Chapter 24: Thesis The Moment

1.2K 211 61
                                    


Aira Sebastian

Normal na araw sa Sakura Academy. Back to reality kami. Puro lecture at discussion ang nagaganap.

Madalas akong tuksuhin ng mga kaklase ko dahil sa nangyaring truth or dare kahapon. Tinatanong nila ako kung anong masasabi ko sa pag amin ni Ulysses sa'kin.

Syempre nagulat ako dahil harap harapan with matching turo pa sa akin ang pag amin niya.

Natigil na ang truth or dare nang malaman namin na malapit na pala ang next class.

"Hiro, stand up." Napatingin kaming lahat sa harap nang tawagin ni Sir Entrep si Hiro.

"What is Partnership?" tanong ni sir na nagpatahimik sa buong klase.

Ngumiti si Hiro na para bang alam niya ang isasagot.

"True sir."

Nagtawanan kaming lahat sa sagot niya.

"True amp," wika ni Raven sa gilid ko.

"Anyone?" tanong ni Sir sa amin.

Nagtaas ng kamay sila Luna at Maya. Sila lang madalas ang nagrerecite.

Hindi tinatawag ni Sir Entrep ang mga nagtataas ng kamay. Gusto niyang tawagin ay ang mga nakayuko o hindi nakafocus ang atensyon sa klase. Kaya wala kaming magawa kundi tumingin sa kanya at magkunwaring nakikinig kahit ang mga utak namin ay lumilipad lang.

"Aira." Napatayo agad ako nang tawagin ni Sir.

"What is the partnership?" Pag ulit niya ng tanong sa'kin.

Hindi ako sigurado sa sagot na nasa isip ko. Baka mali, baka pagtawanan din nila ako.

Ayos lang. Kaysa naman wala akong isasagot. Mas mabuti nang magsagot kahit hindi sigurado, basta may sagot. Kung mali man, itatama rin ni sir at dagdag kaalaman na naman sa amin.

"A legal relation existing between two or more persons contractually associated as joint principals in a business." Diretso kong sagot sa kanya.

"Exactly." Nakangiting aniya. Umupo na ako at napangiti.

Sabi nga nila hindi malalaman kung hindi susubukan.

Natapos ang klase ni Sir Entrep. Ngayon naman ay hinihintay na namin ang pagpasok ng teacher namin sa Practical Research.

Mga ilang minuto lang kaming naghintay.

Nakarating na si ma'am at pinagcountings niya kami.

Siguro ito na.

Ito na..

The Research. Thesis ang kadalasan na tawag ng mga estudyante dito.

THESIS THE MOMENT.

Pinapangarap ng bawat estudyante na magkaroon sila ng kagrupong matalino, mapera, responsable at higit sa lahat hindi tamad. Sa madaling salita, matinong kagrupo.

Kaya sana naman magkaroon din ako ng kagrupong matino para mabuhat nila ako hehe.

Pinatayo na ang lahat ng magkakagrupo sa bawat number. Number 6 ako kaya tamang hintay lang na tawagin ang number namin.

Tapos nang tawagin ang group 5 at kami na ang pinatayo.

Tiningnan ko ang mga ka-group ko.

"Santos, Villanueva, Sebastian, Severino, De Guzman,  you're the group 6." Nanlaki ang mga mata ko nang matawag na ni ma'am ang group 6. Tumingin ako sa mga kagrupo ko.

Si Candy na puro Crush ang iniintindi.
Si Jade na ang ginawa lang ay mag attitude magreklamo.
Si Charlie na puro ML ang inaatupag.
At si Hiro na? Hays. Dahil mapapabuntong hininga ka nalang sa kanya.
Tapos ako na hindi ko man lang alam kung anong iaambag ko.

The Bright IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon