Lumakad ako pabalik sa lugar na una kong pinuntahan. Umupo ako sa bench at pinanuod ang mga tao sa paligid.
Kamusta na kaya si Officer Chen, pinagalitan kaya siya? Hay malamang oo, kasalanan ko kasi ito!
Binatukan ko ang sarili ko at napa-aray dahil sa katangahang ginawa ko.
Pakiramdam ko mababaliw na ako.
"Nandyan ka ba?" Ani ko na tila kinakausap ang hangin. Nagbabakasakaling baka nandito yung tumatawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung ano at sino siya pero gusto ko siyang maka-usap.
Napatingin sa akin yung babae sa kabilang bench at saka siya nagmadaling umalis na parang nakakita ng multo.
Umirap ako sa hangin at huminga ng malalim.
"Eya"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na iyon.
"Nandito ka?!"
Tumayo ako at tila hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon. As if makikita ko siya. Sana nga lang nakakakita nalang ako ng multo.
"Hoy! Asan ka na? Malapit ka lang ba sa akin?" Ani ko na parang may kausap na hangin. "Bakit ba paulit-ulit mo nalang tinatawag ang pangalan ko? Wala ka bang ibang alam na sabihin kundi ang pangalan ko?!" Napasigaw na ako dahil sa inis.
Karamihan sa mga tao sa paligid ko ay pinag-uusapan na ako, masasama ang tingin sa akin at yung iba ay nag aalisan nalang.
"Hindi ka ba natatakot?"
Hindi ko alam kung maa-amaze ako o matatakot dahil narinig ko siyang nagsalita. Kinakausap niya ako!
"B-bakit ako m-matatakot?!" Nauutal kong tanong sa hangin.
Totoo ba itong nangyayari sa akin o panaginip lang? Napaka imposible kasing mangyari nito. Nakakausap ko yung multo.
Naghintay ako ng ilang minuto ngunit hindi na siya muling nagsalita pa. Baka naman hallucination ko nalang iyon?
Bumalik ako sa pagkakaupo at saka pinanuod ang mga taong tila takot na takot sa akin. Ano bang ginawa ko? Mukha ba akong baliw?
Pinagmasdan ko ang sarili ko at napagtantong itsura nga akong baliw. Malaki ang damit na suot ko at gulo-gulo pa ang buhok. Nakikipag-usap sa hangin at may hawak pang damit.
"Nagugutom na ako." Bulong ko sa sarili ko at saka humawak sa tiyan na kumakalam.
Nagulat nalang ako ng may mga taong inabutan ako ng barya at mga tirang pagkain. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o magpapasalamat.
Kumain ako sa malapit na karinderya dahil kahit papano nagkaroon ako ng pambili. Salamat sa kanila at napagkamalan akong baliw.
Nang matapos akong kumain naglakad lakad ako sa may tulay, yung ibang taong nakakasalubong ko ay bigla nalang akong iniiwasan. Tinitignan ko sila ng masama dahil kanina pa ako naiinsulto sa ginagawa nila.
Nagpunta ako sa police station at hinanap ko doon si Officer Chen ngunit hindi daw pumasok. May nangyari daw na emergency sa bahay nila kaya kinailangan niyang lumiban.
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong sa akin ng isang pulis sa station. "Kung sakaling pumasok na siya bukas, sasabihin ko sa kanya na hinahanap mo siya." Paliwanag niya.
"Ah wag na po. Salamat nalang."
Naglakad na ako paalis at hindi na hinintay pa ang sagot ng pulis.
Napadaan ako sa bahay nila Officer Chen at pinagmasdan ito. Mukhang tahimik at walang tao kaya napagtanto kong umalis nalang. Wala na din naman akong balak pa na makitira ulit doon, gusto ko lang sanang kamustahin si Officer Chen.
Pawala na ang araw at dumidilim na ang kalangitan. Mukhang sa kalsada nalang ako matutulog.
Naluha nalang ako ng makakita ng pamilyang masayang nagku-kwentuhan. Nakakainggit. Pinunasan ko ang luha ko at saka naglakad palayo.
Humiga ako sa bench na palagi kong pinupuntahan at saka pinanood ang pag lubog ng araw. Mag-isa. Nakakalungkot.
Kamusta na kaya sila Denise at Joseph? Nakakapag-aral pa kaya sila? Hindi kaya sila sinasaktan doon? Masaya kaya sila?
"Palagi ka nalang umiiyak."
Napa-upo ako dahil sa gulat. Nandito ulit siya?
"M-multo ka ba? S-sino ka ba?" Tanong ko sa kanya. Ang weird, bakit ko ba siya nakaka-usap? Totoo ba talaga to?
"Ako si Gardy."
"Gardy? Uhm s-sa tingin ko nga multo ka."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
"P-palagi mo ba akong sinusundan?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya tumahimik nalang ako. Kung ganun, maaari ngang palagi niya akong sinusundan. Pero bakit naman?
Ilang minuto ang lumipas at hindi na siya muling nagsalita pa. Nahiga ako sa bench at sinubukan matulog.
"Malamig ang gabi, wala ka na bang ibang matutuluyan pa?"
Nakakagulat naman ang multo na ito, bigla-bigla nalang nagsasalita. Kung may sakit siguro ako sa puso, namatay na ako.
"Wala." Simpleng sagot ko sa kanya.
"Sumunod ka sa akin."
Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
"Paano ako susunod sayo hindi naman kita nakikita? Saka ayoko nga! Mamaya masamang espiritu ka pala."
Medyo na-guilty ako sa sinabi ko. Hindi siya sumagot kaya agad akong nagdasal. Sana nga hindi siya masamang espiritu.
"Sorry sa mga nasabi ko, pagod lang ako kaya..."
Wala pa din siyang imik at pakiramdam ko ay naghahanda na siya para takutin ako o gawan ako ng masama.
"Hindi ka ba magsasalita? Ito na susunod na ako sayo!"
Pero paano naman kasi ako susunod sa kanya? Saan ba kasi niya ako dadalhin?
"Pumunta ka sa pinakamalapit na apartment dito. Sa room 306."
Ano bang balak niya? Alam ba niyang wala akong pera pambayad sa apartment na yon?
Sa takot ko sa multo na ito ginawa ko nalang ang sinabi niya. Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na apartment dito at umakyat sa room 306. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero naka-lock ito.
"Kunin mo ang susi sa ilalim ng basahan."
Ginawa ko ang sinabi niya at laking tuwa ko ng mabuksan ko ang kwarto. Halos maluha ako dahil sa tuwa. May matutulugan na ako!
Humiga ako sa kama na napakalambot at ang bango pa. Mukhang magiging mahimbing ang tulog ko dito! Pinagmasdan ko ang buong kwarto, mukhang mayroon ng umuupa dito. Maraming libro sa lamesa, may mga damit sa cabinet at may backpack pa.
"Gardy! Nandyan ka pa ba? Mukhang may nakatira na kasi dito, aalis na ako!"
"Wag kang mag-alala."
"Bakit naman? Paanong hindi ako mag-aalala baka mahuli niya pa ako!"
"Hindi na siya babalik."
"Paano mo naman nalaman na hindi na siya babalik? Nandito pa yung mga gamit..."
Natigil ako sa pagpapaliwanag ng mapagtanto ko ang isang bagay. Ibig sabihin ba nito, si Gardy ang nakatira dito? Sa kanya itong apartment na ito?
Napalunok ako ng laway at hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nalungkot.
"Papayagan kitang tumira dito kahit ilang taon pa ang gusto mo, pero sa isang kundisyon."
YOU ARE READING
Whisper
FantasiSa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.