Naglalakad ako pauwi sa apartment ng laking gulat ko at makasalubong ko si Officer Chen.
"Officer Chen!"
Ngumiti siya at tumakbo papunta sa akin.
"Namiss kita." Aniya saka ginulo ang buhok ko.
Napangiti ako dahil sa ginawa niya.
Inaya niya ako kumain ng pares dahil nagugutom na daw siya. Ngayon ko lang nalaman na paborito niya pala ang pares dahil mura na daw at masarap pa.
"Pagpasensiyahan mo na yung nangyari noong nakaraan." Ani Officer Chen. "Hindi ko inaasahang uuwi siya sa bahay." Paliwanag niya.
"Ayos lang po, hindi mo din naman po iyon kasalanan."
Ngumiti siya at saka tinuloy ang pagkain ng pares.
Ngayon ko lang napagtanto, ang gwapo pala si Officer Chen sa uniform niya.
"Nga pala, saan ka tumutuloy ngayon?"
Sasabihin ko bang sa apartment? Malamang tatanungin niya kung saan ako kumuha ng pera pambayad doon.
"Bumalik ka ba sa bahay niyo?" Gulat na tanong ni Officer Chen.
"Hindi po!" Depensa ko.
Nang matapos kaming kumain ay naglakad lakad muna kami. Hindi na ako pinilit ni Officer Chen na sabihin sa kanya kung saan ako tumutuloy ngayon. Mabuti na din ito kesa naman hindi niya ako paniwalaan na may kakilala akong multo na tumutulong sa akin.
"Kung hindi ka kumportable sa tinutuluyan mo ngayon, pwede kang bumalik sa bahay ano mang oras." Ani Officer Chen habang nakatingin sa kawalan.
"Uhm, salamat po."
"Nga pala, yung pera sa cabinet ko, bakit hindi mo kinuha lahat?"
"Hindi ko naman po kasi kailangan, maraming salamat po pala doon."
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa madilim at tahimik na tulay. Dinadama ang lamig ng hangin at ang mahinang sipol nito.
"Uhm alam mo matagal tagal na din tayong magkakilala, pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo." Natatawang sambit ni Officer Chen at natawa nalang din ako. Oo nga pala, hindi ko pa nababanggit sa kanya ang pangalan ko.
"Tawagin niyo nalang po akong Eya, Officer Chen."
"Eya." Paguulit niya. Natawa ako ng mahina dahil ngayon nalang ulit may tumawag sa pangalan ko, bukod kay Gardy.
Nang makauwi ako sa apartment agad akong humilata sa kama. Nakakapagod ang araw na ito.
"Eya"
Nabigla ako dahil ngayon niya nalang ulit ako tinawag.
"Bakit?"
Naghintay ako ng ilang segundo ngunit hindi siya sumagot.
"Alam mo hindi kita maintindihan, tinatawag mo ang pangalan ko tapos biglang hindi ka na sasagot!" Umirap ako sa hangin. Sinubukan kong matulog ngunit hindi ko magawa, hindi pa ako inaantok.
"Gardy, bakit nakakausap kita?"
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.
"Kasi ikaw lang ang nakakaintindi sa akin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"May mga taong bigla nalang tumatakbo pag kinakausap ko sila."
"Malamang! Kahit ako noong una, takot na takot ako dahil hindi naman kita nakikita! Natural lang naman na tumakbo ang tao pag may bumulong sa kanilang multo diba?"
YOU ARE READING
Whisper
FantasíaSa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.