Tahimik ang buong paligid. Si Nathan, tingin ko nakukuha niya kung anong pinag-uusapan namin ni papa Bert. Minsan din kasing na-kwento sa kanya ni papa Bert ang tungkol sa anak niya.
"Eya!" Tawag sa akin ni Gardy. Masama ang pakiramdam ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. "Eya hindi ko alam ang nangyayari sa akin! Eyaaaa,"
Isang mahabang tawag niya sa pangalan ko. 'Yun ang huli niyang sinabi. Napatayo ako at napatingin sa akin sina papa Bert at Nathan.
"Gardy?" Tawag ko sa kanya.
"Eya anong nangyayari?" Tanong sa akin ni Nathan pero hindi ko siya pinansin.
"Gardy nasaan ka?!" Sigaw ko pero hindi siya sumasagot. "Gardy magsalita ka! Please Gardy!" Napaiyak ako.
Wala siya. Wala na si Gardy.
"Bakit? Anong nangyari sa anak ko?" Nag-aalalang tanong ni papa Bert.
Humikbi ako.
"Hindi ko po alam, bigla nalang siyang nawala. Tinatawag niya ang pangalan ko na para bang mawawala na siya, hindi ko alam." Humagulgol na ako at agad naman akong dinaluyan ni Nathan.
"Shhhh," Sabi ni Nathan at pilit na pinapatahan ako sa pag-iyak.
Hindi ka pwedeng mawala, Gardy! Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Please, bumalik ka na!
"Kailangan natin hanapin ang katawan ni Gardy." Sabi ko nang tumahan na ako sa pag-iyak.
"Paano?" Tanong ni papa Bert. Hindi ako nakasagot. Hindi ko din alam kung paano.
"Tutulong ako." Sabi ni Nathan. "Tutulungan ko kayo."
Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Pilit na nag-iisip ng paraan na pwede namin gawin.
Kinabukasan, hindi ako pumasok sa trabaho at alam ni papa Bert ang tunay na dahilan ko.
Pupunta ako kay Officer Chen dahil baka may makuha pa akong ebidensya na makakatulong sa amin. Pilit na gustong sumama ni Nathan sa akin pero hindi ko siya pinayagan lalo na at baka magsuntukan pa silang dalawa.
"Mag-iingat ka, pag hindi ka nakabalik ng alas nwebe ng gabi pupuntahan kita sa bahay ni Officer Chen." Sabi ni Nathan nang sabihin ko sa kanila ang binabalak ko.
"Wag ka ngang oa, uuwi din ako agad. Isa pa, hindi naman niya alam na alam na natin ang masamang ginawa niya. Normal na araw lang 'to para sa kanya." Sagot ko naman sa kanya.
Nasa harapan ako ngayon ng bahay ni Officer Chen. Tinitigan ko muna ito ng mga ilang segundo bago tuluyang pumasok.
Habang naglalakad ako papasok, hindi ko maiwasang hindi malungkot. Yung relasyon namin ni Officer Chen, mawawala nalang ba 'yun na parang bula? Yung kabaitan na ipinapakita niya sa akin, pakitang tao lang ba 'yun?
Papasok na sana ako sa kwarto ni Officer Chen nang marinig kong nagsasalita siya, parang may kausap siya sa cellphone niya.
Dinikit ko ang tenga ko sa may pintuan ng kwarto niya para marinig ang mga sinasabi niya sa kausap niya.
"Nasabi ko na . . . . Oo pre . . . . . Kaya nga . . . . . . Malapit na wag kang mag-alala . . . . . . Mga isang buwan pa . . . . . Eya ang pangalan niya . . . ."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Bakit niya sinasabi ang pangalan ko sa kausap niya?
". . . . Malakas ang pakiramdam ko na may alam siya . . . . Oo pre . . . . . Bwisit! kinuha niya nga yung jacket . . . . Oo . . . . Sige na!"
Hindi ako makapaniwala! Ibig sabihin may masamang plano si Officer Chen sa akin? At ibig sabihin may kasabwat siya sa lahat ng ginagawa niya?
Tatakbo na sana ako palabas nang biglang bumukas ang pintuan at nakita niya ako.
Gusto ko sanang magpanggap na wala akong narinig na kahit na ano pero mukhang huli na ang lahat.
Ngumisi siya at lumakad palapit sa akin, napa-atras ako.
"A-anong ibig sabihin nito?" Nauutal na tanong ko.
"Wag ka ng mag maang-maangan." Pabulong na sabi niya habang lumalapit sa akin. "Narinig mo ang lahat, diba?"
Hindi ako sumagot. Natatakot ako. Ibang Officer Chen ang nasa harapan ko ngayon.
"Gusto mong malaman ang lahat? Halika sumama ka sa akin!"
Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas.
"Officer Chen! Ano ba nasasaktan ako!"
Halos maiyak na ako sa sobrang sakit ng braso ko pero wala siyang pakialam. Hinagis niya ako papasok sa kotse at tinalian niya ang mga kamay at paa ko saka pinaandar ang kotse.
Wala masyadong tao sa paligid namin kaya walang nakakita sa amin. Umiiyak na ako at patuloy na nagmamakaawa sa kanya.
"Nahulog ka sa patibong ko?" Nakangising tanong niya sa akin. "Minahal mo ako ng totoo?" At bigla siyang tumawa.
All this time akala ko totoo ang pagmamahal niya sa akin. Minahal ko siya ng totoo without even knowing na pinaglalaruan niya lang pala ako. Akala ko nakakita na ako ng lalaking magmamahal sa akin habang buhay. Sabi ko na, masyado siyang perpekto para maging totoo.
"Bakit mo 'to ginagawa?" Lakas loob na tanong ko sa kanya habang umiiyak.
"Bakit ko 'to ginagawa?" Pag-uulit niya sa sinabi ko habang tumatawa siya. "Simple lang, ikaw ang puno't dulo ng lahat ng 'to. Hindi mo ba alam na napakalaki ng galit ko sa taong 'yun?"
Hindi ko maisip ang dahilan kung bakit galit na galit siya kay Gardy at paanong ako ang naging puno't dulo ng lahat? Maaaring hindi ko nga sila lubusang kilala at siguro, bago ako dumating sa buhay nila mayroong bagay na hindi nila napagkasunduan.
"Gusto ko lang malaman mo na hindi totoong patay si Gardy."
Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang ako sa sinasabi niya.
"At ako ang nagtangkang pumatay sa kanya." Ngumisi ulit siya.
Ibang-ibang Officer Chen ang nakilala ko. Tama nga si Gardy.
"Napakasama mong tao!" Sigaw ko ngunit tumawa lang siya.
"Hindi ako masama, si Gardy ang masamang tao."
Nag igting ang panga niya na para bang may naalala siyang masamang pangyayari.
"Ano bang nagawa sayo ni Gardy para gawin mo ang lahat ng 'to? Wala ka bang konsesya?!" Tinawanan niya lang ang mga sinabi ko. "Officer Chen, alam ko ang trauma na naranasan mo dahil sa ginagawa sayo ng papa mo pero wag mo naman gawin 'to sa ibang tao." Pagmamakaawa ko.
"Alam mo hindi ko akalaing," Seryosong sabi niya "Naniwala ka sa kwento ko." At tumawa siya ng malakas.
Pati ang kwento niya tungkol sa pamilya niya, lahat 'yun gawa-gawa lang?
Huminto na ang kotse at may nakita akong isang lalaki na naka-abang sa amin. Yung lalaking nakikita ko ngayon, siya yung pinakilala sa akin ni Officer Chen bilang tatay niya.
YOU ARE READING
Whisper
FantasySa oras na marinig mo ang boses ko, sana pakinggan at kausapin mo ako.