Chapter 14

3 0 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa restaurant, may nakita akong lalaking pamilyar sa akin sa di kalayuan.

"Officer Chen?" Tanong ko sa sarili ko. "Officer Chen!" Ani ko ng mapagtantong si Officer Chen nga ang nakikita ko.

Tumakbo ako palapit sa kanya ngunit natigil ako ng makita kong may kasama siyang babae.

Mukhang masaya silang nag-uusap kaya hinayaan ko nalang sila at nagtungo na ako sa restaurant.

"Good morning papa Bert!" Bati ko pagpasok ko ng restaurant.

"Marami pala kayong pinamili ni Officer Chen kagabi?" Nakangiting tanong ni papa Bert.

"Ah opo." Ngumiti ako sa kanya.

Agad na napawi ang ngiti ko ng maalala ko ang pagngiti ni Officer Chen sa harapan ng babaeng kausap niya kanina. Napa-irap nalang ako sa hangin.

Sinuot ko ang apron ko at nagtungo sa kusina.

"Tulungan na kita papa Bert." Ani ko at kinuha ang hawak ni papa Bert na kaldero. Hindi ko inaasahan na mainit pala ito kaya napaso ang kamay ko. Halos maiyak ako dahil sa sobrang hapdi kaya agad kong binitawan ang kaldero sa lababo.

"Naku! Pasensya na at hindi ko nasabing mainit iyan." Nag-aalalang sambit ni papa Bert. "Patingin ng sugat mo." Sinuri ni papa Bert ang pasong natamo ko sa mainit na kaldero.

Nagulat nalang kaming dalawa ni papa Bert ng biglang may umagaw sa kamay ko.

"Bakit hindi ka kasi nag-iingat?!" Sigaw ni Officer Chen.

Umirap ako at inagaw pabalik ang kamay ko. Bakit ba bigla nalang siyang sumusulpot?!

"Ayos lang ako, hindi naman gaanong masakit." Paliwanag ko.

Binuksan ko ang gripo at binasa ang kamay ko sa umaagos na tubig.

Hindi ko pa man nababasa ang buong kamay ko ay hinila na ako ni Officer Chen at pinaupo sa upuan.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang hawak niyang gamot.

Lumuhod siya sa may harapan ko at dahan-dahan na nilagyan ng ointment ang paso sa kamay ko.

Habang ginagawa niya iyon, hindi ko mapigilang hindi siya pagmasdan. Siguro para sa ibang tao oa ang naging reaksyon niya kanina, pero para sa akin sweet yun.

"Mahapdi ba?" Tanong ni Officer Chen.

Nag-iwas ako ng tingin dahil bigla siyang tumitig sa akin.

"H-hindi na." Binawi ko sa kanya ang kamay ko. "Salamat." Tumayo ako at bumalik sa kusina.

"Pasensya ka na talaga, Eya ha? Kamusta na ang sugat mo?" Ani papa Bert na nagluluto sa kusina.

"Ayos nga lang po yun papa Bert, magaling naman na po agad." Sagot ko sa kanya.

"Balik na po ako sa station, papa Bert." Paalam ni Officer Chen. "Eya, susunduin kita dito mamaya." At lumakad na siya palabas ng restaurant.

Hindi ko man lang natanong sa kanya kung bakit niya ako susundin mamaya.

Dumadami na ang customer na pumapasok sa restaurant kaya naman tinulungan ko na si papa Bert sa pagluluto.

Habang nagluluto ako bigla ko nalang narinig na nagsalita si Gardy mula sa gilid ko.

"Eya! Pumunta ka sa apartment bilisan mo!"

"Ha? Bakit naman? May ginagawa pa ako!" Pilit kong hininaan ang boses ko para walang ibang makarinig sa akin.

"May lalaking pilit na binubuksan ang pintuan ng apartment natin!"

"Ano?!" Napalakas ang boses ko kaya tumingin ako sa paligid ko pero mukhang wala namang nakarinig sa akin.

Agad kong pinuntahan si papa Bert na may kausap na customer.

"Papa Bert, aalis lang po ako saglit may emergency po kasing nangyari."

"Ha? O sige mag-iingat ka."

Nagmadali akong tumakbo papunta ng apartment. Halos may mabunggo na akong mga tao kakamadali ko.

"Sorry po!" Ani ko habang patuloy na tumatakbo.

Nang makarating ako sa apartment halos walang lumabas na boses mula sa bibig ko dahil sa sobrang hingal.

Nakita ko ang lalaking nakaluhod at pilit na may sinusuksok na kung ano sa door knob.

"Hoy!" Sigaw ko sa lalaki. "Anong ginagawa mo ha?!"

Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo palayo, kahit pagod na pagod ako ay hinabol ko pa din siya hanggang sa makalabas kami sa apartment.

"Hoy! Sinabing tumigil ka na!" Sigaw ko sa lalaking patuloy na tumatakbo. "Tumigil ka!"

Hingal na hingal na ako na para akong sumasabak sa marathon.

Hindi ko na namalayan kung saan na ako nakarating at patuloy ko lang na hinahabol ang lalaking yun. Hindi ko napansin na may kotseng sasalubong sa akin kaya nabangga ako nito at halos tumalsik at mapahiga ako sa kalsada.

Hindi na kaya ng katawan ko. Nanghihina na ako. Pagod na pagod na ako.

"Eya!" Dinig kong tawag sa akin ni Gardy mula sa kung saan. "Sino ba kasing nagsabi sayong habulin mo yung lalaki?!"

Naglakad palapit sa akin ang driver ng kotseng nakabunggo sa akin.

"A-ayos ka lang ba, miss?"

Hindi ko na maaninag ang itsura niya dahil nahihilo ako, ang sakit ng buong katawan ko. Inaantok ako.

Minulat ko ang mga mata ko at nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Nanghihina pa din ang buong katawan ko.

"Hay, salamat naman at nagising ka na!" Bulong ni Gardy.

"Salamat naman at nagising ka na!" Ani ng isang lalaking nakasuot pa ng school uniform. "May masakit pa ba sayo, miss? Anong nararamdaman mo?"

Teka nga, bakit kung magtanong siya ay para siyang doctor. Sino ba siya?

"Siya ang lalaking nakabunggo sayo." Paliwanag ni Gardy na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Eya?!"

Napatingin kaming dalawa sa lalaking tumawag sa pangalan ko at pumasok sa pintuan. Dumiretso siya papunta sa akin at mahigpit na niyakap ako.

"Mabuti naman at ayos ka lang." Bulong ni Officer Chen. "Pinag-alala mo ko ng husto."

Hinigpitan niya ang yakap sa akin at ramdam ko ang paghinga niya na para bang nanggaling siya mula sa pagtakbo.

WhisperWhere stories live. Discover now