Chapter 3

14 0 0
                                    

Kakatapos lang namin kumain ng pares, nilibre ako ng pagkain nung isang pulis. Officer Chen ang tawag sa kanya nung Chief.

Mabuti nalang at may bukas pa na kainan sa ganitong oras ng gabi. Naglakad lakad kami sa medyo madilim na daanan, pabalik sa station nila.

"Salamat po sa libre." Ani ko sa kanya at natigilan naman siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"Sinasaktan ka ba ng magulang mo?" Takang tanong niya sa akin.

Kanina pa siya nagtatanong sa akin kung bakit ba ako naglayas ng bahay, pero hanggang ngayon hindi ako sumasagot.

"Hay di bale na nga." Aniya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at patuloy lang din siya sa pagsasalita, habang ako ay tahimik na nakikinig sa kanya.

"Noong kaedaren kita, naglayas din ako sa bahay namin dahil sinasaktan ako ng ama ko." Natahimik siya na para bang malalim na nag-iisip. "Napakarami kong sugat na natamo mula sa kanya. Ang laki kasi ng galit sa akin ng ama ko." Tumawa siya ng mahina ngunit ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya. "Namatay ang ina ko dahil sa katangahan ko."

Natigil kami sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Tumingin ako diretso sa mga mata niya at nakita ko ang luhang tumulo na agad niya namang pinunasan.

"Haaay!" Tumingala siya at pinunasan ang mukha niya, tumawa siya ng mahina at halatang nahihiya dahil sa ginawa niya. "Bakit ba ako nalulungkot?" Natatawang hayag niya.

"Officer Chen." Ani ko. "Gusto ko pong marinig ang kwento mo."

Pakiramdam ko wala pa siyang nasasabihan ng kwentong iyon, dahil ramdam ko ang bigat na dinadala niya habang nagku-kwento.

"Gusto mong marinig ang kwento ko?" Punto niya sa sarili niya. "Yung dahilan mo nga hindi mo pa rin sinasabi sa akin."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Sabagay, hindi naman patas yun kung maririnig ko ang kwento niya, samantalang yung akin ay pilit kong sinisikreto.

"Hay sige na nga. Tara!"

Inaya niya ako maglakad at umupo sa malapit na bench sa amin. Patay sindi ang ilaw ng street light ngunit hindi na namin iyon pinansin at nagsimula na siyang magkwento.

"Labing apat na taong gulang ako, natuto akong magbisikleta." Seryosong hayag niya at nakatingin sa kalawakan. "Patuloy kong inaaral ang pagmamaneho noon. Hanggang isang araw hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko, tumakas ako sa bahay dala-dala ang bisikleta ko. Inabot ako ng gabi dahil sa malayong lugar ako nagpunta, hindi ko alam na nag aalala na pala sa akin si mama at nasa trabaho si papa ng mga oras na iyon." Huminga siya ng malalim at pilit na pinipigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mata. "Patawid ako sa highway, hindi ko nakita na may truck palang sasalubong sa akin mula sa gilid ko, hanggang sa narinig ko nalang ang boses ng mama ko at bigla nalang akong tumalsik sa malayo."

Kinagat niya ang ibabang labi niya at pilit na pinipigilan ang iyak. Nalulungkot ako para sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at i-comfort.

"Nawalan ako ng malay noong araw na yun, nagising ako nasa hospital na ako. Humahagulgol ng iyak si papa at bigla na lamang akong sinampal." Umubo siya ng mahina na para bang may nakabara sa lalamunan niya. "Pitong buwang buntis si mama noon kaya naman, grabe ang galit sa akin ng papa ko nung nalaman niya ang nangyari. Ang nakakalungkot pa, dead on arrival na si mama pati na rin ang baby."

Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa kwento niya. Humangin ng malakas at tuluyang namatay ang ilaw ng street light.

Naaninag kong tumayo mula sa pagkakaupo si Officer Chen.

"Tama na, masyado na akong madrama." Tumawa siya ng mahina. "May matutulugan ka ba sa ngayon?"

Tumayo ako at saka sinabing "Ayos na po ako dito, dito nalang po ako matutulog." Ngumiti ako kahit na alam kong hindi niya naman makikita iyon.

Humarap siya sa gawi ko at itinuro niya ang bench na inupuan namin.

"Dito ka mismo matutulog?" Nahihiya akong tumango sa kanya. "Napakadilim dito at maginaw pa. Mabuti pa at sa bahay ka na muna tumuloy." Aniya.

Nanlaki ang mata ko dahil sa kahihiyan at agad na umiling.

"Ayos lang po talaga ako dito." Nahihiya kong sambit.

"Eya"

Natigilan ako. Narinig ko nanaman ang boses na iyon. Mas lalo akong natakot dahil sa sobrang dilim ng paligid at tila may tumatawag pa sa pangalan ko.

"M-may n-narinig po ba kayo?" Kabado kong tanong kay Officer Chen.

"Ha? Wala naman, bakit? May kakaiba ka bang naririnig?"

Halos maluha na ako sa takot. Bakit wala siyang narinig? Ako lang ba ang nakakarinig?

Gusto ko na sumang-ayon sa sinabi ni Officer Chen na doon nalang muna ako matulog sa bahay niya.

"Ano tara na?" Aniya.

Agad akong tumango at sumunod sa kanya sa paglalakad.

Nang makarating kami sa bahay ni Officer Chen, agad kong napansin ang maliit na bisikleta sa may bakuran. Sa tingin ko iyon ang bisikleta niya noong bata pa siya. Tumingin siya sa akin at agad siyang tumingin sa direksyon na pinagmamasdan ko, kaya naman agad kong iniba ang direksyon ng tinitignan ko.

"Tama ang iniisip mo, yan ang bike ko noong bata pa ako." Marahan akong tumango bilang sang-ayon sa sinabi niya. "Pasok ka!"

Pumasok na kami sa loob ng bahay niya. Hindi naman ito kalakihan at may isang kwarto lamang. Sa tingin ko siya lang mag-isa ang nakatira dito. Malinis ang buong paligid at maayos lahat ng gamit, ngunit binabalot ng kalungkutan ang buong paligid. Maraming picture ang nakasabit sa paligid na sa tingin ko ay picture nila iyon ng pamilya niya.

"Wag kang mag-alala at wala naman akong asawa o kasintahan at lalong wala pa akong anak." Natatawa niyang hayag. "Walang susugod sayo rito."

Natawa ako ng mahina.

Pero bakit wala pa siyang asawa? Sa tingin ko naman ay nasa tamang edad na siya para mag asawa. Stable naman na ang trabaho niya at may sarili na siyang bahay, kaya na niya bumuhay ng sariling pamilya.

"Ikaw na ang matulog sa kwarto ko at dito nalang ako sa sofa matutulog. Huwag ka ng umayaw dahil matutulog na ako dito." Humiga siya sa sofa at ipinikit na ang mga mata niya.

Wala na akong nagawa kaya naman dahan-dahan akong nagpunta sa kwarto niya at nahiga sa kama. Amoy lalaki ang buong bahay niya.

WhisperWhere stories live. Discover now