Chapter 11

6 0 0
                                    

"Bakit ba kung anu-ano pa sinasabi mo? Pumayag na nga ako!"

Sinarado ko ang pintuan ng apartment at hinubad ang sapatos na suot ko. Nagtungo ako sa kama at humiga.

"Mukhang labag naman sa kalooban mo ang pagpayag na makipag date kay Officer Chen."

Napa-irap nalang ako sa hangin at huminga ng malalim.

"Tumahimik ka na at magpapahinga na ako." Ani ko kay Gardy na halos hindi pa ako nakakapasok sa apartment ay pinapangaralan na agad ako.

Pumayag ako sa sinabi ni Officer Chen. Makikipag date ako sa kanya pero pinaliwanag ko sa kanya na may limitasyon kami, gaya ng bawal muna ang kiss at holding hands dahil hindi pa ako ready para sa ganoong bagay. Pumayag naman siya at agad akong niyakap bilang pasasalamat daw. Sa totoo lang, siya nga ang dapat kong pasalamatan dahil marami na siyang natulong sa akin.

"Eya, wala ka man lang bang cellphone?"

"Sabi ko tumahimik ka na! Inaantok na ako."

Pinikit ko ang mga mata ko at inisip ang sinabi ni Gardy.

Tama naman siya, wala akong cellphone. Naiwan ko sa bahay at hindi ko na naalalang kuhanin pa dahil hindi naman mahalaga sa akin ang bagay na iyon.

"Paano mo mako-contact si Officer Chen?"

Minulat ko ang mga mata ko at na-upo sa kama.

"Gardy, hindi ko alam kung binubugaw mo ba ako kay Officer Chen o ano! Bakit? Nakikita mo ba ang future ko? Malapit na ba akong mamatay?"

Narinig ko ang malakas niyang pagtawa na lalong kinainis ko. Pinagti-tripan ba ako ng multo na to?

*knock knock*

Agad akong bumaba sa kama at binuksan ang pintuan.

Pareho kaming nagulat sa isa't-isa dahil hindi kami magkakilala. Teka, kaibigan ba to ni Gardy?

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ng lalaki sa harapan ko at mukhang natakot ng makita niya ako.

"Ha?"

"G-girlfriend ka ba ni Gardy?"

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ng lalaking to. Ako? Girlfriend ni Gardy?

"Hindi!" Depensa ko.

"Kung ganun, anong ginagawa mo sa apartment niya?" Sabay turo niya sa kwarto.

Anong sasabihin ko? Pinatira ako dito ng kaluluwa ni Gardy? As if naman na maniniwala siya!

"T-teka nga!" Pag-iiba ko ng usapan. "Sino ka ba?"

"Kaibigan ako ni Gardy!"

Kaibigan ni Gardy? Tinitigan ko siya ng mabuti na parang kinikilatis ko ang buong pagkatao niya.

Hindi ba niya alam na patay na si Gardy?

"Hindi ko siya kaibigan." Bulong sa akin ni Gardy.

"Hindi mo kaibigan? Kaanu-ano mo siya?" Bulong ko sa kanya. Todo ingat ako dahil baka mapansin ako ng lalaking to na nagsasalita ako mag-isa.

"Basta hindi ko siya kaibigan."

Napa-irap ako sa hangin. Hindi ba pwedeng diretso niya nalang sabihin kung kaanu-ano niya ba talaga ang lalaking to?

"Si Gardy ba ang pinunta mo dito? Hindi mo ba alam na wala na siya?" Tanong ko sa lalaki.

"Alam kong wala na siya, kaya nga nagulat ako ng makitang may tao sa apartment niya." Paliwanag niya.

"A-ako ang bagong nakatira dito. Makaka-alis ka na."

Isasarado ko na sana ang pintuan ng pigilan niya ako.

"Teka lang! Nagpunta ako dito dahil alam kong bayad ni Gardy ang limang taong upa para sa apartment na ito. Nag layas ako ng bahay at wala akong ibang mapupuntahan, nagbakasakali ako na baka pwede akong tumuloy dito."

"Paalisin mo nalang siya at isarado mo na ang pinto." Bulong ni Gardy.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gardy. Binigyan kong pansin ang lalaki sa harapan ko.

"Bakit ka ba kasi naglayas?"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naaawa ako sa lalaking to dahil sa ganitong sitwasyon din ako nanggaling. Maswerte nalang ako dahil tinulungan ako ni Officer Chen at ni Gardy.

"Sabing paalisin mo na ang lalaking yan!"

Nagulat ako sa sigaw ni Gardy at halos mabingi ako dahil sa tenga ko siya mismo sumigaw.

"Umalis ka na nga daw!"

Dahil sa gulat ko napalakas tuloy ang boses ko.

"Ah sorry, wait may kakausapin lang ako." Paliwanag ko sa lalaking nasa harapan ko at saka sinarado ang pinto.

"Bakit mo naman pinapaalis yung tao?!" Sigaw ko kay Gardy kahit na hindi ko siya nakikita.

"Sa akin ang apartment na to kaya sundin mo ang inuutos ko!"

Umirap ako sa hangin at pinakalma ang sarili. Gusto ko ng sapakin ang multo na to!

"Bahala ka nga!"

Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako ng wala na dito ang lalaki. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko na siya nakita kaya bumalik nalang ako sa kwarto at nahiga sa kama.

Naiinis ako kay Gardy, bakit naman ganoon ang inasal niya? Kung may masama man na nagawa ang lalaking iyon sa kanya dapat pinatawad niya nalang. Saka bakit niya ba tinatangging kaibigan niya ang lalaking iyon?

"Huwag kang maawa sa lalaking iyon."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gardy at humarap ako sa kaliwa ko, na para bang ramdam kong nasa kanan ko siya.

"Pinalayas iyon ng mama niya dahil malamang.." Tumawa siya ng mahina. "Nakipag make out nanaman iyon sa kung kani-kaninong babae."

Agad akong humarap sa kanan ko at natawa nalang sa sinabi ni Gardy.

"Talaga?"

"Oo, madalas iyon mangyari sa kanya." Natatawang sambit ni Gardy at nagtawanan kami ng mga ilang segundo.

I sighed.

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil may kaibigan na ako, alam kong kahit papano meron akong matatakbuhan sa mga oras na mangangailangan ako. Kahit hindi ko siya nakikita, atleast nakakausap ko siya. Maiintindihan namin ang isa't-isa.

"Eya?"

"Hmm?"

"Sa oras na marinig mo ang boses ko, sana palagi mo akong pakinggan at kausapin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko kasi, ikaw lang ang nag-iisang nakakarinig ng boses ko. Ituring mo sana ako bilang isang kaibigan mo."

WhisperWhere stories live. Discover now