng school.

Nang makaakyat na kami sa second floor. Rinig na rinig na agad ang ingay. Siguro mula 'yon sa room namin kasi maaga palang magulo na sila.

Pagdating ko sa room. Nagulat ako nang makita na tahimik lang sila at kitang kita sa mukha nila ang pagkairita.

"Good morning." Nakangiti kong bati sa kanila. Bumati naman sila pero iritable pa rin dahil sa ingay ng kabilang section. Pumunta na ako sa upuan ko.

"Mas okay pang katabi natin ang section 1 eh!" Iritableng saad ni Al.

"Bakit ba kasi katabi na natin ang section 2?! Napakaingay nila."

"Dapat tayo lang ang maingay!"

"Ayoko na! Susugurin ko na sila!" Si Al at marahas na tumayo.

"Hoy Al tumigil ka nga! Hindi ka ba natuto sa nangyari noong nakaaway natin ang section 1?" Pagpigil sa kanya ni Maya.

Napabuntong hininga nalang ako sa nangyayari.

Napansin namin ang pagtigil ng ingay sa kabila.

"Narinig siguro nilang susugod ako kaya sila tumigil, takot talaga sila sa akin." Mayabang na wika ni Al.

"Siguro nandiyan na ang President nila," wika ni Karylle.

President?

"Si Ulysses ba ang tinutukoy mo? Kyah!" Pagsali ni Candy sa usapan.

"Sino si Ulysses?" tanong ko sa kanila.

"Hindi mo kilala si Uly? Siya ang captain ng basketball team sa Sakura Academy. President din siya ng section 2 at hindi lang 'yon siya pa ang top 1 nila." Pagyayabang na wika ni Candy.

"Ang galing naman." Mangha kong sabi sa kanya.

"Stalker teh? Daming info ah?" saad naman ni Jade mula sa upuan.

The Bright IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon