Chapter 1

18 0 0
                                    

Sinarado ko ang mga bintana ng kwarto ko, siniguradong naka-lock ang pintuan at saka nagtago sa ilalim ng kama.

Dugdug. Dugdug.

Sinisiguro kong wala akong magagawang ingay kahit na kaunting kaluskos. Tinakpan ko ang bibig ko at pilit na pinipigilan ang hikbi na maaaring mangyari ano mang oras dahil sa pag-iyak ko.

Makikita niya pa kaya ako rito?

"Tinataguan mo ako?! Lumabas ka!"

Dinig kong sigaw ni papa mula sa labas ng aking kwarto. Gumawa siya ng ingay at hinagis ang mga kagamitan namin. Pakiramdam ko maraming plato at baso ang nabasag.

Huminga ako ng malalim upang kahit papaano matigil na ang pag-iyak ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha ko at nanatiling tahimik sa ilalim ng kama.

"Kung hindi ka lalabas..." Ani ni papa sa lasing na boses. Palagi nalang siyang nag-iinom at pag nalalasing, ako ang napagdidiskitahan niya. "Sisirain ko ang pintuan na 'to!" Sigaw niya.

No, please. Tigilan mo na ako.

Tinakpan ko ang tenga ko upang hindi siya marinig, nakakatakot ang boses at ang pagbabanta ni papa. Nanginginig na ako sa takot. Gusto kong lumabas at tumakbo palayo sa lugar na ito. Ayoko na, please.

Maya-maya'y natigil ang ingay mula sa labas. Nakahinga ako ng maluwag kahit papano, dahil pakiramdam ko ay umalis na si papa. Sana nga.

Dahan-dahan akong lumabas mula sa ilalim ng kama at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang sarili ko at nanginginig na umupo sa kama.

Nahihilo ako at umiikot ang paningin, kinakapos ng hininga at limitado ang galaw. Sinubukan kong labanan ang sakit na nararamdaman ko ngunit hindi ko magawa. Nakakapanghina.

Isang malakas na galabog ang aking narinig, bumungad sa harapan ko si papa at nakangising naglakad palapit sa akin. Tumakbo ako sa sulok ng aking kwarto ngunit mali ang aking naging desisyon, hindi na ako makaalis.

"Sinusubukan mong tumakas ha?!" Nakakatakot na bulyaw ni papa. "Sinabi ko naman sayo.." mahinahon niyang sambit at saka sinubukang hawakan ang balikat ko, sinusubukan kong umiwas ngunit kahit na anong gawin ko ay nahahawakan niya parin ako. "Just be nice to me and I'll be gentle." Nakakakilabot niyang bulong sa tenga ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko at walang ibang nagawa kundi ang umiyak at magmakaawa na huwag niyang ituloy ang masama niyang balak.

"Tao po! Robert!" Sigaw ng kung sino mula sa labas ng bahay. "Robert!"

Natigilan si papa sa ginagawa niya at lumayo siya sa akin.

Halos maiyak na ako at laking pasasalamat ko sa taong tumawag kay papa mula sa labas. Bago pa man makabalik si papa sa kwarto ay tumakas na ako sa mula bintana, medyo mataas iyon para talunin ngunit wala na akong iba pang naiisip na paraan para makatakas at ginawa ko na. Nagkaroon ako ng maliit na sugat sa aking braso dahil sumabit sa pakong nakausli na hindi ko nakita.

Tumakbo ako palayo sa bahay at hindi ko na namalayan kung saan ako napunta. Napaiyak nalang ako dahil hindi ko na alam kung saan ako pupunta, saan ako matutulog, paano ako makakakain, ngunit ang mahalaga ay nakatakas na ako.

Buong buhay ko, hindi ako nakaranas ng saya at kalayaan. Lahat ng ginagawa ko ay mali, maging ang mga desisyon ko ay hindi sinasang-ayunan, bawat galaw at kilos ko palaging may nakabantay. Nasasakal ako, pakiramdam ko isa akong aso na minaltrato ng amo at kailan man ay hindi tinuring na parte ng pamilya.

Ang kapatid kong si Denise at Joseph ay kasama ni mama na pumunta sa ibang lugar, dahil nakakilala si mama ng bagong asawa doon. Hindi ako makapili kung kanino ako sasama dahil maging si mama ay kailan man hindi ako pinili. Madalas niya akong pagbuntungan ng galit sa tuwing napapagod siya. Sinasampal, tinatadyakan at kung minsan sinusuntok. Si papa naman, hindi ko maintindihan kung bakit madalas na siyang maglasing, hindi napasok sa trabaho at takot na takot ako sa kanya, simula ng umalis sila mama dito sa bahay madilim na ang paningin sa akin ni papa, madalas siyang pumapasok sa kwarto ko at hinahawakan ang binti ko at braso ko. Natatakot ako sa anumang maaaring mangyari. Bantay sarado niya ako sa bahay at kinukulong sa kwarto ko, ngayon lang ako nakagawa ng paraan upang makatakas.

Umupo ako sa bench na nakita ko at humagulgol ng iyak.

Hindi ko maintindihan bakit nangyayari sa akin 'to? Bakit kailangan humantong sa ganito?Bakit kailangan kong maramdaman na wala akong pamilya? Bakit parang ako lang nakakaranas ng ganito?

Ang dami kong katanungan sa isipan ko na wala kahit ni isa ang kayang makasagot.

WhisperWhere stories live. Discover now