Tatlong rosas ang bumungad sa pintuan ko. Kinuha ko ito at nakita kong may kasamang maliit na papel.
Nilagay ko sa drawer ang tatlong rosas at binasa ang nakasulat sa maliit na papel.
Na-miss kita.
'Yan lang ang nakasulat sa maliit na papel. Agad akong nagtaka dahil bakit naman magsusulat ng ganitong klaseng note si Officer Chen?
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko siya.
"Hello? Goodmorning, Eya!" Bati niya sa akin. Ewan ko, napangiti nalang ako bigla kasi parang na-excite siyang kausapin ako.
"Goodmorning din, Officer Chen ko."
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. Pero narinig ko sa background na parang kinilig siya.
"Nga pala, hindi na ako mag-iiwan ng rosas sa pintuan mo mula ngayon, sa personal ko nalang ibibigay sayo."
Pero kakakuha ko lang. . .
"Ibig sabihin hindi ka nag-iwan ng rosas ngayon?"
"Oo, mamaya ko nalang ibibigay sayo pag uwi ko. Sige na, marami kasing pinapagawa si chief. I'll call you later, I love you."
Pinatay niya ang linya at hindi na ako nakapagsalita pa. Kung hindi si Officer Chen ang nag-iwan ng tatlong rosas at note na ito, Sino? Kanino galing ito?
Tumakbo ako palabas ng apartment, baka sakaling maabutan ko pa ang taong nag-iwan nito. Paglabas ko ng apartment, napatigil ako sa pagtakbo. Na-realize ko, baka hindi tao.
Hindi ko alam kung paano ako kikilos nang walang bumabagabag sa isipan ko. Muntikan na ma-overcooked yung niluluto ko kanina kaka-overthink, mabuti nalang at napansin agad ni Bea; yung dishwasher dito sa restaurant.
"Sorry, sorry." Sabi ko sa sarili ko matapos kong patayin ang sindi ng kalan.
Hindi naman iyon napansin ni papa Bert dahil busy siya sa pagluluto.
Agad akong nagtungo sa cr at naghilamos, para mahimasmasan na din siguro ako dahil kanina pa ako wala sa sarili ko. Tinitigan ko ang sariling repleksyon sa salamin ng ilang minuto at saka lumabas na ng cr.
Kinagabihan, habang naglalakad ako pauwi ng apartment nakaramdam ako na parang may mga matang nagmamasid sa akin, binilisan ko ang lakad ko pero kasabay n'on ay nakarinig ako ng nagmamabilis na hakbang ng sapatos mula sa likuran ko.
"Hoy!"
Halos mapatalon ako dahil sa gulat. Bwisit! Bwisit ka talaga Nathan! Akala ko naman kung sino na yung sumusunod sa akin!
Tawa siya ng tawa nang makitang gulat na gulat ako. Nahampas ko siya ng bag ko dahil sa inis ko.
"Hahaha grabe yung itsura mo," at nagpatuloy pa siya sa pagtawa niya.
Nakakainis talaga siya! Gusto ko siyang sapakin ngayon!
Bago ko pa man siya mapatay ay umalis na ako at iniwan siyang tumatawa na parang baliw.
"Antayin mo naman ako!" Aniya at tumatawa pa din.
Tumabi siya sa akin at pinipilit niyang pigilan ang pagtawa niya.
"Umalis ka na nga!" Sigaw ko sa kanya sa inis ko.
"Kakarating ko lang paaalisin mo agad ako?" Natatawang sagot niya.
Grabe, ano ba kasing itsura ko kanina at kung makatawa ang lalaking 'to ay parang wala ng bukas.
"Nakakainis ka kasi!"
"Sorry na natatawa kasi ako," umubo siya na parang pinipigilan niya ang pagtawa.
Pagdating namin sa apartment ay agad ko siyang hinarangan.
"Wag mo sabihing dito ka sa kwarto ko pupunta?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya kaya agad ko siyang sinaraduhan.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi man lang siya kumatok. Teka, umalis agad siya? Hindi man lang nangulit? Dahil sa curiosity ko binuksan kong muli ang pintuan at dire-diretso siyang pumasok sa loob.
"Sabi ko na pagbu-buksan mo ako."
Sabi ko na dapat hindi ko na binuksan yung pinto.
Humiga siya sa kama at nag 'feel at home'. Makapal talaga ang mukha ng lalaking 'to!
"Wala na sa labas yung flowers, ikaw ba kumuha?" Tanong niya.
"Sayo galing 'yun? Ikaw nag-iwan nung tatlong rosas sa labas ng pintuan ko?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.
Halos mamatay na ako kaka-overthink na baka kay Gardy - well, oo inaasahan kong kay Gardy iyon nanggaling - pero grabe! Kay Nathan lang pala?!
"Oo, may iba pa ba? The one and only," tinuro niya ang mukha niya at nagpa-cute pa. "Poging Nathan." At kumindat siya.
"Yung letter, sayo din ba galing?"
"Of course."
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at nalaman ko agad dahil kung hindi, baka hindi ako makatulog ngayong gabi at papasok ako sa trabaho bukas ng puyat.
"Bakit, nagustuhan mo ba?"
Lumapit siya akin pero tinulak ko siya, napahiga ulit siya sa kama.
"Umalis ka na nga! Magpapahinga na ako!"
"Pwede ka naman magpahinga habang nandito ako." Ngumiti siya na parang nang-aasar.
"Nathan! Seryoso ako, gusto ko ng magpahinga. Saka wag mo na nga akong ginugulo, diba sinabi ko na sayo na may boyfriend na ako?"
Ngumiti lang siya at saka tumayo sa kama. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan.
"Ano? May sinasabi ka ba?"
"Oo may sinasabi ako pero dahil hindi mo narinig bahala ka na sa buhay mo." Sagot niya saka lumakad palabas, tingin ko nagbibiro lang naman siya at hindi naman siya galit.
Bahala ka din sa buhay mo! Ano ba kasi talagang pinunta niya dito at ano ba kasi yung sinasabi niya?!
Bigla kong naalala, hindi ko pala natanong sa kanya kung bakit ganoon yung note na kasama nung flowers pero bahala na.
Mabuti naman at natahimik na ang buhay ko ngayon.
Pumunta ako sa study table ni Gardy. Binuksan ko ang drawer kung saan ko tinatago ang mga bulaklak at kinuha ito.
Bigla ko tuloy naalala si Gardy, noong una ayaw pa niya ipatabi ito sa akin dahil mabubulok lang naman daw. May point naman yung sinabi niya dahil lanta na nga ang karamihan sa bulaklak at hindi ko alam kung ano pang gagawin ko dito.
Yung galing kay Nathan mas dark yung pagka-red kesa sa mga binigay ni Officer Chen. Mas maganda yung galing kay Nathan pero mas na-appreciate ko yung galing kay Officer Chen kahit lanta na yung iba.
Nang ibabalik ko na sa pinagkuhanan ko ang mga bulaklak, nagkamali ako ng drawer na nabuksan. Noong una akala ko wala din laman itong drawer na nabuksan ko, pero may nakita akong isang picture. Picture ng lalaki.
YOU ARE READING
Whisper
خيال (فانتازيا)Sa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.