Natigil si papa Bert sa pag-iyak dahil pinagaan ni Officer Chen ang sitwasyon.
Napagdesisyunan na din namin na umuwi dahil lasing na si papa Bert. Inalalayan ni Officer Chen si papa Bert hanggang sa makalabas kami sa restaurant.
"Mauna na kayong umuwi, mamimili pa ako sa grocery para bukas." Ani ni papa Bert.
"Naku! Ako na po ang gagawa noon, papa Bert. Magpahinga ka na po." Sagot ko naman.
"Kaming dalawa nalang po ni Eya ang magpupunta sa grocery." Sambit naman ni Officer Chen.
Pumayag na si papa Bert at hinatid namin siya ni Officer Chen sa mismong bahay niya dahil hindi na niya kayang maglakad pa ng ayos dahil sa kalasingan.
"Goodnight papa Bert." Ani ko at lumabas na kami ni Officer Chen sa bahay ni papa Bert.
"Eya" Tawag ni Officer Chen sa pangalan ko habang naglalakad kami papunta sa grocery store.
Humarap ako sa kanya at nagulat ako ng bigla nalang niya akong yakapin ng mahigpit.
"O-officer Chen, b-bakit?" Nauutal kong tanong habang yakap-yakap niya ako.
"Pwede ba kitang yakapin ng ganito kahit ilang minuto lang?"
Hindi ako makapagsalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sumasakit ang tiyan ko na para bang may paru-parong lumilipad dito.
Marahan akong tumango at mas hinigpitan niya ang pagyakap niya sa akin.
Napangiti ako, hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko ang yakap niya. Unti-unti kong inangat ang mga kamay ko at niyakap ko siya pabalik. Ang sarap sa pakiramdam. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at ang pagsinghot ng ilong niya, feeling ko umiiyak siya.
Nang matapos ang limang minuto ay nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa grocery store. Binigyan kami ni papa Bert ng listahan ng mga bibilihin at ng pera pambili ngunit hindi ito kinuha ni Officer Chen, siya na daw bahala sa pambili.
Napakabait na tao talaga ni Officer Chen.
Halos mapuno na ang cart dahil sa dami ng binili namin, isa nalang ang hinahanap namin ni Officer Chen na sabi niya ay ito daw ang pinaka importante sa lahat. Tinignan ko ang listahan ngunit nabili naman na namin lahat ng nakasulat dito.
"Officer Chen, ano pa po ba yung hinahanap natin?"
"Basta."
Nagpatuloy siya sa paghahanap, hindi ko siya matulungan dahil ayaw niyang sabihin sa akin kung ano bang hinahanap niya.
Bigla nalang akong hinila ni Officer Chen at halos magkadikit na ang mukha naming dalawa dahil sa ginawa niya. Hindi ko kasi napansin na may mahuhulog na palang kung ano sa ulonan ko. Mabuti nalang at agad niya akong naiwas.
Agad akong lumayo kay Officer Chen at tumayo ako ng ayos. Nailang kaming dalawa sa isa't-isa dahil sa nangyari.
"Oh! Ito na pala ang hinahanap ko!" Agad kong nilingon ang tinuro ni Officer Chen.
"Chocolate drink?!" Gulat na tanong ko sa kanya. "Paano naman naging pinaka importante yan sa lahat?"
Tumawa siya ng mahina saka sumagot.
"Paborito ko kasi to. Sa tuwing umiiyak at natatakot ako noong bata pa ako, palagi akong binibilihan nito ni mama."
Tumango ako dahil sa sinabi niya. Ayoko naman mauwi pa kami sa iyakan dito sa grocery store kaya inaya ko na siyang magbayad na sa counter.
Dinaan namin sa restaurant ni papa Bert ang mga napamili namin at inayos ito sa kusina. Nilagay ko sa refrigerator ang mga meat at ibang mga gulay.
"Eya" Tawag sa akin ni Officer Chen habang nag-aayos kami ng mga pagkain.
"Hmm?"
"Nakita kitang nakatitig sa akin kanina."
Natigil ako sa ginagawa ko. Tumingin ako kay Officer Chen na ngayon ay nakatingin din sa akin.
"Hindi kaya!"
Sinubukan kong tumawa para mailusot ang kahihiyan ko ngunit mas lalo lang naging awkward ang sitwasyon. Tumigil ako sa pagtawa at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Narinig ko ang hakbang ng sapatos ni Officer Chen palapit sa akin. Agad akong dinaluyan ng kaba dahil napaka seryoso niya ngayon. Bakit ba siya ganyan?!
Nang maramdaman kong malapit na siya sa akin ay agad akong nagpaalam na pupunta ako sa cr ngunit hinawakan niya ang braso ko. Tinitigan niya ako sa mga mata at saka unti-unting dinampi ang labi niya sa labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi ko maigalaw ang mga katawan ko at para akong naninigas.
Hindi ko alam kung paano, pero sa tingin ko gusto ko na siya. Gusto ko si Officer Chen.
Humiga ako sa kama at manghang-mangha pa din ako sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala. Totoo bang hinalikan ako ni Officer Chen?
Marahan kong hinawakan ang labi ko at inalala ang mga halik niya.
"Nagustuhan mo ang halik niya?"
"G-Gardy."
"Hmm?"
"Tingin mo? Pag-ibig kaya itong nararamdaman ko ngayon?"
"Kung natutuwa ka sa tuwing nakikita mo siya, kung hindi ka mapakali sa tuwing lumalapit siya sayo, kung may paru-parong lumilipad sa tiyan mo sa tuwing may ginagawa siya para sayo, malamang pag-ibig na nga yang nararamdam mo."
"T-talaga?"
"Bakit, in-love ka na kay Officer Chen?"
Hindi ako sumagot. Sa tingin ko oo, in-love na nga ako kay Officer Chen. Hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano nangyari. Ang tanging alam ko lang, ay gusto ko siya.
Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Masaya ako sa mga nangyayari, masaya akong sigurado na ako sa nararamdaman ko para kay Officer Chen.
Tinitigan ko ang chocolate drink na hawak ko. Binigyang ako nito ni Officer Chen dahil sa tingin niya daw ay magugustuhan ko din ito.
Umupo ako sa kama at tinikman ang chocolate drink, hindi nga siya nagkamali dahil nagustuhan ko ito, ang sarap.
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.