Aira Sebastian"Attention everyone! May seminar ang mga teacher ngayong umaga kaya mamaya pang hapon ang klase." Kaming lahat ay nagalak at nag ingay sa goodnews ni Maya.
"Yown!" Sigaw namin at nag ayos na ng gamit.
"Ano ba'yan? Bakit walang klase wala na naman akong natutunan!" Dismayadong sabi ni Hiro na umagaw ng atensyon namin.
"Hindi ka naman nakikinig!" Pambabara ni Charlie sa kanya at binato siya ng mga kaklase namin ng papel.
Si Hiro talaga, lagi nalang parang ewan.
At nagsimula na naman ang kaguluhan at pagbabatuhan nila ng bolang papel.
Humarap sa akin si Karylle at parang may ikukwento. Madalas siyang magkwento sa akin ng kung ano ano. Tungkol sa sinusulat niyang kwento, mga pangyayari sa buhay niya at kahit na ano pa. Syempre gano'n din ako sa kanya.
"Aira alam mo yung sinusu--"
"Hi Aira." Natigil ang pagsasalita niya nang lumapit sa amin si Luna.
"Anong ginagawa niyo?" Nakangiti niyang tanong sa amin at umupo sa tabi ko. Si Raven ang nakaupo dito pero lumabas siya. Siguradong hinahanap na naman niya si ma'am Baltazar.
"May ikukwento si Karylle gusto mong sumali?" pag aaya ko sa kanya.
"Sige sali ako mukhang masaya 'yan." Excited na wika niya sa amin.
Napansin ko ang pagbabago ng reaksyon ni Karylle nang sumali si Luna sa usapan namin.
"Ay nakalimutan ko na pala, sige Aira may gagawin pa ako kayo muna magkwentuhan," sabi niya sa akin at agad na tumalikod.
"Pero Karylle.."
"Aira, may itatanong pala ako sa'yo." Pag agaw ni Luna ng atensyon at hinawakan ako sa braso.
"Ah ano 'yon Luna?" tanong ko sa kanya.
"Yung lalaking kasama ni Hiro at ng grade 8 student na may gusto kay Raven? Anong pangalan niya?" tanong niya.
Kasama ni Hiro at ng grade 8 student na may gusto kay Raven?
Teka? Si Naoki ang tinutukoy niya.
"Ah si Naoki." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Naoki? Ang cute naman ng name niya. Kwentuhan mo naman ako Aira ng tungkol sa kanya please." Pagpupumilit niya sa akin habang nakapuppy eyes.
Anong ikukwento ko tungkol sa lalaking 'yon?
"Ano nga bang tungkol sa kanya? Ahm, first day na nakita ko siya tingin ko sa kanya masungit na ewan dahil hindi siya marunong ngumiti." Naiinis kong kwento sa kanya. Napansin ko na parang namangha pa siya sa sinabi ko.
"Ano pa, ano pa, ano pa?" Siya.
Napabuntong hininga nalang ako sa kanya.
"Pero marunong din naman pala siyang ngumiti, hindi siya showy na tao pero makikita sa mata niya kung gaano kahalaga sa kanya ang mga tao sa paligid niya." At napangiti ako habang kinukwento 'yan.
"Kyaah talaga? Ang swerte siguro ng girlfriend niya noh? Pero may girlfriend na kaya siya?"
'yon ang hindi ko alam.
"Alam mo, yung lips niya.. yung pink lips niya, parang ang lambot at ang sarap halikan." Nagulat ako sa sinabi niya.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin noong grade 11 pa kami. Aksidente kaming nagkahalikan nang mahulog kami sa hagdan.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...