Chapter 17

3 0 0
                                    

Unknown's POV

Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko ngayon.

Sa araw-araw na nakikita ko siya, pinagmamasdan mula sa malayo, sinusundan ang bawat hakbang na ginagawa niya, mas lalo akong nahuhulog.

Mas lalo ko siyang minamahal.

Paganda siya ng paganda sa paningin ko.

Nakatayo ako mula sa labas ng restaurant na pinagta-trabahuhan niya. Pinapanood ang bawat galaw.

Bakit hindi siya nagtuloy sa pag-aaral? Mas bagay sa kanya ang school uniform kesa sa apron. Dapat na hawak niya ngayon ay ballpen at hindi sponge.

Alam kong mayroon ng nag mamay-ari ng puso niya, alam kong may nagpapangiti na sa kanya, alam kong mahal na nila ang isa't-isa.

Pero mahal ko din siya.

Mahal na mahal kita, Eya.

WhisperWhere stories live. Discover now