Chapter 27: Feelings

1.2K 212 25
                                    


Naoki De Guzman

"Aira, Daisuki desu," pag ulit ko ng sasabihin sa kanya habang nakatingin ako dito sa salamin.

Natapos na ang exam nang hindi ko manlang naaamin sa kanya itong nararamdaman ko. Hindi ko rin siya nakita dahil pang umaga ang schedule nila samantalang panghapon kami. Kuhaan naman ng card mamaya kaya malaki ang chance na hindi ko siya makita ngayon dahil half day.

Aagahan ko nalang ulit at hihintayin ko siya sa may gate para sabay kaming pumasok. Tapos aayain ko siyang lumabas mamayang uwian.

"Naoki." Napatingin ako kay Hiro na pumasok sa loob ng kwarto. Mukhang kakagising niya lang. Naghikab pa siya at nag unat ng braso.

"Oh Hiro."

Minsan napapaisip ang mga kaklase namin dahil hindi ko siya tinatawag na kuya kahit mas matanda siya sa'kin. Simula kasi ng bata kami palagi na kaming magkaaway. Sinabi ko sa kanya noon na kahit kailan hindi ko siya tatawagin na kuya dahil mas isip bata pa siya sa'kin.

"Dadating pala mamaya sila mom at dad."

Oo nga pala, umuuwi sila kapag kuhaan ng card.

"Sige."

"Isang linggo sila dito, para ayusin ang requirements natin papuntang Japan." Nagulat ako sa sinabi niya.

Isang sem nalang pala.

Malapit na...

Aira Sebastian

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ko sa rankings.

"Congrats Aira." Nakangiting bati sa'kin ni Kim na nandito rin tumitingin.

"B-bakit ganito?" Nauutal kong tanong dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita.

Natawa naman siya sa'kin.

"Matalino ka naman kasi talaga, blowout mo ko mamaya sa cafeling ka ah." Nakangiting aniya at tinapik na ako sa balikat para magpaalam.

"Ang galing mo Aira," bati sa'kin nila Maya at Al na kakarating lang dito.

1. Sebastian Aira M.
2. De Guzman Naoki C.
3. Sanchez Kimberly A.

"Keep it up Aira, hihintayin ka naming magsalita sa graduation." Nakangiting wika sa'kin ni Maya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang alam ko lang ay natutuwa ako.

"Salamat."

"Tara na pasok na tayo," tumango ako at naglakad na kami papunta sa room.

Naoki De Guzman

May oras pa.

Paulit ulit kong sinasabi sa isip ko habang naghihintay dito sa harap ng gate. Malapit nang mag 8 pero hindi ko pa rin nakikita si Aira.

"Una na ako." Pagpapaalam ni Hiro sa akin at pumasok na sa loob.

Tumitingin naman ako sa bawat jeep na humihinto bakasakaling naroon siya.

"Naoki." Napalingon ako sa nagsalita.

Tumakbo palapit sa 'kin ang transfer student ng section 3.

"Sinong hinihintay mo?" tanong niya.

Hindi ko siya kilala pero kung makapagtanong siya, parang close kaming dalawa.

"Kilala ba kita?" Nagulat siya sa tanong ko at parang napahiya.

"Oo nga pala, pasensya na masyado akong feeling close, ako pala si Luna." sagot niya at hinanda ang kamay para makipagkamay sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinuon ang atensyon sa mga jeep.

The Bright IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon